PROLOGUE:

4.4K 100 5
                                    

“Tariana, naniniwala ka sa Reincarnation?”

Lumingon ako sa katabi kong mukhang kakatapos lang basahin ang bagong libro na kinaadikan ng lahat. Ibinaba ko ang tingin sa cover ng libro na binabasa niya. Kaakit-akit tingnan ang cover. Pero ang laman naman ay hindi. ‘Yun ang sabi ng iba na naunang nakabasa ng libro kaysa sa katabi ko.

“Hindi. Ikaw ba?”

“Hindi ko alam. Hindi naman ako maniniwala hangga't hindi ko nararanasan,” sagot niya. “Oo nga pala. Try mo kayang basahin ‘to? Ipahiram ko muna sa'yo tutal tapos ko naman na basahin. Maganda siya promise, try mo!”

Tiningnan ko pa bago tanggapin ang libro na inabot niya. Medyo nag-spoil pa siya ng ilang scene pero agad din naman siyang nagpaalam para lumabas ng room. Time na for break, wala rin kaming kasunod na subject dahil may meeting ang lahat ng teachers.

Bago ko simulang basahin ang libro. Sinalpak ko muna sa magkabila kong tenga ang earphone na dala ko. Mas maganda pa na malibang sa musika, hindi ko na marinig ang kaingayan ng mga natira sa room kasama ko. I hate them. Ang iingay nila.

Umayos ako ng upo. Sumandal sa upuan habang naka-dekwatro ang mga binti.

Unang page pa lang malalaman ko na agad kung gaano kamahal ang libro. Sobrang kapal ng papel at bango. Malamang na hindi talaga biro ang presyo nito. Hindi naman nakakagulat na meron si Trixie nito dahil may kaya ang pamilya niya at isa pa spoiled siya.

Umabot ng uwian. Walang dumating na teacher kaya binuhos ko ang tatlong oras para matapos ang libro. Hindi ko gustong iuwi ang libro ni Trixie. Kargo ko pa kapag nasira, napunit o nadumihan. Kaya pagkatapos kong basahin, agad kong sinauli sa kaniya. Noong una hindi pa siya naniniwala na natapos ko agad dahil isang araw din daw ang inilaan niya bago ‘to matapos.

Expected naman sa kaniya dahil alam kong kapag may nadadaanan siyang nakaka-trigger ng emotion na part,  tumitigil siya at umiiyak o kaya nagagalit. Minsan na niyang ginawa ‘yun sa room dati, hindi na nasundan dahil natakot na sa kaniya ang mga kaklase namin.

About sa story, surprisingly, hindi siya cringe basahin dahil hindi gano'n ka-jejemon tulad ng iba ang way ng pagkakasulat. ‘Yung plot din ng story ay kakaiba, unique kung baga. Hindi siya tulad ng ibang reincarnated story na masyadong common ang plot kaya hindi nakaka-excite basahin. I love the villainess of the story. She's Rich, intimidating, powerful, gorgeous, and badass. If I am the Male Lead, I will choose her as my lover. But I'm not the Male Lead.

9/10 for the Plot. Like what I've said. Nakaka-excite ang plot. Hindi ganoon kadaling malalaman ang next theme ng next chapter. Nakakadala rin siya ng damdamin basahin. Nadala lang ako ng inis dahil sa walang kuwentang Male Lead.

8/10 for the Characters. May ibang Characters na hindi ko bet dahil sa nga characteristics na meron sila. Kasama na do'n ang Male Lead. Hindi siya nakaka-inlove. Inis ang nararamdaman ko sa kaniya.

10/10 for the Ending. Unexpected but bloody ending. Hindi ko talaga inaasahan ang pinaka-ending ng story dahil hindi mo talaga siya maiisip sa kahit na anong chapter. It's unexpected, shocking. Kaya naman pala karamihan sa mga nakakasalubong ko ay na-a-adik sa bagong story.

Overall. It's 9/10.

Mataas na ang score ko na ‘to. Sa lahat ba naman ng story na nabasa ko at pinabasa saakin, dito lang ako nagkaroon ng interes. Iba rin kasi talaga ang way of writing ng author, nakakadala masyado. Maayos at magandang basahin.

My favorite Character. McKenzie Eve Avalina. The Blood Princess. The Villainess of the story. Has a long red curly hair. Red deep eyes. White skin. And natural Red lips. She's perfect! She's 5'11 tall. Matangkad na siyang maituturing para sa mga kababaihan pero kung ikukumpara sa mga kalalakihan sa loob ng story. Hindi pa siya ganoon katangkad. Ang normal height sa kanila ng mga lalaki ay 6'1 and above. But who cares? She's Eve Avalina! The great Villainess of the story. She doesn't care about the ‘paniniwala’. And yes, I'm on her side.

This the First time na na-impress at bigla akong na-obsessed sa isang Character, kaagad. I'm not that obsessed pero naiisip ko talaga na sana makita ko si Mistress Eve. I want to bow in front of her at sabihin na I like her very much.

