CHAPTER 34:

769 52 5
                                    

“Anino ni kamatayan?” kunot-noong tanong ko habang naka-tingin sa isang malaking anino na siyang nasa harapan ko. Ang ibang kasama nito ay malayo sa puwesto naming dalawa pero hindi ko pa rin inalis ang pagiging alerto ko. Anino ang mga tangina. Kailangan kong maginv maingat sa paggalaw ko dahil kaya nilang kontrolin ang espasyo at ang oras.

“Maligayang kaarawan,” agad akong umiwas matapos kong maramdaman ang anino sa likuran ko.

Iwas lang ang magagawa ko sa mga oras na ‘to dahil hindi naman sila tinatablan ng pisikal na lakas. Ako lang ang lugi dahil hindi ko naman sila magawang hawakan at patamaan. Umatras ako nang umatras habang siya sugod nang sugod. Habang ginagawa ko ‘yun, pinakikiramdaman ko rin ang ibang anino kung gumagalaw na rin ba.

Pasalamat na lang ako dahil mukhang wala silang balak na gumalaw. Hinahayaan lang nila ang malaking anino na ito na kumilos.

“Ano bang ginagawa niyo rito?” masama ko itong tiningnan bago ko ito sipain sa mukha. Napa-ngisi ako nang magawa ko siyang tamaan.

Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng anino niya. Mas nagiging dark. Sigurado ako na habang tumatagal sila rito sa lupa, ang anino nila ay mas nagiging nilalang na kayang patamaan at saktan. Mukhang hindi nga nito inaasahan ang ginawa ko, hindi ko na rin siya hinayaan na maka-tayo pa ulit. Mabilis akong lumapit sa harapan niya saka ko hinawahan ang ulo nito at paulit-ulit na pinatama sa tuhod ko. Hahampasin sana ako ng isang kamay niya pero mabili ko itong nasalo at malakas na sinipa.

Napatulala pa ako sandali matapos maputol ang aninong kamay niya. Pero kumpara sa mga normal na nilalang, wala siyang dugo.

Umiwas ako matapos niyang ambahan ang mukha ko ng suntok. May kung anong enerhiya na rin ang namumuo sa mga palad nito. Itim na enerhiya na sa tingin ko hindi naman makaka-apekto sa akin. Anak ako ng isang demoniyo, kahit pa hindi puro, nananalaytay pa rin sa dugo ko.

“Kailangan mong mabura,” malalim na sabi nito.

Wala namang ganito sa libro?

“Burahin ako? Sino ka naman para mag-desisyon para sa bagay na ‘yan?”

Kung hindi lang ako nagtataglay ng abnormalidad, malamang na kanina pa ako napatay ng anino na ‘to. Ang kaso malas niya lang dahil kaya ko siyang sabayan at paglaruan.

“Kailangan mong mabura,” pagkatapos niyang ulitin ang sinabi niya kanina, bigla na lang niyang pinakawalan ang itim na enerhiyang iniipon niya. Deretso itong papunta sa akin. Haharangan ko na sana ang enerhiya pero may isang hindi inaasahang tao ang bigla na lang sumingit sa harapan ko.

Imbes na harangan, nagawa nitong lamunin ang itim na enerhiya gamit ang puting enerhiya na inilabas niya. Si Ina.

“Hindi dapat kayo naririto. Anong kailangan niyo?” malamig na tanong ng Madame sa kanila.

Ako naman ay tahimik lang na nandito sa likuran niya. Hindi ako maka-kilos at makapag-salita dahil hindi ko naman talaga alam kung anong ginagawa at totoong pakay ng mga aninong ‘to ngayong gabi. Alam kong nariyan sila palagi pero ngayon ko lang sila naramdaman na magbibigay ng panganib. Malaking tulong talaga ang pagiging isang demoniyo, nakakaya kong maramdaman ang presensiya nila kahit nasa malayo.

“Kailangan niyang mabura,” sagot ng anino.

“Burahin ang Anak ko? Bakit ngayon pa kung kailan malaki na siya? Marami kayong oras at panahon noong mga nakaraang araw, linggo, buwan at taon. Kaya sagutin niyo? Anong totoong pakay niyo sa kaniya?”

“Isa siya sa mga iregularidad sa mundong ito na kailangan naming burahin,” bumaling sa akin ang tingin ng anino. Malamig ko siyang tinitigan habang naka-kuyom ang mga palad ko.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon