CHAPTER 4:

1.4K 65 1
                                    

Hindi ko mapigilan ang mag-alala.

Yes, mag-alala.

Hindi kapani-paniwala na sa mga oras na ‘to ay nag-aalala ako para sa mga taong sasaglit ko lang naman nakilala. Piste.

Pagkatapos kasing i-announce nung isa sa mga bantay na may hindi inaasahang bisita, at ‘yung mga ‘yon ay ang mga kawal ng palasyo. Agad nila akong itinago sa ilalim ng lupa. Bawat tahanan kasi sa Fairy Kingdom ay may tagong kwarto sa ilalim ng lupa. Naisip nila na ihatid ako sa pinaka-dulong bahay ng Fairy Kingdom para hindi maging madali sa mga kawal na pakiramdaman ako. Mas magandang plano naman dahil kung itatago nila ako sa tagong kwarto sa tahanan ni Lolo Jinco o kaya sa tagong kwarto ng tahanan nina Shena. Edi huli na agad?

Alam ko at nararamdaman ko na ang mga kawal na humahanap saakin ay hindi ang mga kawal ng palasyo. Ibang-iba ang aura nila sa mga kawal sa palasyo. Hindi ko alam kung paano ko nasasabi pero kusang nararamdaman ng katawan ko. Ito ang nagsasabi saakin na delikadong mga tao ang nasa labas. Malamang na sila ang sinasabi nina Shena.

Lumunok ako ng ilang beses at hindi tinigilang suntukin ang napakatigas na batong pader. Bakit ko ‘to ginagawa? Gusto ko lang. Mas naiilalabas ko ang sama ng loob ko. Pakiramdam ko kasi wala akong kuwenta dahil narito ako sa ibaba nagtatago. Pakiramdam ko kasi kailangan kong lumabas upang harapin ang kung ano mang nasa labas. Mas dinadagdagan ko lang ang problema nila. Mas maganda siguro na patahimikin ko na lang ang kung sino mang mga nagpakilala na kawal na ‘yun. Tama.

Ngumisi ako at umayos ng tayo. Pinagpagan ko ang puting bestida na suot ko. Pinunas ko rito ang dugo na nagmula sa kamao ko. Kakaiba nga ang kulay ng dugo nila rito. Kulay itim.

Binuksan ko ang pintuan at umakyat. Wala akong naabutan na tao. Malamang na wala rito ang may-ari ng bahay dahil naroon sila sa sentro. Tanging ako lang ang nagtatago at nagpapakaduwag. Bakit nga naman kasi ako pumayag na magtago kung marami naman akong paraan upang patahimikin ang mga mapagpanggap na mga kawal? Hmp.

Nakakahiya tuloy doon sa mga Teen Fairies na humahanga saakin. Paano pa sila hahanga saakin lalo kung nalaman nila na duwag pala ang idolo nila? Hahaha.

Pagkalabas ko sa munting bahay. Katahimikan at kalinisan ng paligid ang naririnig at nakikita ko. Walang kahit na sino kaya nag-dere-deretso ako sa paglalakad kung saan kami dumaan kanina. Tiningnan at kinabisa ko talaga ang daan para sa ganitong plano. Hindi rin naman ako mapapansin agad nung mga kawal dahil may kakayahan akong itago ang presensiya, enerhiya at aura ko. Ilang beses ko na itong nasubukan noon sa mga taga-Fairy Kingdom. Isa rin kasi ‘to sa naaalala kong kalamangan ni Mistress Eve noon sa libro. Ang kakayahan niyang ikubli ang sarili.

Bigla akong napatigid sa paglalakad matapos kong makarinig ng isang malakas na tunog. Mula sa sentro. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi naman ito nasundan.

Mas binilisan ko na lang ang kilos hanggang sa makarating ako sa sentro. Maraming tao. Ngunit hindi ako nahirapan na itago ang presensiya ko sa kanila. Nanatili na lang ako sa ibabaw ng puno at ‘yun ang ginamit na mga daan hanggang sa makapunta ako malapit sa puwesto kung nasaan ang isang grupo ng kawal. Naroon din ang matatandang Fairies. Sila ang kinatawan ng Fairy Kingdom. Mga kasama ni Lolo Jinco.

Natatanaw ko rin sina Shena, Hiran at Gaia. Kasama rin nila si Dilan at ang ibang mga Kabataan. Hindi sila nalalayo sa puwesto ni Lolo Jinco. Kung ganoon sila ang mga Kabataan na inihahanda ni Lolo Jinco upang maging susunod na mga mamumuno at bantay kung sakaling may mangyari sa mga kasalukuyang pinuno.

Naupo ako at ipinatong ang kanan kong braso sa kanan kong tuhod. Pinanood ko lang ang ginagawa nila. Pero parang kusang umikot ang ulo ko upang tingnan ang bahay nina Shena, Hiran at Gaia. Sunog na ito at sira.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon