Chapter XXVIII - The Windows To Her Soul

143 8 9
                                    


"May gusto sana akong sabihin," sambit ni Tunying, pagkatapos ay inubos ang alak na nasa baso niya, naupo nang maayos, at tumikhim nang makitang nasa kanya na ang atensyon ng lahat.

Lasing na. Wala pa ba silang balak umuwi? naisip ni Jiwon. Pansin niya ang bahagyang pamumula ng mukha ni Tunying na dulot ng ilang shot na nauna na nitong nainom. Ganoon pa man ay nanatiling tahimik ang lahat, naghihintay sa mga susunod na sasabihin ng detective.

"Captain, Miss Natividad, ako sana'y pagpasensyahan ninyo," panimula ni Tunying. "Doon sa ginawa kong pagrereto sa 'yo, Captain, sa pinsan ng misis ko. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Kung alam ko lang na may namamagitan pala sa inyong dalawa..."

Nanatili ang katahimikan ng mga nakapaligid sa mesa. At sa pagkakataon na iyon ay nabaling naman kay Jiho ang bigat ng tensyon.

Si Jiho na napatingin sa hawak niyang baso ng tubig na hindi pa niya naiinom. Napahiling siya na sana'y alak na lang iyon at hindi siya matutumba kahit tunggain niya iyon nang diretso. Walang punto kung magsisinungaling rin sila ni Jiwon sa mga kasamahan sa trabaho. Isa pa ay naisip niya na mas mahihirapan lang gumalaw sa opisina ang dalaga kung hindi nila aaminin ang totoo. Napalunok siya, halatang nag-iisip kung paano niya ipapaliwanag. Naroon ang pag-aalinlangan nang magsimula siya, "Ang totoo niyan... wala naman talaga—"

"I actually got a little offended," singit ni Jiwon.

Lahat ng nakapaligid sa lamesa ay sabay-sabay na napatingin sa dalaga. Halata naman ang gulat at pag-aalala sa mukha ni Jiho. Ang mga mata niya ay tila nagsasabing, "Jiwon, hindi mo kailangang magsinungaling rin sa kanila." Ngunit bago pa man niya maisaboses ang nasa isip ay muli siyang naunahan ni Jiwon.

"Pero okay na 'yon. Naiintindihan ko na inakala n'yong single talaga si Captain Lim dahil iyon naman talaga ang sinagot niya noong tinanong mo s'ya, Detective Tunying, kung single ba siya o hindi."

Nagtaas naman ng kilay si Basco, "Oo nga, Captain. Bakit kasi sinabi mong single ka, eh hindi naman pala?" Mababakasan ng panunukso ang boses niya. Animo'y ipinapaalala sa binatang superior na alam niya ang totoo.

Nagkatinginan sina Jiho at Jiwon. Para bang hinahanap nila sa mga mata ng isa't-isa ang kasagutan.

"Tinatanong pa ba 'yan? Panigurado nag-LQ sila noong gabing 'yon. Ganyan na ganyan kami ng asawa ko noong hindi pa kami kasal, sinasabing single kahit hindi naman talaga." Kung hindi pa nagsalita si Miranda ay si Jiho na sana ang sasagot at magtatama ng kasinungalingan.

Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa kulay rosas na mga labi ni Jiwon. She didn't break eye contact with Jiho and said, "It's all in the past now. Okay na kami. And besides... nagbigay naman siya ng assurance na ako lang talaga ang babae sa buhay niya. 'Yun lang naman ang importante."

Tila natunaw si Jiho sa bawat salitang narinig niya. Ang tahimik niyang pagtataka ay hindi nagawang itago ng mahinang kunot ng kanyang noo. "Assurance?" tanong niya sa sarili. Kung hindi niya alam na umaarte lang ang dalaga ay baka hinalungkat na niya ang sariling memorya upang maalala kung kailan niya sinabi iyon o kung may nasabi ba talaga siyang ganoon. Naramdaman niya ang sinseridad na ipinaparating ng mga mata nito. Para bang hindi kasinungalingan ang mga salitang lumabas sa bibig. Nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam at hindi niya iyon maitanggi sa sarili.

"Sayang naman," sambit ni Miranda kasabay nang paghawak sa bote ng gin. "Mas okay sana kung nandito rin si Mr. Perez. Ano kayang lakad ng influencer na 'yon?"

***

Ipinarada ni Ranzel ang sasakyan niya sa labas ng nondescript na gusali. Isa iyong two-storey building na sa tingin niya ay ilang dekada nang nakatayo sa liblib na purok.

Ang katahimikan ng gabing iyon ay tila nagpapahiwatig sa kanya na mayroong mali sa lugar na kinaroroonan niya. Sa katunayan ay nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan pagkababang pagkababa niya mula sa sasakyan. Kung hindi lang mahalaga ang pakay niya doon ay hindi niya nanaisin na magtungo sa lugar na iyon.

Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang paligid. Napapalibutan ng kadiliman at matatayog na puno ng manga ang apartment. Ang mga bunga noon ay nagkalat sa lupa, pruweba na tila walang nangangahas na mag-harvest noon sa ilang kadahilanan.

Inilabas niya ang cellphone at agad na tinawagan ang numero ni Madrigal, ang kanyang trusted informer. Ngunit nakadalawang dial na siya ay wala pa rin sumasagot.

Napabuntong hininga siya sa matinding frustration. "Ba't ba hindi mo sinasagot?" bulong niya sa sarili.

Scrolling through his message, he found Madrigal's last text: "2F."

Second floor, naroon ang unit ni Madrigal.

"Okay," muli niyang pagkausap sa sarili bago nagsimulang lapitan ang tila haunted na gusali.

Tinungo niya ang makipot na hagdan papunta sa pangalawang palapag. Walang ilaw sa hagdan. Kinailangan pa niyang gamitin ang flashlight ng kanyang cellphone. Kung hindi niya lang alam na doon nakatira ang informant ay aakalain niyang walang taong mangangahas na mangupahan doon.

At nang tuluyan na niyang marating ang pangalawang palapag ay natigilan siya. Naglaro ang mga mata niya sa dalawang identical door na naroon—isa sa kanan at isa sa kaliwa.

"Seriously?" nasabi niya kasabay nang pagkamot sa ulo. Alin dito?

Sandali siyang nag-alinlangan bago pinili ang pinto sa kanan. Kumatok siya doon. No response. Sinubukan niyang muli. Sa pagkakataon na iyon ay mas malakas. Ganoon pa rin, walang sumasagot.

Namuo ang butil-butil na pawis sa kanyang sintido kasabay nang paghawak niya sa doorknob. Baka naman bukas? naisip niya. Marahan, pinihit niya iyon—at sa kanyang gulat ay nabuksan niya ang pinto.

Lumangitngit. Bumungad sa kanya ang dimly lit interior. Walang tao. Ang faint glow ng maliit na telebisyon ay nag-cacast nang gumagalaw na anino sa loob ng living area. Isang nature documentary ang palabas doon na nagpapakita ng isang leon na kumakain ng walang kalaban-laban na kambing.

"Madrigal?" maingat na pagtawag niya sa informant.

Tuluyan niyang pinasok ang unit. Doon niya napansin na may kaliitan iyon. Minimal ang furniture—isang couch, coffee table, at ang telebisyon ay nakapatong sa mababang cabinet, animo'y nagpapatay-sindi ang screen habang patuloy sa pagkain ang leon.

Sinilip niya ang banyo, ngunit wala rin doon ang taong hinahanap. Sunod ay ang nag-iisang kwarto. Itinulak niya ang pinto noon, nakita ang neatly made sheets, ngunit wala pa rin sign ng police officer.

At nang isasara na niyang muli ang pinto ay mayroong nahagip ang kanyang mga mata.

Unusual.

Malapit sa paanan ng kama ay mayroong estante. Ang estanteng iyon ay natatakluban ng itim na tela. It was strange... at least for him.

Dahil sa matinding kuryosidad ay nilapitan niya iyon. He reached out, his fingers brushing against the fabric. Hinila niya iyon nang marahan.

But what he saw made him stagger back. Animo'y nahuli niya ang sariling hininga sa kanyang lalamunan. Dahil ang kinukublihan ng itim na tela sa estante ay isang glass jar na puno ng clear liquid. Nakababad doon ang dalawang mata. Dalawang mata na sa tingin ni Ranzel ay mga mata ng tao. Maputla. Walang buhay. Animo'y nakatitig sa kanya.

Sa loob ng ilang sandali ay hindi nakagalaw si Ranzel. His chest heaved as he tried to process what he was seeing. Pagkatapos ay nahulog ang tingin niya sa maliit na label na naka-tape sa jar: "Kianna David."

Pakiramdam niya ay bumaligtad ang sikmura niya nang maalala niya kung sino iyon—Kianna David, ang dalagang natagpuang nakabigti sa puno ng banyan.

"Shit," nabulong niya sa sarili. Nanginginig sa halo-halong emosyon ang mga kamay niya nang muli niyang inilabas ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon. Kailangan niyang idokumento iyon—pruweba ng kanyang natagpuan. Ngunit bago pa niya mapindot ang camera ay nabitawan niya ang cellphone.

Napakalakas nang pagtibok ng kanyang puso nang yumuko siya upang pulutin iyon. But before he could reach it, a sudden, blinding pain exploded at the back of his head. Isang matalim at malakas na hampas ang nagpasubsob sa kanya sa sahig. Unti-unting lumabo ang paningin niya.

And then, there was nothing.

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon