Chapter 21.
"Blooming ka, beh, ah. Ano meron?" tanong ni Ayel sa akin at napangalumbaba sa harapan ko. "Malapit na ang final exam week, pero parang gumaganda ka yata."
Namula na naman ang mga pisngi ko. "Oh my God! Inlove ka?" sabi naman ni Karla na nasa tabi niya.
We're here in Chill Zone, breaktime namin. We're just having a snack.
"Uhm, yes."
They're both gasped. "Kailan pa, ha?" tanong ni Ayel. "Hindi mo sinasabi sa amin na may boyfriend ka na?!"
Tumingin ako sa paligid namin bago ibinalik kay Ayel. "Please don't say it loud. Just lower your voice. I don't want them to hear us," I told them in a low voice.
Baka may makarinig at sabihin na naman sa akin na malandi ako. I don't want to hear any rumors again about me. Ayoko lang talaga ng gulo.
"Sino? Sino? May nanligaw ba sa 'yo? Iyong nagbibigay ba ng letter sa 'yo?" tanong ni Karla.
Until now, I didn't know who'd given the letter. Mukhang wala namang balak umamin ang nagbigay ng mga iyon.
"Hi, girls, ano pinag-uusapan n'yo?" tanong ni Jaspher na kakarating lang, nasa likuran niya ang dalawa.
Namula na naman ang pisngi ko dahil nandiyan na ang boyfriend ko. Napatingin ako sa kamay niya at nando'n ang bracelet na binigay ko sa kaniya. I also wore the bracelet and the watch he gave me last week.
Umupo siya sa tabi ko at naramdaman kong dumikit ang kaniyang daliri sa daliri ko. Nasa upuan ko kasi ang kamay ko.
I cleared my throat, and I feel that my face is heating up. Gosh, Chim! Umayos ka nga para ka namang bata!
Ipinatong ko ang kamay ko sa table dahil kukuha ko ng sandwich nang iangat din ni Jaziel ang kamay niya.
"Oh my God?!" Napatingin kami kay Ayel na tumitili-tili pa. "Tanginang dalawang 'to hindi nagsasabi. Kayo?" tanong niya.
Nagkatinginan kami ni Jaziel. He gave me a sign to explain it to them. I looked at them.
"Please don't be loud, and I want our relationship to be private. Sa loob, kayo lang ang nakakalam, sa labas parehas na pamilya namin. And bahala na mag-isip ang mga makakakita sa amin. But inside the campus, please don't tell others about us," paliwanag ko.
I saw the disappointment on their faces. I know that they want to tell others about us. Gustuhin ko rin naman, pero hindi talaga. Ayoko munang maraming mangialam. People nowadays are just interfering with what we have.
Tumingin ako kay Jaziel. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang kaniyang bracelet. I know that he wants to tell others that I'm his girlfriend, but masama ba iyon?
Sa huli ay pumayag pa rin naman sila. Kinikilig pa nang malaman na last week pa kami at alam na ng mga magulang namin. They went last Saturday to formal introduce himself as my boyfriend.
Wala namang problema sa mga magulang ko. They just want us to be happy while still being focused on our studies. They don't want us to distract.
Nang mag-uwian ay hinintay ko si Jaziel sa may waiting shed. Pinauna ko na ang dalawa dahil kailangan na nilang umuwi.
I looked at the gate, and I noticed Jaziel with his friends. Pero may kasama silang isang babae.
"Uy, okay lang ba talaga na sumabay ako sa inyo," tanong nito.
"Oo naman," sabi ni Lander.
Lumawak ang ngiti ng babae at sumabay kay Jaziel. Bigla naman akong nilamon ng selos. Sino na naman ba 'yang babaeng 'yan?
Napatingin sa gawi ko si Jaziel, kaya agad akong tumalikod. I didn't inform him that I would wait for him besides p'wede na siyang umuwi. Hinintay ko lang naman talaga siya at nagbabakasali na sasabay kaming uuwi ngayon.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang kamay niyang nasa balikat ko, nakaakbay.
"My girlfriend waited for me. I thought you wanted to be private, hmm?" he asked teasingly.
I looked at him and pouted unconsciously. "Pero wala akong sinabing lumandi ka sa iba. Kung hindi ko pa nakita, malamang ay hindi mo sinabi sa akin," mahinang bulyaw ko sa kaniya.
He chuckled, and that's irritating me more. Nang-aasar na naman siya sa palagay na 'yan.
"I'm not flirting with others, Xachi, pero kung sa 'yo, bakit hindi?"
Marahan ko siyang hinampas sa balikat niya. "Ewan ko sa 'yo!"
"Let's go," aya niya.
Sumeryoso na ang kaniyang mukha nang humarap sa mga kaibigan niya at doon sa babae. The girl looked at me, confused.
