CHAPTER 35:

813 49 5
                                    

Isang linggo ang lumipas nang matapos ang party. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumambay sa loob ng kwarto ko habang iniisip ang sinabi ni Ina na bakit hindi ko raw subukan na mag-aral. Ewan ko ba ro‘n biglang naging mabait sa akin nang malaman na may kakayahan na akong kontrolin ang kapangyarihan ko. Ganoon pa rin naman siya masungit at nakakatakot pero mas ayos naman na siyang kausap ngayon. Walang Black aura na naka-paligid sa katawan niya unlike before.

At least medyo may improvement siya. Kailangan lang pala na magpakitang gilas si Mistress Eve sa Ina niya para magkaroon sila ng magandang pagsasama. Bakit naman kasi puro ka-anohan ang dinulot ni Mistress Eve. Edi hindi talaga siya minahal.

Balik tayo sa topic.

Gusto niyang i-try ko na mag-aral.

Doon sa Magic School na pinapasukan ng mga tulad kong may abilidad. Honestly, it‘s a open School pero expensive. Una syempre sa requirement para maka-pasok, dapat may ability ka gano'n. Syempre Magic School nga, eh. Pangalawa, kailangan may back up ka. Like backer gano'n. Para hindi ma-bully sa loob.

Hindi masyadong na-expose sa libro ang tungkol sa Magic School dahil maliban kay Mistress Eve, wala nang iba pang Kabataang bida ang may super powers. Eh, hindi rin puwedeng pumasok sa gano'n si Mistress Eve dahil maliban sa ayaw niya, ayaw ng Nanay niya. Kaya nga nakakagulat na biglang ipinasok ni Ina sa scene ang School na ‘yun. Siya ‘tong ayaw na ayaw i-expose ang Anak tapos ngayon? Jusme.

Hindi ko tuloy alam if it's a good or bad... luck?

Marami akong plan for this month. Plano ko na umpisahan lahat ng idea na nasa isip ko. Like buying so many territory in this world. Have a business. Magkaroon ng mas maraming tauhan maliban kayna Yugo, Sadie at Kei. Pero mukhang dahil sa lintek na suggestion ni Ina, wala akong ibang puwedeng gawin kundi ang i-suspinde ang plano ko.

I know na suggestion niya lang peeo I know her. Hindi siya tumatanggap ng hindi. Kunwari lang siya na suggest lang pero ang totoo, gusto niya talaga. Hindi siya tumatanggap ng hindi sa mga suggestions niya. It's a good sign I guess na mapalapit na sa kaniya, part of the plan na. Kaya hindi magandang hakbang kung gagawa ako ng hindi niya ikasasaya.

It's not a bad idea naman din, siguro?

Kung papasok ako sa loob ng Magic School na ‘yun. I don't remember kung anong exact ng name ng School, eh.

Eh, kung papasok nga ako ro‘n, magkakaroon ako ng chance na maka-kilala ng maraming nilalang na merong kapangyarihan. Mapapadali ang paghahanap ko sa mga loyal na nilalang na kailangan ko. Pero alam kong hindi magiging madali ang lahat. They're rich. Hindi sila madaling mahahatak lalo na't nasa kanila na ang kapangyarihan at kayamanan na minimithi ng lahat. I don't have any idea kung paano ko sila mapapasali sa grupo na bubuuin ko.

Napa-hawak ako sa batok ko saka muling nahiga. Napa-titig ako sa kisame habang naka-simangot.

Wala pa nga ang problema, ang lakas na agad ng epekto sa akin. Pakiramdam ko kahit na anong oras, mababaliw ako sa problema na dumarating sa akin. Ang akala ko mapapabilis ang mga plano ko, ‘yun pala hindi. Meron pa nga akong iniisip, ang limang gintong tao na pinakuha ko kay Yugo. Kasalukuyan pa rin silang naroon at kasalukuyan pa rin silang pinaghahanap ng pamilya, tauhan at ng palasyo. Malas lang ng lima dahil walang kahit na sino ang may kakayahan na higalapin sila.

Naisip ko na mas mabuting ligpitin na sila ngayon na. Balak ko pa sana silang pahirapan ng ilang buwan pero hindi ko naman sila puwedeng i-tambak sa Mansion nina Yugo. Confident ako na walang makakahanap sa kanila at hindi sila makakatakas, pero importante pa rin sa akin ang kalagayan nina Yugo lalo na't balak kong pumasok sa Magic School na ‘yun.

Nagpagulong-gulong ako sa kama saka padobog nabbumangon. Wala si Kwatro dahil naroon siya sa kwarto nila nagpapahinga. Pagod din ‘yun ngayong araw dahil marami silang pinaggagawa. Sobrang sipag kasi ni gaga, pati mga gawain ng iba, inako at siya ang gumawa. Kaysa naman daw ma-boring siya kakabantay sa akin matulog.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon