CHAPTER 14:

1K 59 4
                                    

“Mistress Eve?”

Lahat ng kawal na nasa harapan ko at humarang sa akin ay sabay-sabay na ibinaba ang hawak nilang malalaking espada na bigla na lang nilang itinutok sa akin kanina matapos kong lumitaw na lang bigla sa harapan nila. Matapos kong tanggalin ang suot kong balabal, saka lang nila ibinaba ang mga hawak nila kaya ngumiti naman ako sa isang kawal na siyang tumawag sa pangalan ko.

“Magandang araw, maaari ba akong pumasok?”

Dalawang linggo na ang nakakalipas. Lahat ng kailangan kong asikasuhin ay nagawa ko na. Lumipat na rin sina Yugo sa Noble City para hindi ako mahirapan na bisitahin sila sa gabi. Kung mas lalayo sila, mas lalaki ang tyansa na mahuli ako dahil sa tagal ng paglalakbay. Tungkol naman sa mga batang nabili ko sa Slave City, ayos na sila. Sina Yugo na lang din ang binigyan ko ng trabaho na tingnan-tingnan ang mga bata at sila na rin ang bahala na mag-abot ng pinansyal na tulong para sa pangkain nila araw-araw.

Ngumiti ako sa gwardya na sumagot sa tanong ko. Siya na rin ang nag-presinta na samahan ako papasok sa loob ng mansyon ng McKenzie. Tama, bumalik na talaga ako. Una dahil kailangan. Malapit na ang kaarawan ni Mistress Eve kaya kailangan ko nang bumalik para hindi pa rin masira kahit papaano ang flow ng story. Gusto ko rin naman malaman kung tulad sa libro, talagang itutuloy ang arrange marriage sa pagitan ni Sebastian at sa akin. Malas niya na lang kapag natuloy. Ayon din sa pagkakaalam ko, sa kaarawan na ‘yun magkakakilala si Mia at Sebastian dahil isang Duke ang Ama ni Mia.

Habang iniisip ang magiging pagkikita naming tatlo, hindi ko mapigilang matuwa. Gusto kong malaman kung ano nga ba talaga ang tunay na itsura nilang dalawa. Sila ang pinaka-kinahuhumalingan ng mga mambabasa dahil nga sa greenflag daw nilang pag-uugali. Sa tingin ko ang mga readers na rin ang nag-a-assume na ang dalawang ‘yun ang pinaka-maganda sa story. Siguro kung makikita nila ang tunay na mukha ni Mistress Eve, maiinggit sila at mapapasabi na hindi patas ang mundo dahil sa sobrang perfect ni Mistress Eve.

Hindi sa mismong kaarawan ko ang unang pagkikita ng dalawa. Sa pagkakaalam ko nagkita na sila sa Sentro ngunit hindi naman sila ganoon nag-usap at nagkaroon ng interaction. Kung tama ako matagal na dapat na nangyari ‘yon.

Tatlo o apat na linggo na dapat ang nakakaraan.

Hindi ko mapigilan ang lihim na humanga sa laki ng mansyon nina Mistress Eve. Pagpasok namin, bumungad na agad sa amin ang kumikinang na tiles. Sobrang linis nakakahiyang apakan. Kahit ang malaking chandelier ay sobrang makinang, nagtatakha tuloy ako kung nagagawa rin bang linisan ng mga tagapag-silbi rito ang chandelier. Sobrang nakaka-akit din ang mga kayamanan na nakikita ko. Kung hindi ako nagkakamali, bawat maliliit o simpleng bagay na makikita ko sa mansyon ay nagkakahalaga na agad ng 50,000 to 100,000 gold coins. Mga simpleng bagay pa lang ‘yun na normal na nakikita sa isang bahay. Pero paano na kaya ‘yung mga paintings na nakakalat? ‘Yung Iba't ibang type of vase na nakikita ko at marami pang iba.

Pansin ko rin na puro art ang makikita ko sa paligid. Hindi na rin pala dapat ako mag-takha dahil artist ang Madame. Maliban sa pagiging masamang Ina, may talent din siya sa art. Mabuti na lang dahil namana ni Mistress Eve ang bagay na ‘yun.

Biglang huminto ang gwardyang sinusundan ko kaya napatigil ako sa pag-iikot ng mga mata ko. Tiningnan ko ang isang matandang babae na naka-suot ng pang-maid na damit. Gulat itong naka-tingin sa akin, ganoon din ang ibang maid na naka-kalat. Ngayon ko lang sila napansin dahil masyado naman akong namangha sa taglay na karangyaan nina Mistress Eve. Gusto ko na lang kumuha ng isang vase at umalis. Sigurado naman kasi ako na hindi bababa sa 500,000 gold coins ang isang vase na pagmamay-ari ng mga McKenzie.

“Saan matatagpuan ang Madame, Head Maid?” rinig kong tanong ng gwardya.

Kung gano'n ang matandang nasa harapan nitong gwardya ay ang Head Maid ng mansyon? Hindi naman siya gaanong nababanggit sa story dahil hindi rin naman gano'n karami ang exposure ni Mistress Eve. Basta ang alam ko si Head Maid ay isa sa mga mamamatay sa dulo. I-spoil ko na para walang magulat.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon