CHAPTER 24:

935 54 0
                                    

BLACK ARENA

“Sino ka!? Magnanakaw!”

Unti-unting umatras ang matabang lalaki habang naka-tingin sa misteryosong tao na nasa hindi kalayuan. Naka-tago ito sa dilim pero alam niyang may tao sa parteng ‘yun. Naaaninag niya ang itim na sapatos ng taong ito!

Kakagaling lang niya sa isang party at ang magulong bahay niya ang tumambad sa kaniya. Ang ilan sa mga bantay niya ay hindi niya mahanap, lahat nawawala.

“Justadio Girono, ilang inosenteng tao na ba ang napatay mo? Ilang inosenteng tao na ba ang napahirapan mo?”

Hindi maiwasan ni Girono ang kabahan matapos niyang marinig ang napaka-lalim na boses ng lalaki. Kung kanina nag-a-alangan pa siya kung babae ba o lalaki ito, ngayon nakakasigurado na siya na isa itong lalaki. Hindi niya lang magawang makita ang mukha nito dahil naka-tago pa rin ito sa dilim.

“Duwag! Lumabas ka diyan! At ano bang pakialam mo!? Sino ka ba? Binayaran ka ba para patayin ako!? Kaya kong dagdagan ang ibinayad sa ‘yo!”

Kinabahan si Girono matapos niyang mapansin na bigla itong nawala. Nawala ang sapatos na tinitingnan niya na para bang bula na sumabog. Umikot-ikot siya sa kaba. Wala siyang kahit na anong panlaban maliban sa hawak niyang matalas na bubog na nakuha niya lang sa labas kanina.

Napahinto siya sa pag-ikot at hinawakan ang batok niya dahil bigla na lang siyang naka-ramdam ng sakit dito. Unti-unti siyang napa-luhod dahil sa matinding hilo.

“Gusto mo rin bang mahirapan? Dadalhin kita sa impyerno.”

-----

“Alam mo Yugo, napahanga mo ako. Sa loob ng dalawang linggo, nagawa mo ang pinapagawa ko sa'yo.”

Muling tumayo ng deretso si Yugo upang tingnan ang reaksiyon ng Mistress na nasa harapan niya. Naka-ngiti ang mga labi nito ngunit makikita sa mga mata nito ang lamig at talim. Hindi maiwasan ni Yugo ang kabahan dahil sa bagong reaksiyon ng mukha nito. Mas nakakaba ang ganitong ekspresyon nito kaysa sa ekspresyon na ipinakita nito sa kanila dati.

“Limang tao ang nakuha mo. Sa tingin mo sapat na sila para maging laruan ko?” tanong sa kaniya ng Mistress.

Biglang nangunot ang noo ni Yugo dahil sa narinig. Hindi nabanggit ng Mistress sa kaniya na laruan ang kailangan nito. Ngayon niya lang nalaman na kaya pala nito pinapahuli sa kaniya ang limang kilalang tao sa Sentro, dahil sa gusto lang nito ng laruan.

“Punong-puno ng inis, galit at nakakasukang emosyon ang puso ko sa mga oras na ‘to,” tumingin sa kaniya ang Mistress. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mata nito. Naging maamo, “Isang buwan mahigit kong inipon para lang maging worth it ang oras na ‘to.”

“Papatayin mo ba sila?” seryosong tanong ni Yugo.

“Kung ‘yun ang hihilingin nila, bakit hindi?” naka-ngiting sagot nito at mabilis na namang nilipat ang tingin sa limang tao na tahimik na natutulog sa kaniya-kaniya nitong mga upuan.

“Hindi ka ba nag-aalala sa maaaring mangyari sa oras na malaman nila na pumapatay ka? Alam kong isa kang McKenzie pero...”

“Huwag kang kabahan. Hindi porke nilagyan na nila ng batas, matatakot ka na. Kailangan pangunahan mo ng tapang, kung hindi umayon sa plano, edi kamatayan!”

Hindi maiwasan ni Yugo ang kabahan at bahagyang matakot sa kaharap na babae. Hindi siya sanay na ganito ito magsalita. Pakiramdam niya mas delikado ang babae sa mga oras na ‘to. Kung tumingin ito sa limang lalaki, para bang uhaw na uhaw itong makakita ng dugo.

“Gusto mo bang lumabas muna, Yugo? O gusto mong manood? Mag-enjoy kasama ko?” tanong nito. Tumingin ito sa mga mata niya, makikita niya sa mga mata nito ang pagkapanabik. 

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon