"Magkasama sila?" lumingon ako kay Don matapos niyang ipatong sa magkabilang balikat ko ang mga kamay niya. Sinamaan ko sila ni Arlo ng tingin dahil sa mapang-asar na tingin nila.
Tiningnan ko si Eve na hindi mawala-wala ang kakaibang ngiti habang sinusundan ng tingin si Maximillian na kasalukuyang naglalakad papunta sa amin. Kakaiba ang ekspresyon ng mukha niya.
"Saan mo naman dinala si Eve, ah?" agad na tanong ni Arlo matapos ma-upo ni Maximillian sa upuan niya. Ngunit imbes na sumagot, tiningnan lang niya si Arlo.
"Basted yata eh," dagdag ni Don.
Hindi naman sumagot si Maximilian. Pasalamat na lang siya dahil wala rito ang mga magulang namin. Lumipat sila ng kabilang table para makipag-usap sa kung sino-sino.
"May pinag-usapan lang kami."
"Na hindi mo kinatuwa, gano'n?" asar na tanong ni Arlo. Hindi ka man lang nag-paalam dito sa Fiance. Tumingin siya sa akin kaya pinag-taasan ko siya ng kilay.
Wala naman akong pakialam kung mag-kasama silang dalawa dahil no love ang relationship namin ni Eve. Fiance ko siya pero walang halong pagmamahal.
"Pinakita ko lang sa kaniya ang regalo ko."
"Oh? Dalawa regalo mo? Iba ka rin ah."
"Tinalo mo pa 'tong Fiance eh."
Asar na inalis ko ang mga kamay ni Arlo sa balikat ko, "Arte mo naman bro. Hindi madumi ang kamay ko para lang alam mo."
"Pake ko?"
"Pero 'yung totoo? Anong pinag-usapan niyo? Mukha kang ewan eh," pangungulit pa rin ni Arlo.
Umiling-iling naman si Maximillian at umayos na lang ng upo, "Wala. Hindi niyo puwedeng malaman."
"Ganiyanan na ba? Parang hindi mga kaibigan ah."
"Gabriel, it's a promise. Hindi ko sasabihin sa kahit na sino ang pinag-usapan naming dalawa."
Gulat naman na napa-hawak si Arlo sa dibdib niya, "Teka lang ah. Huwag mo akong tawaging Gabriel, ang weird mo bro."
"Makulit ka na nga, OA ka pa. Lingunin mo sina Ama, tawag ka yata," pag-singit ni Levi.
Sinundan namin si Arlo ng tingin hanggang sa maka-alis siya. Mukha siyang tuod na ewan habang papunta sa puwesto nina Ama, kasama nila ang Ninong at Ninang ni Arlo. Mukhang baliw naman na kinikilig ang mga babaeng Anak nila habang naka-tingin kay Arlo.
"Malas niya. Siya na yata ang sunod na magkakaroon ng Fiance," iling-iling na sabi ni Don. Mabilis kong inalis ang kamay niya matapos na naman niyang ipatong.
"Buti nga 'yun para manahimik na siya," ngising saad ni Levi habang nang-aasar na naka-tingin sa puwesto ni Arlo.
Hindi ko na lang sila pinansin. Pinag-tuunan ko na lang ng pansin si Maximilian na mukhang wala talaga sa mood. Tulala eh.
"Hindi ka pa ba busog?" tanong ko kay Jiro na tahimik na kumakain.
Palibhasa tahimik. Hindi nakikisali sa ingay nina Don. Mas maganda para may iilang matino sa grupo.
"Masarap ang pagkain, hindi nakaka-busog."
"Ang sabihin mo matakaw ka lang," singit ni Don.
"Bakit ka nakikisali? Hanggang dito lang oh," biglang high blood na sabi ni Jiro.
"Mga praning," rinig kong bulong ni Levi. Akala mo hindi kasama sa praning na sinasabi niya.
"Hoy, Maximillian. Akala mo titigilan ka namin? Tigilan mo nga paglapit kay Eve bago pa kayo magkaroon ng issue. Bago matapos ang pagdiriwang, plano na nilang i-announce ang tungkol sa kanila ni Sebastian. Kaya ikaw, tama na porma."