Chapter 17.
"Mrs. Alonzo, tawag po kayo ni tito," Jaziel said while his fingers intertwined with each other.
Ngumiti sa akin si mama bago tumayo. He tapped Jaziel's shoulder before she went to the kitchen. Lumapit sa akin si Jaziel at kinuha bouquet ng bulaklak bago iabot sa 'yo.
"Nakalimutan kong ibigay sa 'yo. I'm nervous," he confessed. Kinuha ko naman kaagad iyon.
Bahagya naman akong natawa at tinapik ang sofa. "You may sit down. How was it? Nagalit ba si papa?" tanong ko sa kaniya nang makaupo siya.
"Hindi naman. I had a good conversation with your dad," he calmly said. He licked his lower lip. "Mama mo na lang ang kakausapin ko."
Napangiti ako lalo. "Ano'ng pinag-usapan n'yo?"
He looked at me and said, "Bawal sabihin. Sa amin lang."
I nodded my head before giving him a thumbs up. "Good points ka diyan! "
"Ate! Ate! May sudoku ka ba?" tanong ni Zeus nang makalapit siya sa amin. Napatingin siya kay Jaziel. "Who are you?"
"Zeus, si Jaziel ate's suitor," pakilala ko. Tumingin ako sa katabi ko. "Jaziel, si Zeus kapatid ko."
He smiled at him. "Hi, Zeus, nice to meet you. Pasensya na kung wala akong dala for you. Next time na lang kapag bumalik ka."
"No need po. I don't need anything right now po..." My little brother's forehead knotted. "You look like someone po."
"Really? Who?"
Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan nang biglang may sumigaw mula roon. Si tito pogi at ilang beses pang pumalakpak. Dala-dala ang balot ng lechon manok.
"Welcome home, family!" bati niya kaagad at tumatawa pa.
"Tito pogi! Nandito ka na naman, may pinorpormahan ka ba sa labas?" tanong ko sa kaniya at lumapit. Nagmano ako sa kaniya at kinuha ang bitbit niya.
Napapadalas na talaga siya rito. Eh, lagi siyang out of the country, kaya malamang ay lumalandi na 'yan si tito. Finally! Magkakaroon na ako ng kinakapatid sa side niya. Nagagalaw na rin ang baso!
"Nanliligaw pa lang pero ayaw pa sa akin, eh!"
"Deserve!" biro ko sa kaniya at parehas kaming natawa.
Lumapit naman sa kaniya sina Zeus at Vixie para magmano. Napadapo ang tingin niya kay Jaziel. Mukhang nagulat pa siya.
"Oh, ikaw ulit?" Tumingin sa akin si tito pogi. "Chim, baka naman idadahilan mo pa rin sa akin na walang kayo? Nagpapakilala na sa magulang mo, oh?"
"Manliligaw ko po, tito pogi."
"Ayun! Sabi na, eh!?" Napatingin siya sa kusina. "Zach, iyong first baby girl natin dito may manliligaw na pucha! Uunahan pa yata ako!"
Lumabas si papa sa kusina. "Ang ingay mo naman sa bahay namin," nang-aasar na sabi ni papa. "Bakit ang dalas mo na rito? Are you being papansin?"
"Tss. 'Wag kang papansin. Maganda na lovelife mo." Natigilan si tito pogi nang lumapit sa kaniya si Jaziel at nagmano. "Naku, Chim tagalan mo pa pagsagot dito ayokong mauna pa kayo," natatawang dagdag niya.
Napailing na lang ako sinabi ni titopogi. Balak ko na kasing sagutin si Jaziel, kapag malapit na ang bakasyon namin. I want him to be my boyfriend, as our recognition ended this semester.
After we had a conversation in the living room ay naghanda na rin sina mama ng makakain namin. We had happy lunch at that time. Hapon na nang makauwi si Jaziel dahil pinagkakaguluhan siya nina papa, tito pogi at dada Travis. Habang sina mama at titanang naman ay busy rin sa pagkekwentuhan.
Nang mag-lunes ay nalugmok na naman ang aking katawan. There's a lot of schoolworks that need to be done. Kababalik lang, eh ang dami na namang gagawin. I took a deep breath before looking at our green board. There's a lot of works to be done.
