Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Morning light streamed through the dusty window panes of St. Bernadette Elementary School. Ang anino noon sa tahimik na hallway ay animo'y buong pasensyang naghihintay sa pagdating ng mga estudyante.
Masyado pang maaga, ngunit katulad nang dati ay naroon na sa eskwelahan si Nico, isang grade six student mula sa Section C. Nakagawian na niyang mauna sa silid-aralan. Hindi para mag-aral, kundi para maglaro sa cellphone. Sa bahay kasi ay hindi siya makapaglaro nang walang istorbo. Ang kanyang ina ay parati na lang siyang sinesermunan. Ngunit sa eskwelahan nang ganoong oras ay payapa niyang nagagawa ang gusto.
Malimit niyang nakakasabay pumasok nang ganoon kaaga ang class adviser nila na si Ms. Ruiz. Ngunit mula nang hindi na ito pumasok sa hindi nila malamang dahilan ay ang class president na nilang si Kyle ang humawak na ng susi sa classroom. Madalas ay nauuna si Nico sa kaklase. At kapag nangyayari iyon ay wala siyang choice kundi ang sumalagmak sa sahig at doon na lang maglaro. He hated Kyle. Bukod sa pagiging-know-it-all nito ay hindi niya rin gusto ang pagiging sipsip nito sa mga guro nila. Kung may paraan lang upang mapatalsik ito sa pagka-presidente ng kanilang klase ay nagawa na niya. Pinagsisisihan niya na ini-nominate ito noong eleksyon. Dapat sana'y sarili na lang niya. Nasa kanya sanang mga kamay ang susi ng classroom.
Sa first floor, huling silid sa kaliwang bahagi ng Jacinto Building matatagpuan ang kanilang classroom. Nakaramdam si Nico ng kasabikan nang matanaw na niya sa wakas ang pinto kung saan may nakapaskil na 6-C. Hindi niya namalayan na gumuhit ang isang ngiti sa manipis niyang mga labi nang huminto ang mga paa niya sa mismong tapat ng kanilang classroom.
Hinawakan niya ang doorknob. Iikutin na sana iyon nang bahagya niya iyong naitulak.
Pagtataka ang sandaling rumehistro sa mukha niya.
Bukas ang pinto. Himala! Nauna si Kyle. Iyon ang naisip niya.
Lumangitngit ang hinges ng pinto nang tuluyan niya iyong itinulak pabukas.
And then he froze.
Hindi si Kyle ang naroon.
Sa harap ng classroom, sa teacher's chair, mayroong nakaupong babae.
Hindi gumagalaw. Ang ulo ay nakapatong sa mesa. Nakaharap sa pinto. Nakaharap sa kanya.
Sa loob ng ilang segundo, tila hindi kayang irehistro ng kanyang isipan ang nakikita ng mga mata. Animo'y wala iyong sense. Animo'y hindi totoo.
Bumaba ang paningin niya sa katawan ng babae.
Wala itong saplot. Maputla ang balat.
Nakatali sa likod ng upuan ang mga kamay nito.
Ngunit ang pinakanakakakilabot ay ang ulo nito. Balot iyon ng makapal na packing tape. Layer upon layer. Her features were sealed in suffocating silence. And someone-something-had left a final touch.
Mayroong crude, black smiley face na naka-drawing sa tape. Dalawang hindi pantay na mahabang linya para sa mga mata. Wide, curved line naman para sa bibig.