Chapter 2:

2.1K 81 1
                                    

"Ikaw si McKenzie Eve Avalina, hindi ba?"

Napatanga ako habang naka-tingin sa matandang lalaki na nasa harapan ko. Halos kapantay ko lang siya ng taas dahil medyo nakayuko na siya. Matanda na nga talaga siya.

Siya si Lolo Jinco. Apat na araw na akong nag-s-stay rito kayna Hiran at ngayon lang pala nila napag-desisyunan na magpaalam sa Lolo Jinco nila. Kaya ang nangyari, pumayag si Lolo Jinco pero kailangan niya muna raw akong kausapin para sa iilang bagay. Gustuhin ko man na sabihin na ayaw ko, wala naman akong choice. Ayon kasi sa Characteristics niya noon, may kakayahan siya makakita ng nakaraan at future. Kahit hindi ka niya hawakan, may kakayahan siyang makakita sa tulong ng eye contact.

Maling-mali talaga na nakipag-eye contact ako sa kaniya kanina.

Peeo honestly nitong mga nakaraang araw. Mas gumaan ang pakiramdam ko habang nananatili ako rito sa kaharian nila. Ang dahilan daw sabi ni Shena, makapal ang hangin nila rito. Mas mayaman kaysa sa aming mga tao. Edi sila na.

Tsaka ko rin na-realize na ako nga si McKenzie Eve Avalina. Alam niyo 'yung taranta ko nung makita ko ang itsura ko sa salamin? Sobra! Shock na shock ako at halos sambahin ko na ang babaeng nakita ko no'n sa salamin. First time in the history talaga. Hindi ko rin in-e-expect na mararanasan ko ang Fangirling na sinasabi noon ni Trixie. Hanggang ngayon pa rin naman shock na schock pa rin ako. Sino bang mag-aakala na ang favorite mong Character ay magiging ikaw? Maganda na sana eh. Nagplano na sana ako na hahanapin ko si Mistress Eve upang pagsilbihan. Kahit gawin niya pa akong taga-patay ayos lang dahil doon naman ako magaling. Ang kaso ako pala si Mistress Eve. Huhuhu.

Muli akong bumalik sa reyalidad matapos ilapag ni Lolo Jinco ang isang baso ng tsaa sa harapan ko. Hindi talaga ako mahilig sa tsaa, masarap lang talaga sila gumawa kaya natitiis ko at medyo hinahanap-hanap na ng dila ni Mistress Eve.

Bahagya akong nag-bow bilang pasasalamat sa ginawa ni Lolo Jinco tsaka ako sumimsim. Sa sobrang sarap ng pagkakagawa ni Lolo Jinco, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapapikit tulad nung mga babaeng nakikita ko sa advertisement sa TV. Pero dahil nasa matino pa akong pag-iisip, hindi ko gagawin 'yun. Baka matakot si Lolo Jinco. Hehehe.

"Ngayon lang kita nakita. Noong dalhin ka rito nina Gaia. Hindi ka kaagad ipinakita saakin dahil nasa malubha ka pa raw na kalagayan. Kinakailangan mo pa raw magpahinga ng ilang linggo dahil sobrang lala mo na raw."

OA naman nila. Para namang mamamatay ako.

"Hindi nila alam na alam kong inuuto lang nila ako. May kapangyarihan si Hiran kaya malamang na mas mabilis lang ang magiging paggaling mo," iling-iling na sabi ni Lolo Jinco. "Isang linggo lang ang binigay ko sa kanila dahil hindi ka maaaring manatili rito ng matagal. Una dahil tao ka. Pangalawa, may gulo pa kami na kailangan naming ayusin. Hindi namin gusto na madamay ang isang tao na tulad mo."

Ah.

Okay.

May reason naman pala kaya okay.

Pero buti na lang matalino 'tong si Lolo Jinco. Sa sobrang talino hindi magawang makalusot nung tatlo. Ang panget naman kasi nung reason nila, like duh! Hindi man lang ba nila naisip na isang healer si Hiran? Kaya paanong kakailanganin ng ilang linggo kung sa tulong ng kakayahan ni Hiran, gagaling na agad ako.

Mema lang gano'n.

Puwede naman nilang i-reason na nasa panganib ang buhay ko kaya kailangan ko pa ng ilang linggo. Kung 'yun ang ni-reason nila nung una edi pumayag na sana? Tulad ngayon, pumayag siya dahil nalaman niya kung anong peligro ang humahabol saakin. Pare-pareho nga lang kami na hindi alam ang dahilan at kung sino ang humahabol saakin.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon