Chapter 19.
Patapos na ang semester namin. 3 weeks from now. Pero ngayon ay wala kaming pasok dahil may event sa school ang mga teachers.
"'Wag ka ngang maingay at baka magising ang mga bata!"
Napalapit ako sa pintuan at itinapat ko ang aking tainga sa may pinto.
"Manghiram ka na lang muna sa mga kapatid mo. This month lang naman, Xiera. Marami lang talaga akong binabayaran na bills. Ayoko namang mabawasan ang account ng anak natin," rinig kong sabi ni dada Travis.
"Bakit ka kasi nauubusan ng pera? Saan mo ba ginagamit?"
"Basta, Xiera walang masamang mangyayari, okay?"
"Nahihiya akong manghiram sa mga kapatid ko, Travis. Hiyang-hiya ako dahil sila kahit hindi magtrabaho sa loob ng ilang buwan, may mga pera! Pero tayo, dito na nga tayo nakatira ganito pa rin. Kailan ka ba, kasi maghahanap nang matinong trabaho! Palagi ka na lang kasing nakikipag-away sa mga katrabaho mo," paliwanag ni titanang.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Xiera? Kung hindi dahil sa kapatid mo hindi mangyayari 'to. Lagi akong pinag-iinitan dahil baka raw kasangkot ko iyong tatay ng asawa ni Xiara."
Napatutop ang aking mga labi. Parang hindi na nauubusan ng problema ang pamilya namin, o baka naman ako lang?
My grandfather, Chiro. He's my grandfather. Nakulong siya dahil sa dami ng ginawan niya ng kasalanan, pero kailanman ay wala na kaming naging balita sa kaniya. He doesn't want us to see anymore. He doesn't want visitors anymore.
"S–sorry. Hindi ko alam," naririnig kong iyak ni titanang.
"A-ayoko kasing isipin mo pa iyon. Baka pati si Vixie ay madamay. I love our son, Xiera, kaya hangga't maaari ay dinedepensahan ko ang sarili ko para lang paglaki ni Vixie ay wala siyang maririnig kaninuman."
Hindi ako lumabas pagkatapos ng lunch dahil nahihiya ako kina titanang. Kahit na naaksidente kong narinig iyon ay hindi ko dapat tinapos. I don't know how to act normal in front of them if I know what's happening. Lalong-lalo na kung may kaugnayan pa iyon sa pamilya namin.
Busy naman ngayon si Jaziel dahil may trabaho siya. Samantalang si Karla ay may lakad daw silang pamilya habang si Ayel ay may problema rin sa bahay nila kaya hindi niya ako masasamahan.
Nang pumatak ang ala-una ay naisipan ko namang lumabas. Wala sina titanang, kaya nag-iwan na lang ako ng notes sa may ref. Pupuntahan ko na lang si Jaziel sa trabaho niya.
I decided to walk na lang dahil naman masiyadong mainit. Medyo makulimlim pero mukhang hindi naman uulan.
Medyo tahimik dahil nga hapon at mukhang tulog ang mga tao ngayon. Nang medyo malapit na ako sa palengke ay napansin ko ang nag-iinuman sa gilid. Bigla akong namutla nang makitang nakatingin sila sa akin.
Napalunok ako at binilisan ang lakad ko. Nang makalagpas ako sa kanila ay may sumipol at ramdam ko na may sumusunod sa akin, kaya mas binilisan ko ang lakad ko.
I was about to cry when someone pulled on my waist. When I opened my eyes, I suddenly hugged him. "What are you doing here?" he asked softly.
Marahan akong tumingala sa kaniya. "I was about to visit you."
"Did they harass you?" Lumingon siya sa mga lalaki na naglalakad na palayo.
"M-muntik na..." I bit my lower lip.
He kissed my temple. "'Wag ka na ulit pupunta rito kapag hindi ko alam, okay? I will pick you up sa kanto basta 'wag kang pupunta mag-isa. Maraming gag* diyan sa tabi."
Kumalas ako sa pagkakayakap mula sa kaniya at parang bata na tumango.
"Gusto mo bang sumama sa akin? Sa pagtinda," tanong niya.
"P'wede ba?" I happily asked.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at dinala ako sa loob ng market. You will hear the vendors selling their goods, like meat, fish, chicken, and many more.
Dinala niya ako sa pwesto nila. Bigasan iyon na merong niyugan. "Ate Cecile, si Chim po," pakilala niya roon sa may-ari yata.
"Naku, kagandang bata. Maupo ka," aniya at niyaya ako sa loob. May pwesto pa kasi sila doon. Marahan akong naupo sa maliit na upuan. "Aalis na ako at kayo na ang bahala rito," dagdag niya.
Nang makaalis siya ay tumingin ako kay Jaziel na abala sa pag-aayos ng mga sako. "Is it okay with her that you brought me here?"
"Oo naman. Bakit hindi? Hindi ka naman magnanakaw saka matagal na ako rito," he casually said.
"I thought you were delivering fish."
Lumingon siya sa akin at lumawak ang kaniyang ngiti. "You still remember. But I'm not on the schedule," sabi niya.
"Okay."
"Uy, Jaziel!" tawag ng isang babae. Iyon ang babaeng madalas niyang kasama kapag nandito sila. She's wearing long sleeves, shorts, and boots. On his head, she's wearing a cap backward. Siya rin 'yong kasama niyang babae noon.
"Why?"
"Kain tayo," aya ng babae. Dumako ang tingin sa akin ng babae. "May kasama ka pala? Classmate mo?"
Jaziel chuckled. "Nililigawan ko."
Halos mamula ang mga pisngi ko dahil sa kaniyang naging sagot sa babae. Kita ko naman ang pag-iiba ng ekspresyon ng babae.
"Tang* hindi ka papatulan niyan."
Tumayo ako lumapit kay Jaziel. I encricled my hands on his arm. "Actually, he's my boyfriend," pakilala ko at ngumiti. I extended my hands to the girl. "I'm Chim. Jaziel's girlfriend. How about you?"
Kailangan ko nang bakuran ang akin. Mahirap na at baka maagaw pa ng iba. Mukhang ang isa pa namang 'to ay may gusto kay Jaziel. Halata naman sa mga tingin niya sa boyfriend ko.
"Irish. Bestfriend ni Jaziel." Tumingin siya sa kamay niya bago ngumiti sa akin. "Marumi ang kamay ko, pasensya na."
Ibinaba ko ang kamay ko at ngumiti. "Nice to meet you, Irish."
She smiled. "Una na ako," she said and left us.
Palihim akong umirap at bumalik sa kinauupuan ko. I looked at Jaziel's, who was looking at me and smiling. "What?" tanong ko.
"Nagseselos ba ang girlfriend ko?" nang-aasar niyang tanong. "Hindi ako na-inform na may girlfriend na pala ako."
I rolled my eyes at him. "P'wes meron na ngayon."
He leaned on me. "Kung wala lang tayo rito, kanina pa kita hinalikan."
I moved his face. "Dzuh! Magtrabaho ka na at 'wag mo akong lalandiin."
"Okay, Xachi. Mas inspired na ako kasi girlfriend na kita." Pinagpagpag niya ang kaniyang damit. "Magmumukha na akong mayabang nito."
"Ewan ko sa 'yo, Jaziel. Gusto mo ba 'yon si Irish?" naiirita kong tanong at kinalikot ang cellphone ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Liligawan ba kita kung siya ang gusto ko? Girlfriend ba kita kung siya ang gusto ko?" He walked towards me.
He leaned on me. "I like you, okay? Ikaw lang ang babaeng gusto ko. Hindi pa ba sapat 'yon?" He kissed me on my cheek.
"Ang P–PDA mo!" mahina kong bulyaw sa kaniya at itinulak nang bahagya ang kaniyang mukha.
He chuckled. "Kinikilig ka lang kasi. Mamaya ka sa 'kin," aniya.
Marahan akong napatawa. "Ewan ko sa 'yo," sabi ko.
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Fiksi RemajaChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
