Chapter 32

6.6K 130 5
                                        

Chapter 32.
 
 
"Nasaktan mo pa rin ako, kahit na gano'n ang dahilan mo, Jaziel."
 
He kissed my temple. "I know, baby. At iyon ang pagkakamali ko. H-hindi ako nagtiwala na kaya mo akong hintayin sa lahat ng pagkakataon. I'm really sorry."
 
Tumayo ako at pinunasan ang mga luha kong kanina pang pumapatak mula sa mga mata ko. "I need space, Jaziel. Hindi ko lang lubos na maisip na you can't trust me."
 
Nilingon ko siya at tumango-tango siya. "I understand..." He looked at me. "But please, don't fall in love with someone else. Hindi k-ko kakayanin."
 
"You're okay now. I will leave for awhile. Babalik na lang ako, kapag okay na ako."
 
Mabilis akong lumabas ng unit niya at bumalik na sa unit ko. Napaupo na lang ako sa likod ng pintuan ko habang umiiyak. Hindi ko lang lubos maisip na, all through our relationship, he never trusted me.
 
He thought that I couldn't handle him when he's down. Kaya ko rin naman 'yon, katulad ng ginagawa niya sa akin noon. I'm not a shallow person. My feelings for him are real.
 
Iniisip ko na nga na kaming dalawa na ang magkasama sa future, eh?
 
Dalawang araw akong hindi lumabas ng unit para makapag-isip isip. I need to take a break from anything. Kaya wala akong ginawa kung hindi ang magbasa ng libro at manood ng dramas.
 
I smiled in front of the camera. Today is our graduation pictorial. In the next 2 weeks ay graduation na namin. Mamaya rin ay didiretso naman ako sa director's office para malaman kung sino sa amin ni Jaziel ang magiging valedictorian.
 
"Ang ganda mo talaga, Chim! Kaya maraming nagkakandarapa sa 'yo, eh!" sabi ni Rochelle.
 
"Saan?" maang-maangan kong tanong habang nililigpit ang mga gamit ko na ginamit ko sa pagme-make-up.
 
"Ayun, oh..." Ngumuso siya sa may pintuan.
 
I saw Jaziel holding a bouquet of flowers. He's standing at the door, looking for someone. When our eyes met, he smiled.
 
"Ayy kabog! Humabol ang lovelife. Mag-thank you ka sa amin ni Niel, ha! Kung wala kami, wala kang lovelife," pang-aasar niya sa akin.
 
Tinawanan ko lang siya at muling tumingin kay Jaziel. Isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat.
 
"Bye, Roch," paalam ko sa kaniya.
 
Lumapit ako kay Jaziel at kaagad niyang inabot sa akin ang bouquet. "Bakit may paganito ka pa?" tanong ko.
 
"Just because."
 
I hugged him before kissing him on the lips. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko. Nakatulala siyang nakatingin sa akin. "Let's go?" aya ko sa kaniya.
 
Marahan akong natawa sa reaksyon niya dahil hindi pa rin siyang makapaniwala. I held his hand and slowly pulled him outside.
 
"What's that, Xachi? You're—"
 
"Shh. Mamaya na 'yan. Acads muna," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
 
Marahan siyang tumango at sabay kaming pumunta sa may director's office. Bahagya pa akong nagulat dahil nandito ang lola ni Jaziel, Tito Pogi's mother. Kahit ako ay hindi siya kilala nang husto.
 
Magkatabi kami ni Jaziel habang nasa tapat namin si Mrs. Junquero.
 
"So, sino na sa kanila, Mr. Fred?" tanong nito.
 
Ngumiti si, Mr. Fred. "They're both deserving the spot, but talagang may aangat sa kanilang dalawa dahil sa mga excellent doings nila sa loob ng classrooms. Well..."
 
Tumingin ako kay Jaziel. He held my hand. Hindi kami nakapag-usap tungkol dito, pero kahit ano man ang maging resulta ay tatanggapin ko. Siya man o ako ang valedictorian, handa akong tanggapin iyon dahil ang gusto kong makita ay makasama si Jaziel sa future.
 
Tumingin sa akin si Direc. "Congratulations, both. But I want to congratulate you more, Ms. Alonzo, you got the spot."
 
My lips parted when I heard my name. Mas lalo akong napangiti kay Jaziel dahil sa naging balita. He's smiling, too.
 
Parehas kaming nagulat nang tumayo si Mrs. Junquero. He spat the table hardly.
 
"This can't be, Wayne! Ano na lang mangyayari sa 'yo niyan? Sige, you just prove yourself that you don't deserve my family," gigil niyang sabi.
 
Matalim siyang tumingin sa akin. "And you! You're slut! Ginamit mo pa ang apo ko para makuha ang title! How dare you?!" akma niya akong sasampalin nang mabilis siyang pigilan ni Jaziel.
 
"Stop it, Mrs. Londa. You're too much! Walang kinalaman dito ang girlfriend ko. She's just doing what she loves, and she deserves the position." He trailed off. "About me... I no longer want your approval for your family. Dahil binigay na ni papa sa akin ang birth certificate ko na may apelyido niya."
 
"How dare him?!" sigaw niya lalo. "You both are such a disgrace to the family!"
 
"We're not part of your family, Mrs. Londa. We're carrying Lolo's surname, not yours."
 
Mas lalong tumalim ang tingin niya kay Jaziel. Wala siyang sinabing ni isang salita at lumabas na lang ng opisina.
 
Nakahinga ako nang maluwag. "I'm sorry for that, sir," paghingi nang paumanhin ni Jaziel kay Direc.
 
He smiled. "It's fine, Wayne. I knew her since college. Ganiyan talaga ang ugali niyan kaya walang naka-close sa amin," natatawa niyang saad. "Hindi ko nga alam kung bakit pinatulan 'yan ng kaibigan ko."
 
"Po?" naguguluhang tanong ni Jaziel.
 
"Your lolo is my friend."
 
Pagkatapos ng pakikipagchikahan nang kaunti kay Director ay umalis na rin kami ni Jaziel. "Jeep tayo?" tanong ko.
 
"Nope. I'm going to drive. Pinahiram ako ni papa ng kotse," aniya.
 
"Wow. Yumayaman si tito pogi. Hindi na kuripot," biro ko at bahagyang natawa. "Parang dati tinataguan pa ako no'n tuwing Christmas."
 
"Siyempre naman. Ako raw kasi iyong regalo niya para sa 'yo. Natagalan nga lang saka tinago kasi ni mama," natatawa niyang paliwanag.
 
"Tinago rin ako ni mama dati. Limang taon daw iyon," pagkwento ko.
 
Naalala ko lang bigla nang maikwento sa akin ni papa no'ng 10 years old ako at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa akin. He told me that I'm the one who found him, and I told him about Mama's next pregnancy.
 
"Really? Destiny pala talaga tayo. Parehas tinaguan ng anak mga tatay natin." Ngumiti siya lalo. "Mas matagal nga lang sa akin."
 
When we got into the car, he kissed my lips passionately. He held my face to kiss me more.
 
Ako ang lumayo. "Umuwi muna tayo, Jaziel!" sabi ko sa kaniya at inurong ang mukha niya.
 
"I just missed you."
 
"I missed you too."
 
He hugged me and kissed my forehead.
 
Nagmaneho na siya kaagad palabas ng university. "Saan ka natutong mag-drive?"
 
"Kay papa. Muntik ko pang magasgasan iyong Mercedes-Benz niya, eh. Buti na lang alam niyang anak niya ako," natatawa niyang sagot.
 
"Maiksi pasensya no'n."
 
"Yes. But when it comes to me, he has a lot of patience."
 
I smiled and nodded. "How about your mother? Where is she now?"
 
"She's fine. She's with Papa, they're working together. She's the assistant director."
 
"That's good. She really deserves a good life."
 
Nang makarating kami sa parking area ng condo ay akala ko ay aakyat na kami, pero hinarang ni Jaziel ang kaniyang kamay sa may pintuan para hindi ko ito mabuksan.
 
"What?" tanong ko.
 
"Kiss me, baby," he said softly.
 
I rolled my eyes before cupping his face. I kissed him deeply. He held my cheeks to kiss me more and responded to my kisses.
 
"I love you, Xachi," he said between our kisses.
 
I gave him a quick kiss. "I love you, Jaziel, my baby."
 
He kissed me again. I feel that he unbuckled the seatbelt. My eyes widened when he lifted me up and put me on his lap.
 
"Gosh, Jaziel! Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko.
 
"I just want to feel you more," he huskily said while his fingers ran through my neck.
 
I closed my eyes and bit my lower lip. I pushed my body against him. "You're teasing me, huh?"
 
"Ikaw kaya nauna."
 
He slightly bit my lower lip before kissing me again deeply.
 
 
 
 
 
 
 

______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon