Chapter 4

8.2K 194 3
                                        

Chapter 4.
 

"Titanang, please 'wag mong sasabihin kina mama na hinatid ako ng lalaki. Alam mo naman si mama malakas mang-asar. Si papa naman ay strikto pagdating sa akin," pagmamakaawa ko kay titanang habang kumakain kami ng almusal.
 
I know that my parents will arrive anytime today, kaya kinukumbinsi ko na si tita na 'wag masiyadong magkwento kina mama. Dada Travis and Vixie aren't here because Dada has a job while Vixie has a meeting for the scout.
 
Titanang laughed at me before get some rice from the bowl. "Akala ko ba schoolmate mo lang 'yon? Bakit parang takot kang sabihin ko sa kanila?"
 
I pouted unconsciously. "We're enemies, Titanang. We aren't even friends because I hate him so much!"
 
"Hmm? Enemy? Pero nagawa kang ihatid sa kanto. Chim, does he have feelings for you?" she asked teasingly.
 
Mabilis akong umiling kay titanang. How could she say that? Alam ng lahat na magkaribal kami sa academics. Laging nagtatalo ang mga scores namin kapag may same teachers kami sa mga core subjects. I didn't even notice him in the 1st semester, dahil akala ko ay hindi talaga siya kalaban, but I'm wrong. He's a big hindrance to my goal.
 
"Titanang, it's impossible!"
 
Narinig namin ang busina sa labas ng bahay, kaya napatayo bigla at lumabas ng bahay. I know that was my parents! They're here already!
 
Nang makalabas ako ay si Zeus agad ang unang lumabas. "Ate!" masigla niyang sigaw at tumakbo papunta sa akin.
 
I'm happily hugging him and lifting him up, which made him giggle more. We're super close at madalas siyang tumawag sa akin kapag gabi na dahil nami-miss niya na raw ako.
 
"Yey! Na-miss kita!" sabi ko at ibinaba siya. Pinisil ko ang malulusog niyang mga pisngi.
 
He's 10 years old already, but hindi pa rin nababago ang pakikitungo niya sa akin. He's still sweet, kahit minsan ay mapang-asar. He's a grade 5 student at katulad ko, and we're both aiming for a high spot.
 
"I miss you too," he said. "Na-miss ko na 'yong mabaho mong utot," aniya at parehas kaming natawa.
 
Napatingin naman ako sa mga magulang ko na kausap si titanang. Lumapit ako sa kanila at niyakap silang pareho. Pero kay papa ako mas tumagal ng yakap dahil nami-miss ko na ang panlalambing niya sa akin. He ruffles my hair while we're walking.
 
"How are you, baby?" he asked me.
 
Nauuna sina mama maglakad, habang kami ang nasa likuran. Tumingala ako sa kaniya. "I'm good, papa. I have a contest this November 23, hoping to be the winner."
 
"I know you can do it, but if you can't; it's still okay. It doesn't change the fact that you're our daughter."
 
Tumango ako at ngumiti. I'm happy that they never pressure me with anything, especially in academics. Minsan pa nga ay sila na ang nagsasabi sa akin na magpahinga, o kaya maghinay-hinay dahil suportado naman nila ako kung man ang mangyari.
 
"Why are you wearing pajamas, Chim? Are you cold" tanong ni mommy nang makarating kami sa dining area.
 
Nakayakap ako kay papa mula sa kaniyang likuran habang kumakain siya. Habang si mama ay nasa tabi niya rin.
 
Napanguso ako. "Malamig kagabi, ma," I lied.
 
She squinted her eyes at me. "Don't fool me, baby. I know you. Even if it's hot or cold, you're not wearing pajamas because your sleepwear is always above the knee. Iangat mo nga 'yang pajama mo," utos niya.
 
Nang iangat niya iyon ay bumungad ang sugat ko medyo fresh pa. "What happened to that?" she asked nervously at natigilan pa sa pagkain.
 
I pouted. "Naglaro lang, ma nasobrahan. But don't worry, it will heal soon."
 
She checked my wounds, so I removed my hands from Papa's back. "Are you sure? Do you want to go to the hospital?" sunod-sunod niyang tanong.
 
"Don't worry, ma. I'm okay na. Hindi na siya sobrang sakit."
 
After we ate, we just had some chitchat time. Bukas pa uuwi sina mama, kaya ngayong araw ay makakasama ko sila. Tuwing Sabado naman sila nandito, but there's still a time na hindi sila nakakapunta dahil busy ang kanilang nga schedule. I told them that it was okay to visit me once a month, but they refused because they would miss me so much.
 
We went to the market. Kasama ko si mama dahil bibili raw kami ng uulamin namin para mamaya. Kabisado ni mama ang lugar na ito dahil nandito raw siya no'ng ipinagbubuntis niya ako.
 
Nang makarating kami sa palengke ay talagang maririnig mo kabilaan ang mga boses ng mga nagtitinda. Merong mga gulay, prutas, isda, karne, at marami pang iba.
 
But my attention was fixed on the guy who's sitting near the eatery. Nakaupo siya mga sako habang nakasuot ng itim na t-shirt na may apron, short at bota. Kumakain siya ng tinapay habang kasama ang isang babae at lalaki na mukhang kasingedaran niya lang din. Nagkekwentuhan sila at parang seryoso ang pinag-uusapan, pero kapag tumatawa ang dalawa ay napapayuko na lang ang lalaki.
 
Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang tingin naming dalawa. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
 
"Chim, anak gusto mo ba ng porkchop?"
 
Napaiwas lang siya nang tingin nang tapikin na siya ng kaniyang kasama. Inubos niya ang hawak niyang tinapay at umalis na rin. Tumingin muna siya saglit sa akin bago sila naglakad palayo.
 
Naramdaman ko ang kalabit ni mama, kaya lumingon ako. "Gusto mo ba ng porkchop?"
 
"Sige po."
 
Kumunot ang kaniyang noo. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.
 
Marahan akong tumango. "Opo, ma."
 
Habang naglilibot kami ni mama ay hindi ko maiwasang hindi hanapin ang lalaking iyon. Ngayon ko lang nalaman na nagtatrabaho pala siya, o napadaan lang din talaga siya?
 
Napunta kami sa may fish station nang may sumipol, kaya napatabi ako ng daan. Hila-hila ni Jaziel ang malaking batya na may lamang mga isda. Halos mga buhay pa ang mga naroon at natalon pa.
 
"Oh, Jaziel. Ilang kilo 'yan?" tanong ng binibilhan namin ni mama.
 
"10 kilos, ate Tine. Kukunin mo na ba?" tanong nito.
 
"Oo naman. Ilapag mo na," aniya. Isa-isang inangat ni Jaziel ang mga tilapia.
 
"Fresh pala ang mga ito," sabi ni mama. "Dito na lang ako kukuha," dagdag niya.

"Opo, ma'am. Kilala ko po ang mga nanghuhuli kaya siguradong safe at fresh ang mga 'yan," sabi ni Jaziel.

"Really? Sige, kukuha ako dalawang kilo.

Habang nasa likuran ako ni mama ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Jaziel na abala sa paglalagay ng mga isda. Kita rin ang pawis na tumatagtak sa kaniyang noo. Nang matapos siya ay saglit siyang tumingin sa akin ngunit walang emosyon ang kaniyang mukha.
 
Ibinalik niya ang tingin sa tindera. "Una na po ako, ate Tine," paalam niya.
 
"Sige. Mamaya na lang ang bayad ko pagbalik mo," sabi ng nagtitinda.
 
"Sige po."
 
Hinila niya na kaagad ang dala niyang batya at hindi na lumingon pa. Kinausap niya rin ang nasa kabilang pwesto. Hindi ko alam na ganiyan pala ang ginagawa niya kapag weekends.
 
Hindi lang ako makapaniwala.
 
 
 
 
 

 
______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon