CHAPTER 9:

1.1K 68 1
                                    

"Pupunta ba tayo sa Ayna Violet Cave?"

"You know that cave, huh?" ngising tanong ko at binagalan ang paglalakad para makasabay ang dalawa sa likod.

Hindi ko alam kung mabilis ba talaga akong maglakad o sila lang 'tong mabagal maglakad dahil pinanindigan yata ang pagiging lingkod. Maganda rin naman sa pakiramdam na merong naglilingkod sa'yo pero hindi maganda pakiramdam ang paglalakad nila sa likod ko. Hindi ako komportable. Kadalasan kasi na kapag may naglalakad sa likod ko lagi akong alerto dahil baka atakihin ako.

"Kilala ang Ayna Violet Cave dahil isa 'yun sa pinaka-kinakatakutang kuweba. Pero maliban do'n, kilala rin ang kuweba na 'yun dahil sa mga kayamanan na nasa loob. Tama ba ako na doon tayo pupunta?" tanong pabalik ni Tanda. Tumango-tango naman ako habang naka-ngiti.

"Plano kong pasukin ang kuwebang 'yun. Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kaniya habang naka-ngisi. Nilingon ko siya kaya nakita ko ang kunot-noo niyang mukha.

"Alam kong malakas ka pero sigurado ka ba? Ayon sa mga balitang pinapakalat, mayroong mahika ang nakabalot sa buong kuweba kaya hindi ito magawang pasukin ng kahit na sino."

Kaya pala nagawa ni Mia.

Ang babaeng bida. Ayokong maunahan ng babaeng bida. Pera din 'yun. Wala naman akong balak na guluhin ang buhay nila hangga't iniiwasan ko ang landas namin. Pero kung sakaling mangyari na ang engagement, tsaka na ako kikilos dahil sa mga oras na 'yun, pag-iinitan na ako ng mga karakter. Pero syempre gagawin ko pa rin ang lahat para hindi mangyari ang bagay na 'yun. Hindi ako gagawa ng mga kagagahan tulad ng ginawa ni Mistress Eve. Gagawa ako ng paraan upang tahimik na mamuhay hanggang sa magawan ko nang paraan ang engagement. Never ako magpapasakal---magpapakasal sa isang lalaki. Sa babae puwede ba.

Joke.

Pero mabalik sa usapan. Si Mia ang pinagpalang bida kaya halos siya ang nakakuha ng mga kayamanan sa mga sikat na kuweba. Wala naman akong balak na ubusin lahat ng 'yun. Kukuha lang ako ng ilan na maaaring ibenta. Kahit magalit saakin ang nagbabantay wala akong pakialam basta makakuha ako ng kayamanan na maaaring ibenta dahil literal na mahal ang bawat dyamante na nakatago ro'n. Maaari kong ipagbili sa halagang 50,000 gold coins ang isang dyamante.

Alam kong malaki na ang perang pagmamay-ari ko. Pero gusto ko pa ring dagdagan dahil kulang pa rin para makapagsimula ng negosyo. Hindi naman ako magnanakaw nang marami. Hehehe. Iilan lang. 'Yung kakasya lang sa loob ng supot na dala ko. O kaya kapag hindi pinagbiyan. Mga bente lang gano'n. Makakabuo na ako ng isang milyong gold coins!

Habang iniisip ang kikitain ko. Natutuwa na kaagad ako.

"Tanda, isa akong tao na malaki ang pagnanasa sa pera. Kaya kahit na anong peligro pa 'yan kaya ko. Hindi ako papayag na lumabas tayo ng kwebang 'to ng hindi nakakuha ng kahit na isang dyamante."

"Mukha kang pera?" biglang singit ng bata. Bigla kong hinawakan ang kanan kong dibdib na para bang nasasaktan sa sinabi ng bata. Sabihan ka ba namang mukhang pera.

"Medyo masakit pero totoo 'yan."

"Mayaman ka. Isa kang McKenzie kaya bakit kailangan mong makisali sa mga taong gustong makuha ang mga kayamanan na 'yun?" biglang tanong ni Tanda.

"Tanda, hindi porke nanggaling ako sa 'mayamang' pamilya. Ibigsabihin hindi na ako puwedeng maging mukhang pera. Isa pa, hindi ko gustong gamitin ang kayamanan ng pamilya ko. Gusto kong magkaroon ng sariling kayamanan," nagniningning ang mata na sagot ko.

"Kaya magnanakaw ka ng dyamante?" singit na naman ng bata.

"Bata, masyado kang madaldal ngayon ah. At bilang sagot sa tanong mo, hindi ako magnanakaw. Hihingi ako pero kung hindi ako pagbibigyan, pipilitin ko."

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon