Chapter 1:

2.6K 81 2
                                    

"Wake her up!"

"Ikaw gumawa!"

"Siraulo! Gigisingin mo lang naman!"

"Puwede bang h'wag mo 'ko sigawan!"

"Eh, sumisigaw ka rin, eh!"

"Shut up! Ang iingay ninyo! Ako na ang gigising sa kaniya. Tsk."

Argh!

Pakinengshet. Ang sakit?

Dumilat ako matapos kong maramdaman ang mahinang tapik sa kanang balikat ko. Kahit mahina lang 'yun, may sakit pa rin akong naramdaman. Eh, bakit muna masakit ang balikat ko?

"She's awake na. I think may masakit pa sa kaniya," rinig kong sabi ng kung sino. Hindi ko muna agad nilingon dahil ang sakit ng katawan ko! Para akong binugbog ng ilang milyong beses!

Bakit muna ako nakakaramdam ng ganito? Manhid na ang katawan ko kaya hindi na gano'n kahirap saakin ang indahin ang ganitong klase ng sakit. Kaya bakit parang sobrang sakit ng kalamnan at katawan ko ngayon? Pakiramdam ko unti-unti akong namamatay sa sakit.

"Tanga ka, eh. Sinabing pagalingin mo na kanina pa," nahihimigan ng inis sa sinagot ng isa.

Sino ba 'tong mga 'to? Iingay pakshet.

Imbes na damahin ang sakit. Tiniis ko na lang at biglang tumayo kaya mas sumakit. Puta.

"Babae! Nababaliw ka na ba!? Ramdam mo naman na masakit pa katawan mo tapos bibiglain mo pa sarili mo!? Shuta, may saltik yata 'to."

"Eh, kung tulungan mo na lang kaya siya!? Ikaw 'tong may healing ability, ikaw pa 'tong walang kuwenta!?"

"Aba't--!"

"Shut up! Manahimik na kayo, puwede ba!? Hiran, pagalingin mo na lang siya puwede ba? Ang dami mong dada, kanina ka pa."

Tatlo sila.

Gusto ko silang tingnan pero hindi ko kaya dahil grabe ang sakit ng katawan ko! Ilang taon na ang nakakalipas nung magawa kong pamanhidin ang sarili ko tapos biglang ganito!? Humihina na ba ako kaya ganito? Pero ano bang nangyari?

Para naman akong tanga na biglang natulala. Hindi ko napansin na tumigil na ang pagsakit ng katawan ko. Para akong namanhid na ewan matapos kong mapagtanto kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng Bus. Hindi inaasahan na ang Bus na sinasakyan ko ay nahulog sa bangin. Tumusok sa tagiliran ko ang medyo malaking bakal. May ilang bubog din ang tumusok sa balat ko na galing sa nabasag na mga bintana. Duguan na ako nung mga oras na 'yun pero alam kong sa tagiliran ang pinakatama ko, hindi sa kanang balikat!

Wala sa sariling hinawakan ko ang kanan kong balikat. Paggising ko wala akong naramdaman na kahit na anong sakit sa kanang tagiliran ko. Sa kanang balikat ko ang naramdaman kong sobrang sakit. Kaya paanong nangyari 'yon?

Atsaka kahit maisugod ako sa Hospital nung mga oras na 'yun. Hindi pa rin ako makaka-survive! Malala ang tama ko at isang malaking himala na lang kung mabubuhay pa ako!

Eh, bakit buhay ako?

"Babae? Gising ka pa ba?"

Gulat na napa-tingin ako sa isang babae na may maikling buhok. Mahaba ang tenga nito. Ang ganda!

"Bakit ganiyan ka makatingin? First time mo ba makakita ng dyosa?"

"Mahiya ka nga, Hiran. Mas maganda pa sa'yo 'yan."

Nilingon ko ang isa pang nagsalita. Isang babaeng may mahabang puting buhok. Sobrang sungit ng mukha ngunit napakaganda rin. Mahaba rin ang tenga niya at medyo bilugan ang mga mata. Bakit parang mukha silang duwende na parang Fairy!? Costume party ba meron sila ngayon?

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon