CHAPTER 7:

1.2K 62 1
                                    

HUMAN REALM

“Pakibilisan nga, nagmamadali ako,” ani isang babae sa isang matandang babae na siyang naglalagay ng mga pinamili ng babae sa isang supot. Hindi naman mapigilan ng matandang babae na manginig habang ginagawa niya ito dahil hindi na siya sanay sa mabilisang trabaho. Matanda na siya at ang ganitong trabaho ay sobrang hirap para sakaniya.

Inabot ng matanda ang supot na pinaglagyan niya. Padabog itong kinuha ng babae tsaka ibinigay sa matanda ng isang gold coins. Hindi mapigilan ng matandang babae na mapabuntong hininga dahil kulang ang ibiniyad sakaniya ng babae. Ngunit hindi na lang siya gumawa pa ng kahit na anong eksena dahil makakagulo lamang siya. Alam naman niya na kusang babalik sa babae ang kasamaan na ginawa sakaniya nito.

Nanghihinang umupo ang matanda. Sa sobrang pagmamadali niya kanina, pakiramdam niya may ilan sa mga buto niya ang nabali. Kumita nga siya ng isang gold coins. Kulang naman ito ng isang solver coins at limang copper coins.

Agad na nagmadali ang matanda sa pagtayo matapos lumapit sa tindahan niya ang isang tao na naka-suot ng itim na balabal. Matangkad ito at bahagyang naka-yuko dahil naka-tingin ito sa mga paninda niya. Hindi niya maiwasan ang kabahan dahil sa enerhiyang bumabalot sa katawan ng tao. Kinakabahan na baka isa itong masamang customer at hindi na naman magawang magbayad ng tama. Ganito na ang kadalasang ekspresyon niya sa mga taong may itsurang mataas na katayuan. Mapangmata sa mga katulad nila.

“Gusto ko lamang tanungin kung may alam ka bang tindahan dito na bumibili ng mga dyamante?” malamig na wika ng naka-balabal. Hindi naman maiwasan ng matanda na magulat dahil sa lamig at boses ng taong ito. Isa itong babae.

Bihira lamang siya makakita ng babaeng mayroong katangkaran. Kung may makita man siya, hindi umaabot sa taas na meron ang babaeng ito. Pakiramdam tuloy ng matanda, isa itong maharlika na nagtatabon ng mukha upang hindi makilala.

“Mayroon akong kilala, Binibini. Kailangan mo lang deretsuhin ang daan na ‘yan, sa dulo mayroon kang makikita na isang malaking tindahan na kulay puti at dilaw.”

“Kung gano'n, maraming salamat.”

Bahagya itong yumuko at may hinagis sa matanda bago ito umalis. Isa itong maliit na supot na naglalaman ng barya. Limang gold coins at isang daang silver coins.

-----

Inirapan ni Kwatro ang Maid na kumausap sakaniya. Inutusan siya nito na ihatid sa kwarto ng Madame ang Juice na hinihingi nito at snacks para sa bisita. Pero syempre inirapan niya lang ito matapos siya nitong lagpasan upang bumalik sa kusina.

Wala naman siyang ibang ginagawa pero tinatamad na siya kumilos. Gusto na lamang niyang magpahinga dahil pagod na ang katawan niya kakalinis. Mabuti sana kung ang ginagawa niya ay makipaglaban, edi sana hindi pa siya makaramdam ng pagod?

Tatlong araw na ang nakakalipas nang dumating siya. Tatlong araw na rin siyang lihim na aburido dahil wala na siyang masagap na kahit na anong balita tungkol sa Mistress. Wala talagang senyales na babalik pa ito. O kung buhay pa nga ba ito o tinuluyan na ng mga rebelde.

Marami sa palasyo ang nanghihinayang dahil hindi man lang tinulungan ng Madame ang Mistress. Para tuloy nagkaroon ng Version 2 ang nangyari sa kanilang Lord na si Evan na bigla na lamang nawala na parang bula at hindi na muling bumalik sa kanilang kaharian.

Kumatok si Kwatro sa pintuan. Bigla itong bumukas at bumungad ang kunot noong mukha ng Madame. Ang magandang mukha nito ay tila ba Anghel na bumaba sa langit pero kung kilala mo siya. Hindi mo ito matatawag na isang Anghel. Isa itong literal na Anghel pero hindi ang maduming pag-uugali nito.

Bahagyang yumuko si Kwatro at seryosong humarap sa Madame, “Narito na po ang snacks and juice niyo, Madame.”

“Pumasok ka. Pagkatapos mong ihain ‘yan, pakilinisan ang banyo ko. Hindi malinis ang pagkakalinis ng naunang pumunta rito,” mataray na utos nito.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon