“Invited kayo sa party ko, huwag kayong mawawala.”
“Anong gagawin ko sa limang ‘yon?” tanong ni Yugo.
Ngumiti ako at dahan-dahang tinapik ang kanang balikat niya, “Palamunin mo muna habang wala pa ako. ‘Yung binigay ko sa‘yong gamot, pampawala ‘yun ng sakit at pampamanhid. Maaaring gumaling ang mga sugat nila pero ibigay mo lang sa kanila kapag nagmakaawa na.”
Nag-aalinlangan ang mukha niya kaya mahina kong tinampal ang pisngi niya.
“Natatakot ka ba?”
“Hindi,” walang pag-da-dalawang isip na sagot na agad ni Yugo.
Nag-cross arms ako, “Kung gano'n bakit ganiyan ang itsura ko?”
“Kailan ba talaga ‘yun? ‘Yung gano‘ng paghihirap?” may pag-aalangan na tanong niya.
Sumeryoso naman ang tingin ko sa kaniya dahil doon, ”What do you mean, Yugo?”
“Puwede naman natin silang patayin agad. Bakit kailangan pahirapan pa?”
“Dahil ‘yun ang mas masaya. Naaawa ka ba sa mga demonyong ‘yun? Pasensiya ka na, Yugo. Pero ganito ang amo mo. Kailangan mong maging matibay, sanay at manhid sa nakikita mo,” ani ko, “Yugo, gumagawa ako ng mabuti pero hindi sa lahat ng oras. Mabait akong tao pero hindi sa lahat ng oras. Kung hindi ka natutuwa sa mga ginagawa ko, pumikit ka. Dahil wala kang choice, ako magiging amo mo, at kayo ang mga alaga ko.”
Hindi naging matagal ang usapan namin at nagpaalam na ako. Hindi ako maaaring magtagal dahil kailangan kong abutan ang pag-uwi ng Madame. Mabuti na nga lang at nakatakas ako dahil na naman kay Kwatro. Hindi pa naman siya nagpaparamdam sa akin kaya malamang na ayos pa rin ang lahat. Sigurado naman kasi na papagalitan ako malala ng Madame kapag nalaman niyang tumakas ako. Nadala na yata sa problemang dinala ko noong nag-date kami ni Sebastian.
Usapang problema, date at si Sebastian.
Wala na ang problemang ‘yun, kinalimutan na ng lahat. Palibhasa nagkaroon na naman ng mas malalang issue, thank you kay Yugo. Hindi ko naman siya inutusan pero naka-gawa siya ng paraan para merong bagong pag-usapan. Hindi ko siya napasalamatan pagkatapos dahil naging mahigpit ang Madame, lumala ang nagbabantay sa akin.
Mabuti na lang pinalaki silang tanga kaya natakas ko rin sila agad.
Ang date naman, syempre sumikat din ‘yun. Kasabayan ng issue ko. Doon hindi maka-move on ang mga tao. Bakit sa isang katulad ko pa raw nakipag-date ang Prinsepe nila. Ang kakapal, kuko ko lang naman sila sa paa.
Grabeng stress ang binigay ko kay Madame at Kwarto. Buti na lang makulit ako at dinagdagan ko. Hehehehehe.
Tungkol naman kay Sebastian, hindi na siya nagparamdam. Ewan sa lalaking ‘yun, mukhang nagtampo dahil siya lang ang napagalitan ng Tatay niya. Kasalanan ko bang mas pabor sa maganda ang Tatay niya kaysa sa sarili niyang kadugo. About naman doon sa grupo ng mga sanggano, hindi ko na sila kinausap dahil naabutan ako ni Kwatro. Sobra kung maka-sermon akala mo Nanay. Akala ko ba spy si kupal? Bakit parang Nanay ko na ang karakter niya?
Dami kong problema, buti na lang maganda pa rin ako.
At tungkol sa nangyari kanina. Ang totoo wala sa plano ko ang paglalabas ng sama ng loob ngayon. Hindi ko rin naman expected na sa pagbisita ko sa kanila, kasabay rin no'n ay ang pag-ta-tagumpay ni Yugo sa unang misyon na ibinigay ko sa kaniya. Salamat sa kaniya dahil ito na ang pinaka-magandang birthday gift na nakuha ko.
Mukha ring natakot sa akin si Yugo dahil sobrang lalim ng iniisip sa tuwing kausap ako. Pero wala naman sa akin ‘yun dahil mahalaga sa akin na masanay siya sa rahas na meron ako. Hindi habambuhay na magpapaka-anghel ako. Kailangan ko rin ilabas ang dark side ko noh.