Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pasikat na ang araw, at unti-unting bumabalot ang liwanag sa silid. Nagising si Jiwon na magaan ang pakiramdam. Iyon na yata ang pinakapayapang tulog na nagawa niya sa loob ng taong iyon. Siguro'y dahil sa presensya ng taong parating nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na ligtas siya sa kahit na anumang masamang bagay, pangyayari o tao na nasa labas.
Paglabas niya ng kwarto ay agad niyang napansin ang taong iyon na nakahiga sa sofa, mahimbing na natutulog. Ang kulay abo na kumot nito ay nakakalat na sa sahig imbis na nakabalot sa katawan. Pinuntahan iyon ni Jiwon. Tahimik niya iyong pinulot. Then she found herself staring at him. Sa matatalas na anggulo ng mukha nito na animo'y inukit ng isang maestro... Sa malalalim at expressive na mga mata nito na animo'y nagtataglay ng mga sikreto-mga patong-patong na emosyon na hinding hindi nito hahamakin na ibahagi sa iba ngunit maaaring naipasaring sa tuwing sa palagay nito ay hindi siya nakatingin... Sa mga labi nito na kalimitang naka-set sa isang cool at unreadable line na pansin niyang tila lumalambot nang bahagya sa tuwing malapit siya... Dahil doon ay hindi niya naiwasang mapaisip. Ano nga ba talaga ang totoong nararamdaman ng binata ukol sa kanya?
Jiwon's heart ached, caught between the fear that she was imagining it all and the dangerous hope that maybe, just maybe, he hadn't completely moved on.
Aktong lalapat na ang kumot sa balikat ni Jiho nang biglang nag-vibrate ang cellphone na nakapatong sa coffee table. Napamulagat ang binata, agad na dumilat, at ang mga mata nila ni Jiwon ay nagtagpo.
Ilang segudong nanatili na nakatayo lang doon si Jiwon, hawak pa rin ang kumot, para bang nahuli sa isang akto na hindi niya kayang ipaliwanag. "Na... Nahulog ang kumot mo," sa wakas ay nasabi niya. Ngunit pilitin niya man na hindi ipakita ang awkwardness ay ramdam na ramdam niyang nag-iinit na ang kanyang dalawang pisngi sa hiya. Agad niyang inilayo ang mga mata mula sa binata at inayos ang sarili, pilit na nagkunwaring animo'y walang nangyari.
Sandali namang napatitig sa dalaga si Jiho, tila binabasa ang bawat kilos nito. Kuha niya ang strange behavior ng dalaga, ngunit ang pinakanakakuha ng atensyon niya ay ang namumula nitong mga pisngi. He wondered why she was wearing too much make up early in the morning. Pero hindi na lang siya nagkomento. Naupo siya at ibinaling na lang ang tingin sa cellphone niya, dinampot iyon at sinagot ang tawag.
Pabalik na sana si Jiwon sa kwarto nang marinig niya ang boses ng binata na animo'y walang emosyon, diretso, malamig, tulad ng alam niyang tono nito kapag may trabaho.
"Copy. Bakuran niyo na agad ang crime scene," huling saad ni Jiho bago putulin ang tawag.
"May bago bang case?" hindi niya napigilang magtanong.
Tinapunan siya ng tingin ng binata bago sumagot nang diretso at walang paligoy-ligoy. "Oo. Sa Highwind Field."
Ramdam ni Jiwon ang biglang paglakas ng tibok ng kanyang puso. Highwind Field. Isa iyong lugar na hindi basta-basta pinupuntahan. Napapalibutan iyon ng matataas na talahib, mga damo na para bang sinadyang tumubo nang siksikan upang itago ang anuman-o sinuman-sa ilalim nito. Parang may mga lihim na nakabaon sa lupa ng lugar na iyon, mga kwento ng kadiliman na ni minsan ay hindi nabigyan ng liwanag. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit tila nakaramdam siya ng kaba matapos marinig ang pangalan ng lugar. Highwind Field, doon nakatirik ang martial arts center ni Coach Alex.