Talagang sumabay pa siya sa amin ni Jaziel sa paglalakad. Kita na ngang nakaakbay sa akin iyong tao, hindi makaramdam na girlfriend ako? Gumagawa pa talaga siya ng paraan para magkatabi sila ni Jaziel. But my boyfriend put me beside her. Wala siyang nagawa kung hindi sumabay roon sa dalawang kaibigan ni Jaziel.
Hinawakan ni Jaziel ang kamay ko at dinala ako sa ibang daanan. "Why are we here?" kunot noo kong tanong.
"You feel uncomfortable with her," he said, holding my hand. He interweaved our fingers.
"You noticed that?"
He nodded his head. "Of course, I'm your boyfriend after all."
"T–thank you. I realized, I'm head over heels for you too, Jaziel," I said.
"I love you more."
He kissed me on the cheeks and hugged me.
We went to the nearby paresan. Nang pumasok kami roon ay si Jaziel ang umorder at ako naman ang nag-asikaso sa table. Pinunasan ko iyon ng tissue paper at inayos ang mga condiments.
Nang dumating si Jaziel ay inilapag niya ang tray na may lamang dalawang mangkok ng mami pares. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula nang timplahan ang pares.
Napangiti ako nang ilagay niya sa tapat ko ang una niyang tinimpla. He licked his finger. Natapunan kasi iyon ng sauce.
"Kain na. Mainit-init pa 'yan," aniya.
Bago siya magsimulang timplahan ang pagkain niya ay sinikop niya lahat ng buhok ko at itinali iyon gamit ang tali na nasa wrist niya.
Naramdaman kong hinaplos niya ang aking buhok habang kumakain ako. Nagsimula na rin siyang timplahan ang kaniyang kinakain.
"Jaziel, ikaw ba nagbibigay ng letters dati?" I asked him while we're eating.
He glanced at me. "Galing kay Ran?"
Marahan naman akong tumango. "Pinapaabot lang naman daw sa kaniya 'yon pero ayaw rin sabihin kung sino. Ang ganda kasi no'ng laman ng mga letters. Ayoko namang kiligin kung hindi galing sa 'yo," pang-aasar ko pa sa kaniya.
Naiiling siyang tumawa bago humarap sa kaniya. "P'wede ka ng kiligin, sa akin galing ang mga 'yon."
All this time, siya rin pala 'yon.
"So, bakit gano'n ang code name? Run? Akala tuloy no'ng una si Ran."
He chuckled and pinched my cheek. "It was not. It's jogging. Starts from letter J."
"Ang talino mo talaga," tanging nasabi ko na lang sa kaniya.
After that, we went home and reviewed together through a video call. Naiintindihan ko tuloy lalo kapag siya ang nagtuturo.
Paulit-ulit na lang ang naging routine namin. Kapag papasok ay magkikita kami sa kanto at sabay kaming papasok. Kapag breaktime ay palagi kaming sabay with our friends. Kapag P.E. ay patago siyang pumupunta sa tabi ko at hahawakan ang kamay ko.
He's just sweet to me.
Kapag uwian namin ay palagi kaming sabay kahit gaano ka-busy. We're keep waiting on each other, lalo na kapag may mga practice ang bawat isa. Before we went home, may dadaanan muna kaming kainan at madalas kaming tumambay sa may mini plaza malapit sa waiting shed ng kanto namin.
Until our semester ended, Today is our last day for this school year.
I'm just proud because we ended our semester with flying colors!
1st sem | 2nd sem | Average
Rank 1
Flores, Wayne Jaziel | 98.30 | 98.36 | 98.33
[STEM-EINSTEIN]
Rank 2
Alonzo, Xanaya | 98.22 | 98.39 | 98.31
Chime G.
[HUMSS-PLATO]
Napangiti ako sa results. Parehas kaming nasa top ni Jaziel. Grabe, our grades are really close to each other. Look at the points. Almost close.
"Grabe kayong mag-jowa. Mga mamaw sa acads. Tingnan mo naman. 2 points lang, grabe," bulong ni Ayel sa akin.
"Nagre-review ba kayo ng sabay?" tanong naman ni Karla.
Marahan akong tumango. "Of course."
Tumalikod na kami sa may announcement board at hinanap kaagad ng mga mata ko si Jaziel. Nando'n siya sa may Chill Zone, kasama ang mga kaibigan niya.
Naglakad kami papunta sa kanila. Sinalubong niya kaagad ang tingin ko. Lumandas ang ngiti sa kaniyang mukha. Bahagya siyang nakaupo sa mesang semento, habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
"Grabe naman ang hot ng boyfriend mo!" kinikilig na sabi ni Ayel sa tabi ko.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay ngumiti siya lalo.
"How was it?" he asked sweetly.
"2 points lang. Sayang hindi umabot! So anong consequences ko?" tanong ko at humalukipkip din sa harapan niya.
"Just be with me until forever."
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
