“Hayy. Kahit araw-araw pa akong magbuhat ng ganito kabigat, basta mga dyamante ang nasa loob, hindi ako mapapagod.”
Ngumuso ang kaharap kong si liit, “Buti sana kung ikaw lang magbubuhat ng mga ‘yan! ‘Yung malaking supot pa talaga binihay mo sa'kin! Ang hirap kaya buhatin!”
Pinag-krus ko ang mga kamay ko at hindi pinansin ang sinabi ng batang maliit. Mas magandang bigyan ng pansin ang mga supot ng dyamante na nakuha namin. Marami-rami rin ang mga ‘to kaya balak namin ni Tanda na isang supot muna ang ibebenta namin. Hahatiin namin sa tatlong supot para kaniya-kaniya kami ng bitbit at hindi naman masyadong agaw pansin sa iba.
Madaling araw na nang makarating kami rito sa bahay na tinutuluyan ko. Ang maarteng bata nag-inarte pa kung bakit ang liit daw ng bahay na kinuha ko. Akala mo kung sinong maka-angal eh nagtagal nga sa loob ng kulungan. Kung alam lang niya na puwede pa siyang magtagal ng dalawang buwan sa loob ng impyerno na ‘yun kung hindi ko sila kinuha. Tsk. Tsk. Tsk.
Balak ko rin na pagpahingahin sila ngayong araw dahil alam kong physically and mentally tired sila. Ikaw ba naman ang in a blink of time biglang nakalaya dahil sa isang magandang babae na tulad ko? Malamang talaga na magiging lutang at hindi makapaniwala sila pagkatapos.
“Ibebenta natin ‘to bukas. Puwede na kayong magpahinga ngayon. Gumising kayo kahit anong gusto niyong oras. Kahit pa bukas na kayo bumangon ayos lang. Pero bago ‘yun, kumain muna kayo. Ako na ang bahala rito. Kumain na kayo do'n,” litanya ko.
“Paano ka?” tanong ni Tanda.
“Hindi ako mortal. Kaya kahit hindi ako matulog ayos lang. Hindi rin naman ako nagugutom dahil hanggang ngayon busog pa rin ako.”
Totoo.
Hindi ko kinakailangan ng tulog dahil hindi talaga ako inaantok. ‘Yun din ang dahilan kung bakit sa gabi ang training ko nung nasa Fairy Kingdom pa ako. Minsan pinipilit ko dahil hindi ako sanay. Pero after 3 to 4 hours nagigising lang din talaga ako. Kaya ang lagay, after 3 to 4 days na lang din ako natutulog. Binalanse ko talaga sa oras ng tulog ko. Hehehehe.
Pumunta na silang dalawa sa kusina at naiwan naman ako rito sa sala.
Masyado rin akong napagod ngayong araw kaya ipipilit ko ring matulog mamaya kahit hindi naman ako inaantok. Gusto ko lang bawiin ang sakit ng kawatan ko ngayon. Kailangan ko ring bawiin ang enerhiya na nawala saakin. Hindi ko rin alam kung paano ko mababawi ‘yun lalo na't nandito ako sa Human Realm. Mas manipis at sigurado akong sobrang tagal bago ko mabawi ang limampung porsyente ng enerhiya na nawala saakin.
Pero may mga paraan naman ako. Meron akong naalala na nabanggit sa libro na merong mga immortal mage ang nagbebenta ng mga potion na maaaring makatulong sa mga tulad kong immortal na nawalan ng enerhiya sa katawan. Isa sa mga dahilan kaya kailangan ko ng pera. Mahal ang ganoong klase ng gamot. Sa pagkakaalam ko 25,000 gold coins isa. Limampung porsyente lang din ng enerhiya ang maaari mong mabawi sa ganoong kamahal na potion. Kaya paano kung pitumpung limang porsyente ang nawala sa'yo? Bibili ka rin ng potion na mas mataas ang enerhiya na meron.
Kailangan ko rin naman ng gano'n dahil tatlo kaming mga hindi normal. Kinakailangan kong magtago ng mga gano'n incase of emergency. Pagkatapos naming ibenta ang unang batch, maghahanap na kaagad kami ng ganoong klase ng tindahan.
Ano na nga ba ang plano ko ngayon?
Bumuntong-hininga ako tsaka ako umupo sa isa sa mga sofa. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kisame ng bahay. Hindi ako nakakaramdam ng pagod pero nakakaramdam naman ako ng pagkatamad. Tinatamad akong mabuhay. Kaagad.
Grabe naman kasi ‘tong unextraordinary life ni Mistress Eve. Kahit na tanggap ko na buhay ko na ‘to, hindi ko pa rin maiwasan ang mapatanong sa sarili ko kung totoo ba ang lahat ng ‘to? Out of nowhere ko kasing naiisip kung bakit ako pa? Tulad ngayon.