CHAPTER 22:

913 64 6
                                    

"Malaking kasalanan ang ginawa niya, pumatay siya, Kamahalan."

"Kung hindi natin siya papatawan ng kaparusahan, maaaring masira ang reputasyon natin! Paano kung sabihin na bias tayo?"

"Bakit hindi ba?" asar na asar kong singit.

Kanina pa ako nakikinig sa kawalang-hiyaan nila at sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa inis. Gusto ko silang sakalin lahat dahil halata naman na may galit o inis ang ilan sa kanila sa akin. Hindi man lang ako hayaan na makapag-paliwanag, puro kontra, puro salita, nakakaasar na. Kung wala lang talaga rito ang Amang Hari, baka isa-isa ko na silang sinampal. Kalalaking tao ang iingay.

Lumingon ako kay Sebastian matapos nitong tapikin ang kanang balikay ko. Mahina lang ngunit sapat na para mairita ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napa-iwas na lang siya at bumuntong-hininga. Mataray na tumingin ako sa mga matatandang kanina pa dumadada.

"Kabastusan ang iyong ginawa! Sumisingit ka sa usapan na may usapan!" sigaw ng pinaka-mataray na matandang lalaki. Naningkit ang mga mata ko matapos kong makilala ang lalaki. Lintek na 'to, kaya pala sobrang lalim ng galit sa akin.

"Kung hindi ako sisingit, ano pang silbi ko rito? Ipapatawag ako para pakinggan ang mga walang kuwentang sinasabi niyo? Ganito ba ang Justice Guild na sinasabi niyo? Humahatol sa may sala base sa kanilang opiniyon?"

"Walang hiya ka!"

"Manahimik! Justice Master, umupo ka!" nakakatakot na sigaw ng Hari. Matalim nitong tiningnan ang Justice Master kaya lihim akong natuwa.

"Pasensiya na, Kamahalan. Ngunit ang ganitong klaseng usapan ay hindi nakakatuwa. Paanong ang mga katulad nilang Justice Master ay ganito kung umasta? Hindi ba dapat ako ang kakausapin nila upang tanungin ang nangyari at kung bakit ko ginawa? Bakit parang may sarili silang desisyon?" dismayadong tanong ko, "Anong pinagmamalaki ng mga Justice Master mo, Kamahalan? Ang kanilang mga posisyon? Para bang nakakalimutan na nila kung anong klaseng posisyon ang mayroon sila. Isa lamang silang tagapag-silbi ng mamamayan pero kung maka-asta, tila ba sila na ang pinaka-mayamang tao sa Realm."

"Mistress Eve..."

"Kilala mo naman pala ako eh bakit bastos ka!?" malakas na sigaw ko sa isang matandang lalaki na siyang sumuway sa akin, "Alam mo naman pala na isa akong Mistress pero kung maka-trato kayo sa akin ay ganito? Paano pa kaya sa mga taong mas mababa pa kaysa sa akin?"

Natahimik ang buong silid dahil sa malakas kong pagsigaw. Naiinis na talaga ako pero kinakalmahan ko pa rin dahil may kakarampot na galang pa naman ako sa Amang Hari na kasama namin. Hindi ko nga alam kung bakit kasama siya sa ganitong pagpupulong dahil ayon sa naaalala ko, tanging mga Justice Master lang ang lumilitis sa mga nakagawa ng kasalanan. Siguro dahil ako ang Daughter-in-law niya.

"Avalina..." mahina ngunit seryosong tawag sa akin ng Hari. Kumalma ako at umayos ng upo, "Tinatakot mo ang mga Justice Master. Kumalma ka muna."

"Kalmado ako, Kamahalan. Pasensiya na sa aking inasta, hindi ko lang talaga mapigilan ang madismaya sa ganitong klase ng pag-uugali nila. Ako na isang Elite Family Member ay nagagawa nilang bastusan at tratuhin na para bang basura, paano pa kaya sa ibang mas mababa sa akin at sa mga biktima?"

"Naiintindihan ko ang pagka-dismaya mo, Avalina. Ako ang bahala sa kalapastanganan na ginawa ng mga Justice Master. Pag-usapan na lang muna natin ang nangyari kanina at kung ano ang ginagawa ninyo ng aking Anak sa Sentro," makahulugang tanong niya. Interesado sa magiging kasagutan ko.

“Maraming salamat sa iyong pagtatanong, Kamahalan. Unang-una, mag-kasama kami ni Sebastian dahil nag-d-date kami. Dapat sana sa isang Park and Restaurant ang date namin ngunit hindi ako pumayag. Masyadong boring at baka magdilim lang ang paningin ko at maitulak ko pa siya habang nasa rides kami. Kaya inaya ko na lang siya sa Sentro. Mas maganda kung marami kaming tao nakakasalamuha, mas comfortable. Para na rin matutunana niya na makisalamuha sa mga taong in the future pamumunuan niya,” paliwanag ko.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon