“Anong balak mong gawin?”
“Magpakamatay,” mahinang sagot ko. Mabilis siyang napa-lingon sa akin habang naka-kunot ang noo, “Biro lang.”
“Ano nga?” malamig na tanong nito.
Nagkibit-balikat balikat naman ako tsaka ibinaling ang tingin kay Lola na kasalukuyang masayang nagluluto, “Tulungan sila. Ipapatayo at aayusin ko ulit ang tindahan niya. Kung puwede ililipat ko na rin sila sa mas maayos na tirahan, kung papayag sila. At huli, pagbabayarin ang mga hayop na ‘yun.”
“Paano mo sila pagbabayarin? Hawak na sila ng Justice Guild. Sila na ang bahalang humawak ng kaso nina Lola.”
Sinamaan ko ng tingin si Sebastian, “Anong akala mo, hindi ko alam na nagpapayad ang hinayupak na Justice Guild na ‘yan? Baka nga bayaran lang sila ng 100,000 gold coins, palabasin na nila ang mga hinayupak.”
Sinamaan niya rin ako syempre ng tingin, “Hindi mo dapat sinasabi ‘yan laban sa Justice Guild, Avalina. Wala kang alam.”
“Excuse me? Ako pa ang walang alam? Okay, sabihin na lang natin na kumpara sa kaalaman na meron ka, kaunti pa ang sa akin. Pero tandaan mo na hindi ako duwag katulad mo.”
Nag-ngitngit ang ngipin niya at bahagyang lumapit sa akin, “Hindi ako duwag, Avalina.”
Ngumisi ako, “Duwag ka, Sebastian. Kung hindi ka duwag dapat noon pa man, ipinaglaban mo na ang kahalagahan ng hustisya. Hindi ka man lang ba naaawa sa mga katulad ni Lola na biktima? Sa tuwing lumalaya ang mga masahol na kayo, binabalikan nila ang mga taong may atraso sa kanila.”
Akala niya. Lintek siya. Isa sa mga nakakairitang ugali niya ay pagiging duwag niya. Feeling matapang amputa, nagiging duwag naman pagdating sa Ama niya. Kahit alam niyang mali, nagbubulag-bulagan pa rin siya. Ito ba ang Male Lean na gusto ng marami? Isang nagmamatapang para sa kaniyang minamahal pero hindi kayang maginh mabuting pinuno dahil naduduwag.
Never akong magpapasakal sa isang lalakin na katulad niya. Sapat na si Mia para magpa-uto sa kaniya. Isa lang naman siyang lalaki at marami pang iba.
“Anong ginagawa niyo? Nag-aaway ba kayo, ha?” naka-ngitig singit ni Lola. May dala siyang isang malaking mankok na siyang pinaglagyan niya ng niluto niyang sabaw.
Ngumiti ako nang malawak, “Hindi po Lola. Nagkaroon lang po kami ng debate tungkol sa isang bagay. Ganoon po kasi ang gawain na gustong-gusto naming gawin, hindi ba, Kive?”
Lihim niya akong tinaliman ng tingin matapos ko siyang tawagin sa First Name niya. Pero syempre, ako lang si ngiti dahil nagagawa ko siyang inisin.
“Iba talaga kayong dalawa, pero sige, ito nga pala ang niluto kong sinigang.”
Agad akong napa-tingin sa niluto niya. Uso rin dito ang mga Filipino Foods! OMG!
“Excited ka bang matikman iha? Masarap ‘yan dahil medyo maasim-asim ‘yan. Teka lang ah, kukuha muna ako ng mga plato‘t kutsara.”
Wala sa sariling tumango ako bilang tugon kay Lola. Syempre focus sa goal, ang matikman ang sinigang ni Lola. Curious tuloy ako kung uso ba rito ang sinigang mix o may ginagawa pa silang ibang way para lutuin ang sinigang.
“Nakakain ka na niyan?” biglang tanong ni Sebastian.
“No,“ sagot ko na lang, “But I'm excited, mukhang masarap eh.”
“It‘s not.”
“Tanga, pinalaki ka ba namang maarte ng magulang mo?” mataray na sagot ko. Bastrip talaga ‘to kahit kailan.
Nang makabalik si Lola, naging mas maingay ang lamesa. Marami kaming pinag-kuwentuhan, habang si Sebastian ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Nagsasalita lang kapag kinakausap ni Lola. Mabait naman pala ang loko, o talagang peke lang siya ngayon.