Most of them are groupings. We have our oral communication roleplay, kaya kailangan naming mag-practice sa gymnasium mamaya o hindi kaya sa grounds dahil hindi naman na mainit kapag 3 PM na.
"Meeting tayo mamaya, ah," Fiona said. Our leader for this task. Binigyan lang kami ni sir Vladi ng 2 weeks para mag-practice, pero kakayanin naman siguro ito.
Napabusangot pa ako dahil hindi ko makausap sina Karla at Ayel dahil hindi ko naman sila mga kagrupo! Nakakainis talaga.
After our class ended, we decided na lang sa ground na mag-practice dahil hindi na mainit. Kaya humanap na kami ng pwesto. Nandito rin ang ilan sa mga kaklase namin, kaya hindi ako nakaramdam ng hiya.
"Hi!"
Halos mapaitlag ako sa gulat dahil kay Jaziel. "Hello. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.
"I just want to see you. Is that bad?"
I shook my head. "Mukha na akong haggard. Pangit ko na baka ayawan mo na ako," nakanguso kong sabi.
Hold on to yourself, Chim! Myghad ka! Hindi pa nga kayo, pero nag-iinarte ka na. Ano ka diyan, ganda?
"Uhuh? Do you think my feelings are shallow? Of course not, Xachi. I'm in love with you just because."
I could feel my cheeks burning, and it's turning into a red-crimson one.
"Bola! Wala ka bang klase? Lumalabas na pagiging clingy side mo," I told him.
He chuckled and shook his head. "My class was about to end. Anyway, I think your classmates are waiting for you." Napanguso siya sa mga kaklase ko na naghihintay na nga sa akin dahil nakatingin sila sa amin.
I looked back at Jaziel. "Ikaw kasi ang harot mo!" I teased.
"Opo. Hindi na. Mamaya na lang kita lalandiin," he whispered. Inabot niya sa 'kin ang water bottle at ngumiti. "Kain tayo after, hmm?"
Tumango ako bago siya nakitang humakbang palayo.
Marahan na rin akong tumayo at pumunta sa mga kagrupo ko. Parang may gusto silang itanong pero nanatili na lang silang tahimik at nagsimula na nga kaming gumawa.
Hindi ko alam, pero parang pakiramdam ko ay naiilang sila sa presensya ko. After the P. E. dance we had ay nagkaroon ng maraming pagbabago. Marami-rami ang dumistansya sa akin at hindi ako mapakali roon.
I don't know what I did to them, kaya mas pinili ko na lang din manahimik. Nagpaalam ako saglit na magbabanyo. I just want to breathe.
Nang makabalik ako ay hindi yata nila ako napansin. "Gag* may tinatago pa lang landi 'yon si Chim," sabi ng isa.
"Oo nga, eh lumalabas na ang tunay na kulay. Nitong nakaraan nakaraang linggo pa nga raw ay pumupunta sa classroom nila Jaziel para lumandi! Like, girl, ganda ba siya?" sabi ng isa.
"Sa true! Hindi naman sila bagay ni Jaziel, eh? Mas bagay ka pa rin do'n, Zia. Mas maganda ka pati, maputi lang naman 'yon."
Nagtago ako sa dingding at pinipigilan ang luhang gustong pumatak sa mga mata ko. So, they're pretending that they like me the whole time?
"Porke't laking Siyudad, akala mo kung sino na. Matalino siya, oo, pero hindi talaga sila bagay."
"Parang siyang uod na inasinan kapag kinikilig! Hindi ba at mukhang tanga." Narinig ko ang malakas na tawanan nila.
"Ingay pati minsan lalo na kapag magkasama sila ni Ayel!"
I wiped my tears, dahil tuluyan na iyong bumagsak mula sa mga mata ko. Nanginginig akong kinuha ang cellphone ko at nag-chat sa GC namin.
Oral Communication Group 5
Chim G. Alonzo
Bawi na lang ako bukas, guys, I'm not feeling well today.
Sadly
"Si Tanga nagpaalam pa! Eh, uwian na rin naman natin saka English pa mukha namang foreigner na hilaw."
Their words creeped the hell out of me. Gusto ko silang sugurin, pero hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na gano'n. I don't want to be here anymore. I don't want to see them again.
I'm losing myself again...
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Genç KurguChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
