Ilang araw na ang nakakalipas nang umalis ako sa Fairy Kingdom. Mukhang hindi nga biro ang gagawin kong pagbalik dahil ang layo pala ng Fairy Kingdom sa totoong border line ng Human Realm and Adventure Forest. Ang Adventure Forest ay ang sobrang lawak at laking gubat na nilalakaran ko ngayon. Ito ang tambayan ng mga Adventurer's na gustong maging malakas at magkaroon ng totoong potensiyal. Sandamakmak kasi ang mga delikadong nakakalason na mga halimaw dito. Ito rin ang nagsisilbing kuhaan ng kayamanan ng mga Adventurer's na nangangailangan ng pera.
Hindi naman kasi sarado para sa mga Human‘s ang Adventurer's Forest. Hindi naman kasi sila gano'n kahina kumpara sa nga taga-taong nasa Earth. Dito sa mundong ito, wala man silang kapangyarihan, pinanganak naman sila na may angking lakas, talento at talino. Kaya kahit mga tao lamang ang nasa Human Realm. Mga mortal. Hindi sila minamaliit ng ibang kaharian dahil sila ang may pinaka-malaking populasyon dito sa mundong ito. Maliban pa sa mga halimaw na mas triple pa yata ang bilang kaysa sa lahat ng nilalang na narito sa mundo.
Mabuti na nga lang hindi ako nahihirapan sa paglalakad. Ang ibigsabihin kong sabihin, walang gumagambala sa'kin na mga halimaw. Mabuti na nga lang at sinunod ko ang payo ni Elder Luan. May binigay kasi siya saaking mapa at itinuro naman niya rito ang maaari kong gawing daan upang mas maging ligtas ang paglalakbay ko. Siya naman ang mas nakakaalam sa Adventurer's Forest kaya sinunod ko na lang ang payo niyang ito.
Tungkol kayna Hiran, Gaia at Shena. Hindi nila ako hinatid nung umalis ako. Mas tanggap pa raw nila na hindi ako makitang umalis dahil malulungkot lang sila. Ipinaliwanag din saakin ni Lolo Jinco na silang mga Fairies ay parang may Attachment Issues gano'n. ‘Yun na lang ang gamitin nating term dahil medyo hindi niyo ma-g-gets kung papahabain ko. So, ‘yun nga parang may Attachment Issue sila kemerut kaya kahit dalawang linggo mahigit palang nila ako nakasama, gano'n na agad sila ka-emosyonal. Nangyari na rin daw kasi ‘yun sa Ama nina Shena sa tuwing aalis ang kaibigang si Evan, ang Ama ko.
Gusto ko ngang matawa nung mga oras na ‘yun dahil na-i-imagine ko ang mukha nina Evan at Ama nina Shena na nag-b-bid ng goodbye habang malungkot ang mukha. Pft.
Bromance for the win. Mwehehehehehe.
Tumigil muna ako sa paglalakad at umakyat sa isa sa mga malalaking puno na nakita ko at doon nagpahinga. Mas mabuting sa taas ako pu-puwesto para hindi ako agad na makita at maabot ng mga halimaw. Para na rin sa kaligtasan ko kung bigla na lang may isang nilalang akong makasalubong. O baka hindi lang isang nilalang, baka grupo pa.
Ang plano ko, magkaroon muna ng tour sa sentro para maging pamilyar na ako sa paligid. Gusto kong makita kung gaano kaganda ang Human World. Ayon kasi sa naaalala ko, ang pinakamalaking kaharian sa kanila ay ang sentro. Oo, kaharian na sa kanila ang sentro. Halos lahat kasi sa mga mahuhusay na nag-uukit, mga magagaling na nagtitinda, doon na talaga nakatira sa sentro. Kaya nga mas maganda talaga kung una kong mapupuntahan ang sentro, ang kaso malabo namang mangyari ‘yon dahil ang sabi saakin ni Elder Luan. Pagkapasok ko sa Border Line ng Human World. Kaharian ng Raptana ang unang mapupuntahan ko. I-expect ko na rin daw na mayroong guwardya ang sisilip saakin.
Hindi naman ‘yun malaking bagay saakin. Mas maganda nga siguro na dahan-dahang ipakalat ng mga tao ang pagbabalik ko dahil sa totoo lang, alam kong sa mga oras na ‘to. Nagdidiwang na ang Mahal na Ina ni Mistress Eve dahil sa kawalan ng senyales na buhay pa ito. Ayon din sa pakiramdam ko, at dahil pakiramdam ko, tama itong nararamdaman ko. Walang pakialam saakin ang kaharian ng McKenzie. Malamang hinayaan na nila ako sa kamay ng mga bandido. ‘Yun daw kasi ang kumakalat na balita. Hinabol at hawak ako ng mga rebelde o bandido. Kanino ko nalaman? Malamang kay Elder Luan. Kunyari pang tahimik ang Fairy na ‘yun, ang dami naman palang chika na nakatago.
At dahil nga Raptana Kingdom ang una kong mapupuntahan. Kailangan na doon palang magpakilala na ako bilang totoong ako, hindi ba? Mas maganda na idaan sila sa takot para hindi nila ako hulihin at dalhin sa kaharian ng McKenzie. Hindi ako maaaring bumalik hanggang hindi ko pa nagagawa ang kagustuhan kong mag-enjoy.