Ngumiti ako at pamulsang tinuloy ang paglalakad. Uwian na kanina pa pero heto pa rin ako hindi pa nakakalahati ang paglalakad dahil tulala pa rin kakaisip dahil sa story na nabasa. Hindi ako maka-get over. I want to see her face. I bet she's so pretty. No gorgeous. Beyond that pa siguro. Wala rin naman kasing nilagay na kahit na anong reference ng Character sa libro. Literal na kami na ang kailangan mag-imagine para doon.

Pagabi na rin. Alasingko ang labasan pero mag-aalasais na hindi pa ako nakakasakay ng bus pauwi. Malayo kasi ang bahay namin dito sa School. Bakit? Secret.

Huminto ako sa paglalakad at naupo sa isa sa mga bench. Nandito na ako ngayon sa highway. Ang need ko na lang na gawin ay ang antayin na may dumaan na Bus na siyang dadaan sa bahay na tinutuluyan ko. Mahirap mag-antay ng sasakyan pero hangga't hindi pa umaabot ng alas-otso, may pag-asa pa. Wala na kasi gaanong nadaan kapag bandang alas-otso.

Tinigil ko ang paglalaro sa mga paa ko nung makarinig ako ng kaluskos. I'm sure. Kahit na medyo malayo ang pinanggalingan ng tunog, may ibang tao sa paligid. I can smell danger.

Kunwaring wala akong narinig. Tinuloy ko lang ang paglalaro sa mga paa ko pero nanatiling alerto para sa panganib. I can sure it. Hindi basta taong napadaan o tambay sa lugar na ‘to ang may kagagawan ng tunog na ‘yun. I can sense danger kaya ang ibig sabihin no'n, isa sa mga tauhan ng humahabol sa akin ang may gawa no'n.

After so many months hindi ko inaasahan na makikita agad nila ako. Ang akala ko hindi sila ganoong katalino para maintindihan lahat ng clue na iniwanan ko. Pero ang akala ko lang pala. Masiyado rin siguro silang inspired na mahuli ako. Hmp.

Itinigil ko ang paglalaro sa mga paa ko at kalmadong sumandal sa sandalan ng bench. Pumikit ako at sinabay ang galaw ng ulo ko sa beat na naririnig ko mula sa earphone na naka-salpak sa tenga ko. Hindi ganoon kalakas at hindi ganoon kahina ang tunog sa earphone ko kaya madali pa rin sa ‘kin na marinig ang mga simpleng tunog.

Mabuti na lang ilang minuto ang lumipas may natanaw akong Bus. Hindi ko na rin naramdaman ang taong ‘yun. Mukhang walang plano na sumugod, nanood lang siya at nag-bantay tulad ng dati.

May anim na tao akong kasama sa Bus. May dalawang estudiyante rin na konting-konti na lang malapit ng makatulog. May isang matanda naman na tulog na. Mag-asawa na nag-lalandian sa dulo at isang hindi kilalang batang babae na kasalukuyang nakatitig saakin ngayon. She's staring at me kaya pinagtaasan ko siya ng kilay bago ako naupo. Nasa pinakadulo siya ng Bus. Kasunod ng upuan ng mag-asawa.

Hindi kaya Anak nila ‘yun?

Sobrang cute at ganda nung bata. Halatang may lahi dahil sa kulay ube niyang mga mata at kulay tsokolate na buhok. Sobrang puti rin at walang ka-rea-reaksiyon ang mukha. Mukhang pang multo dahil kulay puti ang damit. Kaya imposible na Anak nung mag-asawa. Hindi sila mukhang may lahi dahil mukha talaga silang Pilipino. Ang haba ng baba at kapanguan ng ilong. Alam na agad.

Tumingin ako sa labas ng bintana matapos kong makaramdam ng biglang antok. Gulat na nagmulat akong muli matapos kong makita ang bata na nasa labas ng Bus nakatayo sa tawid ng kalsada na dinaanan namin. Alam kong siya ‘yun dahil medyo maingat at mabagal lang ang paandar ng kuyang driver. Bago pa ako bumalik sa reyalidad, isang malakas na tunog ang bigla na lang namin narinig. Kasunod no'n ay ang malakas na sigawan ng mga tao sa loob matapos naming maramdaman na tumumba at umikot-ikot ang sinasakyan namin, pababa sa isang bangin!

Matapos ang matagal na pagbagsak. Hindi ko mapigilan ang mapapikit-pikit habang hawak ang kaliwang tagiliran ko. Mayroong bakal na tumusok. Ramdan ko na rin ang bali sa bawat katawan ko, sugat at pasa. Puno na rin ako ng dugo dahil kahit ang paningin ko ay nagkukulay pula.

Wala rin akong naririnig. Nanlalabo ang paningin ko nang sobra. Ang katawan ko ay namamanhid din. Hindi ko magawang igalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko. Sobrang hirap. Pakiramdam ko konting-konti na lang. Pipikit na ako at hindi na muling magigising.

Tariana Reyes, your destiny is to be her.”

•••••

A/N: Sobrang sorry sa mga typo, paki-intindi na lang po muna. Thank youu for reading this part and don't forget to vote!! 💋

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon