CHAPTER 36:

666 34 3
                                    

“Hiwain? Hi-hiwain mo?” gulat na tanong ni Yugo.

Ngumisi naman ako at tinapik ang puting polo niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya tinapik niya ang kamay ko. Natatawang lumayo ako dahil may dugo ang palad ko nung tapikin ko siya. Bakat tuloy ang dugo sa puting damit niya.

“Five boxes ang ibigay mo sa akin, ayos ba? Ako na ang bahala sa katawan, ikaw na ang bahala sa delivery.”

“Sigurado ka bang i-de-deliver pa natin ang mga ‘yan?” tanong nito habang nandidiring naka-tingin sa limang bangkay ng limang lalaki. Nag-kalat ang dugo sa buong hawla, ang ilan din sa parte ng katawan nila ay nagkalat pero ano bang pakialam ko.

“Oo naman. It's a gift. Kaya nga tinaon kong ngayon katayin ang mga ‘yan para maabutan natin ang kaarawan ng Anak ng isa sa kanila,” naka-ngising sagot ko.

“Ha?” gulat na tanong niya.

“What? Masayang regalo kaya ‘yan. Ang sabi sa akin ni Kwatro nung tanungin ko siya tungkol sa balita sa paghahanap. Hiling lang daw ng mga kamag-anak nitong mga ‘to na maibalik ang katawan nila. Buhay man o patay? Isa pa, magiging mabait pa nga ako sa part na ibababad ko ang katawan nila sa tubig para malinis. O kaya iligo ko na rin sa alcohol para walang germs?” suwestyon ko.

“H-huwag! Sobra na ‘yun,” iling-iling na pagtigil sa akin ni Yugo.

“Sobra ba ‘yun? Parang hindi naman. Kuhaan mo na ako ng gloves, boxes na malaki, limang malaking towel para may pamunas ako sa katawan nila mamaya kapag pinaliguan ko na,” utos ko sa kaniya.

Muntik na akong matawa matapos niyang iiwas ang tingin sa akin at mukhang pinipigil ang pagka-suka. Medyo nangangamoy na rin kasi ang dugo nitong lima. Masyadong nakaka-sulasok sa ilong.

“Mukha kang kaawa-awa sa itsura mo. Maligo ka muna doon at mag-bihis, pahangin ka rin konti dahil ang putla ng buong mukha mo.”

Matapos niyang umalis, iling-iling na pumasok sa banyo. Namangha ako matapos kong makita na malinis pa rin ang banyo. Alam ko naman na syempre hindi maiiwasan na gumamit ng banyo ang lima. Hindi rin naman sila mahihirapan na mag-banyo dahil nasa loob ng hawla naka-lagay ang banyo. Malas lang nila dahil wala silang makikitang takasan sa banyo na ‘to.

Binuksan ko ang gripo sa lababo saka inumpisahang hugasan ang may dugo kong kamay. Dahan-dahan akong napa-tingin sa salamin na nasa harapan ko. Wala sa sariling napa-tigil ako sa ginawa ko matapos kong makita sa salamin na nasa likod ko ang batang babae na nakita ko noon sa Bus. Walang pag-da-dalawang isip na lumingon ako sa likuran ko, pero wala siya. Muli akong tumingin sa salamin pero wala na siya ro‘n, hindi na siya makita.

Hindi naman ako natatakot. Hindi kinabahan. Mas lamang nga ang kagustuhan kong makita at maka-usap ang batang babaeng mukhang multo. Unang-una, hindi ko nakakalimutan ang ginawa niyang pag-te-teleport. Sigurado rin ako na siya ang dahilan kung bakit ako narito. Kaya malaking pag-asa na nakita ko siya ngayon. Anong pakialam ko kung multo ba siya o hindi. Hindi na ako magugulat dahil marami na akong nakikitang hindi kapani-paniwala.

Pinagpatuloy ko ang paglilinis sa kamay ko. Hinubad ko ang suot kong damit kaya ang bra ko na lang ang naiwan sa pang-itaas kong katawan. Mukha naman siyang croptop kaya keri lang. May bahid konti ng dugo pero ayos lang, mas malala naman ang damit na tinanggal ko. Binasa ko ang damit na hinubad ko saka ipinampunas sa braso, sa mukha at sa leeg ko. Alam ko namang madudumihan pa ulit ako mamaya pero mamaya pa ‘yun. Mas magandang tanggalin na agad bago pa dumikit lalo sa katawan ko.

Pagkatapos kong kuskusan ang katawan ko. Inayos ko naman ang pagkaka-ipit ng buhok ko. Pinusod ko para hindi maka-sagabal sa gagawin kong paghiwa. Hindi ako gagamit ng gloves sa paghiwa, gagamitin ko ang gloves na dadalhin ni Yugo kapag inumpisahan kong kuskusin ang katawan ng nila.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon