Chapter 14.
I've never accepted challenges in life, but this challenge would change my life. I don't know what his deal is, but I want to beat him this 3rd quarter examination. I want to earn the top spot.
"Chim, gatas mo." I heard Titanang's voice outside of my room. She opened the door and entered. "Ilang araw ka nang hindi lumalabas ng kwarto mo. Palaging kwarto at school ka. Bakit? Pinepressure ka ba?"
I shook my head. "No, titanang. I'm just preparing for my upcoming examination."
She put the glass of milk beside my papers. "Hindi ka naman ganiyan last semester. You seemed relaxed last time, but iba yata ngayon. Masiyado kang tutok. Baka hindi ka na natutulog nang hindi ko alam."
"I have complete sleep. Don't worry," I told her while writing a flashcard for my reviewers.
"Are you sure? Matulog nang maaga today, okay?"
I slightly nodded my head. "Yes po."
I slept early... 9 p.m., to be exact. My study time usually starts at 7:30 p.m. and ends at 9 p.m. Patapos na ako sa mga nirereview ko, kaya bukas naman ulit.
After I finished three subjects, I drank my milk and then went to bed.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil 1st day of examination na. I'm confident about my answers. For the whole week ay hindi ko nakita si Jaziel maging ang circle niya. I don't know why, but most of the time they're near our building.
Mukhang sineseryoso rin ni Jaziel ang kaniyang pagrereview. Talagang hinahamon niya ako. Don't worry, man, hindi ako magpapatalo sa mga galawan mo, huy! I'm Chim Alonzo, and no one can beat me unless I want to give my position to others. But as of now, I don't want to give up.
After a week, the results are out. Every quarter ay per strand muna ang nilalabas, then kapag sem ay whole batch ng SHS.
"Tara tingnan natin!" sabi ni Karla. We went to our announcement board.
I smiled when I saw my name at the top.
Alonzo, Xanaya Chime G. | 98.23 | HUMSS-Plato
"Ang galing mo, Chim!" Ayel exclaimed and hugged me.
"Magaling tayong lahat!" Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Let's go to STEM!" aya ko sa kanila.
"Tara," sabay nilang sabi.
Tumawid kami sa kabilang building at nagkakagulo rin ang ilang students sa may announcement board. Nakipagsiksikan kaming tatlo at nakita kong si Jaziel pa rin ang top student nila.
Flores, Wayne Jaziel | 98.17 | STEM-Einstein
Napangiti ako lalo dahil mas mataas ako sa kaniya. Kahit na puntos lang! Grabe naman itong self-validation ko!
Hinila ko ang dalawa kong kaibigan papunta sa may STEM-EINSTEIN, room nina Jaziel. Sumilip agad ako sa may pintuan at hinanap ang lalaki. Nakita ko siyang nasa upuan niya at natutulog! Ano ba 'yan?
"Halah, Jaziel nandito na si Chim!" sigaw ni Jashper, kaya halos ng mga kaklase nila ay tumingin sa gawi ko. "Sinusundo ka na," dagdag niya.
Nag-angat ng tingin si Jaziel at lumingon. Ibinaba niya ang kaniyang hoodie at nagtama ang tingin naming dalawa. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
Nang tumayo siya ay hinintay ko na lang siya sa may pintuan nila. Nakita ko naman ang dalawa kong kaibigan na nakikipagkwentuhan din sa mga kaibigan ni Jaziel. Sakto naman kasing lunch break ngayon.
"Yes, my dear?" his baritone makes me shiver. I feel like my system wants to scream.
Tumingin ako kay Jaziel na namumungay pa ang mga mata na nakatingin sa akin. Mabilis akong ngumiti sa kaniya.
"I beat you! What is the prize?" I asked beamingly.
Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang hoodie. He tilted his head.
"What do you want?" he asked.
"Samahan mo na lang ako sa booksigning sa Sabado! Please, please?" pagmamakaawa ko sa kaniya na parang bata at inalog-alog ang kaniyang braso.
He chuckled and averted his gaze. "Hmm, sure. Saan ba 'yon?"
Ibinalik niya ang tingin niya sa 'kin.
"Union Plaza?"
He nodded. "Okay. Alam ko ro'n." He looked at his watch. "Let's eat lunch."
Bumitaw ako sa kaniyang braso. "Libre mo ako? Natalo kita, eh!" biro ko pa sa kaniya.
"Sabi na, eh, buti naghanda ako," natatawa niyang sabi sa akin. Ginulo niya ang aking buhok. "Sige lang. Handa akong magpaalipin."
"Ha?" Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil humina ang kaniyang boses! Napanguso ako nang itinalikod niya ako mula sa kaniya.
Tulak-tulak niya ako habang papalabas kami ng building nila. Dumiretso kami sa likod ng building nila dahil may mas malapit na canteen doon. May canteen din kasi doon sa likod ng building namin, dalawa pa.
Pero ito ang mas malapit sa kanila, kaya narito kami. Parehas lang kaming umorder ng french fries dahil sabi ko may baon akong pagkain. Sabi niya ay siya rin.
Sinamahan niya akong kuhain ang lunch box ko sa room, kaya pinagtitinginan din kami ng ilang nakakakita sa amin.
"Let's go," aya ko.
Nakarating kami sa may Chill Zone at nando'n na ang mga kaibigan namin. Magkakatabi sina Ayel, Lander, at Jaspher. Samantalang sa kabilang side ay si Karla. Tumabi ako roon at tumabi naman sa akin si Jaziel.
Sabay-sabay kaming nagsibukas ng mga baon namin. "Baka naman mapadalas na ang pagkain natin ng ganito, ah. Naku, parang triple date," biro ni Jaspher.
"Tang*, ikaw lang walang ka-date," pang-aasar ni Karla pabalik.
Natawa kaming lahat. "Ikaw rin naman," balik na sagot ni Jaspher.
"Kayong dalawa na kasi," sabi ni Lander.
"No way," sabay nilang sagot.
Nakita ko naman si Jaziel na nagbukas ulit ng baunan. May laman iyong chicken curry na may tatlong pirasong manok.
"Kumakain ka ba nito?" tanong niya.
I smiled. "Oo naman."
Tumango siya at nagulat na lang ako nang isalin niya sa baunan ko ang dalawang manok at sauce. May kani-kaniya naman kaming ulam parang extra niyang dala ang curry.
"Huh? Bakit binibigyan mo ako niyan?"
Hindi siya tumingin sa akin at patuloy lang sa kaniyang ginagawa. "Sa 'yo naman talaga 'yan. Kumain ka na," sabi niya.
Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon dahil sa mga ginagawa ni Jaziel. Hindi ko na mapigilan pa ang kaniyang mga ginagawa. But, please Jaziel umamin ka na, oh.
"Thank you."
Napansin kong nalipat ang tingin nilang apat sa amin ni Jaziel. "Status n'yo? Ligawan stage?" tanong ni Ayel.
I beamed at them. "We're friends!" mabilis kong sagot. Tumingin ako kay Jaziel na tumigil pa sa pagkain. Siniko ko siya nang marahan. "'Di ba?"
Tumawa ang apat at si Jaspher ay tinatapik-tapik pa ang balikat ni Jaziel. "Friend zone ka na, boy," aniya.
Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Jaziel. "Crush mo 'ko?"
Lumakas ang tawanan nilang apat. "Chim, hindi ka bato, alam mo na sagot!" Natatawang sabi ni Karla.
Dahan-dahang tumingin sa akin si Jaziel. "Totoo? Weh? Bakit—"
Mabilis niyang sinubo sa akin ang siopao na maliit. "Kain na lang tayo dami mong sinasabi," aniya.
"Nagtatanong lang naman," nakanguso kong sabi habang ngumunguya.
Huminga siya nang malalim. "Hindi. Okay, na?"
Aray, ha.
Tumango-tango ako at ngumiti. "Mabuti naman. We're friends, okay? "
"Oo na. Nakatatak na sa akin, Chim."
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
