CHAPTER 12:

1K 54 2
                                    

"Ang bantot naman ng pangalan mo. Otet?”

Hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti matapos kong marinig ang pagka-usap ni liit kay Kei. Uminom ako ng tubig at muling bumalik sa tabi ng dalawa. Kasalukuyan silang naka-upo sa sofa. Si Kei ay deretso lang ang likod habang takot na naka-tingin sa kung saan. Takot na lingunin ang masungit na mukha ni liit. Kung maka-tanong naman kasi ‘tong si liit ay para bang may ginawang kasalanan si Kei sa kaniya.

“Kei ang pangalan niya. ‘Yun lang ang tawag sa kaniya,” ako na ang sumagot para kay Kei dahil mukha siyang natuod sa puwesto niya.

Kanina nung pabalik na kami sa apartment, naka-salubong namin ang balyenang Ina niya na galit na galit. May hawak pa ngang itak na balak ipukpok kay Kei. Malas niya lang dahil kasama ako ng Anak niya kaya imbes na si Kei ang mapuruhan, siya ang napuruhan. Malakas ko lang naman siyang sinipa, hindi ko rin naman in-e-expect na kakayanin ng lakas ko ang balyenang tulad niya. Magagalit pa nga sana siya kung hindi ko lang siya sinabuyan ng dalawampung gintong barya. Mabuti na lang talaga at mukha siyang pera.

Hindi ko na rin naman inaalala kung puntiryahin siya ng mga kawatan na naka-kita. Marami-rami rin kasi ang naka-kita nang nangyari. Kaya imbes na ako ang nakawan nila, malamang na mas pipiliin na lang nila ang balyenang ‘yun. Kung ang matabang tulad niya ay walang kahirap-hirap kong napa-tilapon, sila pa kaya na patpatin?

Hindi rin naman magawa ni Kei na matuwa dahil ang masungit at malakas na bunganga ni liit ang bumungad sa kaniya. Kesyo sino raw siya at bakit ko siya kasama. Ang pangit niya raw at baho.

Grabeng bata, ‘di ba? Wala naman sa karakter niya ang ganiyan. Ewan ko ba kung ano nangyari sa kaniya.

“Hmp. Buti pa ang pangalan ko, maganda.”

“Hindi nga namin alam ang pangalan mo,” sagot ko tsaka pinatong ang palad ko sa ulo niya.

Hindi ko alam pero gustong-gusto kong hawakan ang malambot niyang buhok. Katakha-takha nga kasi hindi naman siya naliligo tapos malambot pa rin ang buhok niya. Lahat ba ng nilalang sa mundong ‘to ay ganito?

Takha kong tiningnan si liit matapos niyang kuhanin ng kamay ko at tanggalin sa pagkakapatong sa ulo ni Kei. Kahit si Kei napa-lingon kay liit dahil sa ginawa nito.

“Sadie ang pangalan ko. Mas maganda naman kumpara sa pangalan niyan,” mataray na sabi nito habang naka-tingin sa akin nang masama. Natawa naman ako at marahang hinila ang ulo niya papunta sa akin. Pinatong ko ‘yun sa dibdib ko.

“Itong batang ire, nag-se-selos ka ba kay Kei?” natatawang tanong ko. Mabilis siyang umalis sa pagkaka-higa sa akin at umiling-iling.

Hindi ko alam kung ano bang kinakagalit niya. Pero pakiramdam ko dahil ‘yun sa nakita niyang paghawak ko sa kamay ni Kei habang naglalakad kami papunta sa apartment namin. Mukha nga siyang galit nung makita niya kami.

Ilang oras kaming tumambay sa sala dahil hindi matapos-tapos ang sagutan nang dalawa. Sa hindi malamang dahilan biglang tumapang si Kei habang nakikipag-sagutan kay liit. Hindi pa sana sila titigil kung hindi lang sila pinatigil ni Tanda na ang pangalan ay si Yugo. Kilala ko naman talaga sila dahil nga nasa libro sila. Hindi ko lang sila tinatawag sa mga pangalan nila dahil mas gusto ko ang liit at Tanda.

“Anong plano mo?” agad na tanong ni Tanda matapos niyang bumalik. Hinatid muna ang dalawang bata sa kaniya-kaniya nilang kwarto.

“Kailangan na nating umalis sa lugar na ‘to, Tanda. May mga Slave akong binili at hindi sila maaaring tumagal sa lugar na ‘to.”

“Dadalhin mo sila sa Commoner Area?” tanong niya.

“‘Yun ang plano ko. Alam mo Tanda, nitong mga nakaraang araw. Sa hindi malamang dahilan, nagiging malambot ang puso ko sa mga tao,” wala sa sariling sabi ko habang naka-tingin sa kisame.

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon