Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakakabingi ang katahimikan na dumaan sa pagitan nilang dalawa. Katahimikan na animo'y naging sagot sa nakabinbin na katanungan ni Jiwon.
Nakagat niya ang ibabang labi kasabay nang bahagyang pagtungo. Hindi iyon ang inaasahan niya. Pakiramdam niya ay isa siyang sasakyan na nagpupumilit dumaan sa isang gate na matagal na palang nakasarado.
"Jiwon!" tawag ng Commissioner General sa kanya.
Sinulyapan niya ang naiinip na ama bago sinabi, "I have to go." But as soon as she took one step away, she felt a warm hand grab her wrist. Maharan, ibinalik niya ang tingin sa pumigil na binata. Kita niya sa mga mata nito ang sagot na kanyang inaasahan.
Mahal pa rin siya nito.
"Tama ka," sa wakas ay pag-amin ni Jiho. "Duwag nga ako pagdating sa 'yo. Tama ka rin na... ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Hindi naman talaga 'yon nagbago e. Pero Jiwon, hindi ito ang tamang panahon para mas unahin ko ang sarili—" He was cut off by the quick, warm peck on his lips.
He was caught off guard. Animo'y rinig na rinig niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. His gaze traveled to the direction where the Commissioner General was standing. Kita niya na nakatalikod ito at may kausap sa cellphone. Humigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ni Jiwon. Without further thoughts, he pulled her to the nearest pillar. Isinandal niya ito doon at tuluyang ibinigay ang sagot na hinihingi nito sa kanya.
He kissed her—deeply, hungrily—like a man starved for a taste he had been denied his whole life. His lips claimed hers with a passion that sent shivers down her spine. A kiss that spoke of longing and unspoken desires.
Nahinto lang iyon nang muli nilang marinig ang pagtawag ng ama sa dalaga.
"Aayusin ko lahat... pagkasara ng kaso. Pangako," mahinang sabi ni Jiho sa pagitan ng kanilang paghinga.
Isang bahagyang tango naman ang isinagot ni Jiwon bago tuluyang lumabas sa pinagtataguan. Sinalubong niya ang ama na nagtataka kung saan siya nanggaling.
"It's getting late! Ano pa bang ginagawa mo doon? Sumakay ka na," sabi nito sa kanya.
***
Ang hangin sa labas ng Hostaria Correctional Facility ay mayroong kabigatan. Ang sandaling pag-ulan nang umagang iyon ay nagdulot nang magkahalong amoy ng basang lupa at kalawang. At base sa kulay abong kalangitan ay may kasunod pa ang ulan na iyon. Ano mang oras ay maaari itong bumagsak.
Masamang balita iyon para kay Jiwon. Naiwan niya kasi sa penthouse ni Jiho ang nag-iisang payong niya. Nakalimutan rin niyang ipaalala sa binata na dalhin iyon sa opisina.
Inayos ni Jiwon ang pagtayo nang sa wakas ay matanaw niya ang paparating na officer sa window kung saan siya naghihintay para sa visitation approval. Nangangalay na ang mga paa niya sa halos dalawampung minuto na pagtayo. Marami kasi siyang nakasabay na bumisita nang oras na iyon.