"Anong gagawin?"
"Hide and seek. Malawak ang buong mansyon, kailangan niyong magtago at ako naman ang hahanap. Isipin niyo na hindi lang ito basta laro kaya kailangan na itago niyo ang sarili niyo sa lugar na hindi ko mahahanap. Puwedeng magkakasama, puwede rin namang solo kayong magtatago. Basta ang rules, walang aayaw sa laro at walang babalik dito hangga't hindi nahahanap. Gets?"
Nagka-tininginan kaming mga nasa table. Kami-kami na lang nina Levi ang nandito, lumipat sa ibang table ang parents namin.
Nilingon ko si Mia. Kanina pa siya tahimik habang tutok na naka-tingin kay Eve na kasalukuyang nasa taas ng stage kasama si Hera.
"Weird, hide and seek sa mismong kaarawan niya?" biglang mahinang sabi ni Arlo.
"It's not weird, baka gusto lang niya na maglaro. Hindi naman gano'n kahirapan laruin ang hide and seek," pataray na sagot ni Jiza.
"Bakit kailangang ganoon pa ang laro? Hindi ba puwedeng iba na lang?" kunot-noong tanong ni Hera. Pareho silang naka-mic kaya rinig na rinig namin.
Tumawa naman si Eve kaya medyo kinalibutan ako o kahit ang iba. Kakaiba ang tawa niya pero parang normal lang naman ang tawa niya, "Hindi masaya, Hera. Hindi naman siguro magagalit si Ina kung magkakaroon ako ng ganitong laro sa mansyon namin. Malawak ang mansyon, kaya sigurado naman ako na may pagtataguan sila."
Hindi naman na naka-kibo si Hera pero maya-maya pilit na lanh siya na tumango at ngumiti. Nilingon pa niya ang organizers ng party na nasa gilid lang. Kahit sila hindi mawari at mapakali dahil sa desisyon ng Mistress nila. Hindi naman talaga dapat gano'n kadali para sa kanila na hayaan ang mga tao na pumunta sa kung saan-saan para lang magtago. Paano kung meron pala silang sikreto?
Lahat naman siguro ng pamilya ay may pinangangalagaang sikreto, kabilang na roon ang misteryosong pamilya ng McKenzie. Ang Madame ay isang Anghel at ang Master naman ay kabilang sa lahi ng mga demoniyo.
Pilit kong binabasa ang reaksiyon ni Eve pero wala namang kakaiba. Naka-ngiti lang siya habang inuulit ang gagawin sa laro. Mukha lang siyang isang bata na gustong makipag-laro. Pero sigurado naman ako na hindi siya ganito ka-isip bata para makipag-laro sa amin na walang dahilan.
"Naiintindihan niyo naman siguro, ano? Lahat kasali! Kahit ang mga tagapag-likod na nasa paligid, gwardya at iba pa! Ang unang mahuli, may parusa."
"Kailangan kasama kami?" lumingon ako sa puwesto nina Ama matapos kong marinig ang tanong niya. Seryoso ang reaksiyon ng mukha niya habang deretsong naka-tingin kay Eve.
"Oo naman, walang kahit na sino ang dapat na matira rito. Itago niyo ang sarili niyo, malayo sa lugar na 'to. Naiintindihan mo naman siguro, Kamahalan?"
Muli akong lumingon kay Eve dahil sa sagot nito. May kung anong lihim na pahiwatig ang sinagot niya sa Hari. Hindi ko alam kung ako lang talaga ang OA.
Kanina pa wala rito ang Madame. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang plano ng Anak niya kaya wala siyang pakialam. Pero kung ako sa kaniya, hindi ko papayagan ang Mistress sa gusto nito. Mahirap na at sobrang laki ng risk para sa pamilya nila ang gagawin nitong pagbibigay ng kalayaan sa lahat na pumunta sa kung saan-saan. Paano kung maling lugar ng pagtataguan ang mapili ng mga tao? Paano kung manakawan sila?
Hanggang sa mag-umpisa ang laro, hindi agad ako kumilos. Ganoon din ang iba. Naka-tingin lang kami kay Eve na walang pinagbago ang reaksiyon ng mukha habang kausap si Hera. Hindi na namin sila naririnig dahil mahinang pag-uusap na lang ang ginagawa nila. Pero ayon sa ekspresyon ni Hera, sigurado ako na tinatanong niya si Mistress.
"Saan tayo magtatago?" bumaling ako sa mga kasama kong katulad ko, hindi pa tumatayo.
"Para naman tayong mga uto-uto," iling na sabi ni Levi.