CHAPTER 31:

813 51 3
                                    

"Hindi magiging masaya ang pagdiriwang na 'to kung walang palaro, hindi ba?" tanong ko kay Hera matapos nilang maka-lapit sa akin. Kasama niya ang organizers at ang ibang mga tagapag-silbi na silang nag-bababa ng mga regalo na ibinigay sa akin, "Bilang ko ang mga regalo na 'yan, kaya kapag nag-kulang ng isa, lahat kayo tanggal agad sa trabaho."

"Masyado ka namang marahas sa kanila. Wala ka bang tiwala sa kanila?"

Ngumiti ako sa kaniya at hindi na sumagot. Wala na akong energy para makipag-usap pa sa kaniya. Kakabalik pa nga lang ng sigla ko, uubusin na agad niya? Hmm.

"After this kakain na, Eve. Kami na ang bahala sa kanila, mamaya ka pa naman kailangan dahil sa huli pa ang paghiwa sa cake."

"Why not now?" tanong ko.

"Dahil 'yun ang tradisyon," sagot lang niya.

Hindi na ako nag-salita. Iniwanan ko na lang sila doon basta. Inabangan ako ni Kwatro at tinulungan din ako ng dalawang tauhan na kasama namin kanina. Tinitigan ko si Kwatro dahil halatang wala siya sa mood. Mukhang nahigop niya yata lahat ng bad vibes na pinakawalan ko kanina.

"If you knew about us. Malamang na alam mo rin ang tungkol sa kaaway naming grupo, hindi ba?" bulong sa akin ni Kwatro matapos niyang paalisin ang dalawa. Hinatid lang nila kami rito sa upuan na para sa amin.

Hindi agad ako sumagot, nilingon ko ang grupong katabi ng grupo nina Uno. Kahit naroon sila sa pinaka-dulo at nariro kami sa harap, ramdam ko ang tensyon nila sa pamamagitan ng pagtitig sa isa't isa. Nakahakot na rin sila ng pansin sa ibang bisita na nasa puwesto nila.

"Kaibigan sila ni Madame, and she's the one who invite them. Kung ayaw mong masira agad ang araw na 'to, pakalmahin mo ang mga kasama mong mukhang uhaw sa gulo."

"Hindi kami gano'n," mariing tanggol niya.

"Kung kayo ang magpakumbaba sa oras na 'to. Hindi ko sila tutulungan kung sakaling magkaroon ng hindi pagkaka-intindihan ang grupo mo at ang Madame."

Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga na lang. Ngumiti ako saka inayos ang pagkaka-upo ko. Tinanguan ko ang mga bisitang naka-ngiti habang naka-tingin sa akin. Kahit alam ko na wala rito si Maximilian, hinanap ko pa rin siya. Wala kasi akong ideya sa kung anong balak niya. Curious tuloy ako kung ikakatuwa ko ba, o hindi.

How sweet of him. Talagang nag-abala pa siyang gumawa ng isang bagay para i-regalo sa akin. How I wish na sana matino at hindi masama ang regalong 'yun.

Sa totoo lang, wala na ako sa mood kanina. Maliban sa masakit ang dibdib ko at mahirap kontrolin ang sarili, may mga bagay akong iniisip. Halos lahat ng delikadong tao, nilalang, o grupo ay naririto sa oras na 'to. At hindi ko pa nakikita si Mia.

Siya ang pinaka-inaasahan kong makikita habang nagbibigayan ng regalo. Marami lang talagang nagbago sa flow ng story pero imposibleng hindi pumunta sa birthday na 'to ang pamilya nila. Kahit ang kapatid ni Jiro na si Jiza ay hindi ko nakita. Hindi ko makita. Siguro naman nahuli lang sila. Gusto ko pa namang makita sa personal ang Female Lead sa story na 'to.

Pagkatapos maibaba at maitabi ang mga regalo, muli na namang umakyat si Hera na mayroong malawak na ngiti. Parang kanina lang sobrang plastic niya nung makita ako. Kulang na nga lang, tanggalin niya sa pagkaka-suot sa akin ang gown ko at isuot sa katawan niya. Sobrang inggit ba naman ang babae.

Wala akong katabi sa table ko, tanging si Kwatro lang. Kung gugustuhin naman ng Madame at ni Hera, puwede naman sila rito umupo dahil 'yun naman talaga ang dapat. Hindi 'yung naka-tago lang sila sa likod, parang mga tanga lang sila no'n. Ang kaso nga lang, tanga nga pala sila talaga.

Hindi ko mapigilan ang humikab habang nakikinig sa kung anong pinagsasabi na naman ni Hera sa taas. Alam ko naman na in-entertain lang niya ang mga bisita pero legit. Nakakagutom na kaya. Hindi nakaka-busog ang mga salitang pinagsasabi niya.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon