CHAPTER 20:

909 63 1
                                    

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na sapakin ang lalaking nasa harapan ko ngayon, syempre i-g-grab ko na agad. Kanina pa ako na-b-bwiset talaga sa kaniya, konting push niya na lang makikita na niya si kamatayan.

“Bobo ka ba?” wala sa sarili kong bulong habang stress na naka-hawak sa sintido ko.

Kanina pa kami rito, naka-upo habang nilalaro ang jackstone. Yes, jackstone. Binili namin doon sa mga batang nakita namin sa lansangan sa may Sentro. Syempre para pumayag, limang gold coins talaga ang binayad ko.

At syempre bilang dakilang bida-bida, kahit hindi siya marunong, tinuturuan ko pa rin siya. Para naman merong alan ang kamahalan na larong labas. Hindi ko nga rin inaasahan na dinala rin pala ng author dito sa loob ng story ang mga ganitong laro.

“Hindi ko nga kasi ‘yan kaya,” kahit siya inis na rin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay, “Lintek ka, ang dali na nga lang niyan?”

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Hindi niya ba alam na sobrang dali na lang ng jackstone!? Isa sa paborito kong laro ang jackstone kaya nakaka-rindi talaga siya. Tamang bato lang naman sa bola, talagang hindi pa niya masalo? Gano‘n ba talaga siya kagaling pati ang bola ayaw niyang saluhin? Hindi niga ikamamatay ang bola!

“Ibang laro na nga lang, sinisira mo lang ‘yung mood eh.”

Tumayo ako at lumabas ng restaurant.

Yes, nasa loob kami ng restaurant kumakain, mabuti na lang dahil wala masiyadong tao kaya ayos lang na mag-laro kami. Hindi rin kami bumili ng pagkain, buti hindi nagalit ang may-ari. Sure rin naman ako na may hiya pa rin ang hinayupak na ‘yun, bayaran na lang niya.

Syempre bilang dakilang badtrip, mabilis akong naglalakad habang naka-kunot ang noo. Karamihan nga sa makakasalubong ko ay gumigilid na lang. Hindi kasi kami naka-costume or what. Nagliliwaliw kami bilang kami, walang halong tago. Pake ko kung mag-dating scandal pa sila.

“Hey! Ang bilis mo naman maglakad.”

“H‘wag mo ‘kong kausapin, naiinis ako lalo sa'yo.”

“Look, I'm sorry if hindi ko kayang laruin ang ganoong klase ng laro. Hindi naman kasi uso ang mga ganoong klase ng laro sa City natin,” ani niya.

Huminto ako at mataray siyang nilingon. Mukha siyang takot na ewan, “Ano pinapalabas mo? Kasalanan ko pang marunong ako?”

Para naman siyang nataranta, “No! Of course not! Gusto ko lang malaman mo na I can't play those things. Ibang laro ang kinalakihan ko.”

Umirap ako at kumalma, “Ah yes! Syempre larong taya ang buhay ang alam mo.”

Inis ampt.

Next time nga hindi ko na siya aayain laruin ang mga gusto kong laro. Ako na lang maglalaro mag-isa. Pero saan kaya makakahanap ng mga ganoong laruan dito? Puwede kong bilhan ang mga batang nasa ampunan para naman may malaro sila kapag wala silang ginagawa. Gano'n din sina liit at Kei.

Nag-umpisa akong maglakad-lakad ulit pero hindi na nagmamadali. Nakakahiya naman kasi sa mga taong nakakasalubong namin na mukhang natatakot kapag tinitingnan ko. Sa ganda kong ‘to baka masabihan pa akong demonyita kahit totoo naman.

“Saan mo balak pumunta?” malamig na tanong ni Sebastian. Kasabay ko siyang mag-lakad.

“Kahit saan,” kalmado kong sagot.

Mukha akong tanga eh. Kailangan back to kalma naman tayo, nakakawala ng angas eh.

Nandito kami ngayon sa Sentro dahil boring sa park na pinagdalhan sa akin. Pinasarado pa naman ang buong part pero wala talaga doon ang interes ko. Mas gugustuhin ko pang mag-ikot sa kung saan-saan kaysa tumambay sa isang lugar na kami lang. Ang awkward kaya. Tsaka pag-aari naman ‘yun ni Jiro kaya hindi ako nasasayangan sa binayad nila.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon