Chapter XXIX - Behind Those Paintings

129 8 5
                                    

Katahimikan ang bumalot sa penthouse matapos makaalis ng mga bisita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Katahimikan ang bumalot sa penthouse matapos makaalis ng mga bisita. Tanging tunog lang ng mga pinagkainan ang maririnig habang abala si Jiwon sa kusina.

Jiho leaned against the counter, watching her with an unreadable expression. His hands stuffed into his pockets. Ramdam niya ang tensyon na tila tinitiis ng dalaga. She hadn't spoken since the unexpected visitors left. Pansin niya iyon, lalo na ang animo'y pag-iwas nito na magkatinginan sila. "Bakit mo sinabi 'yon?" hindi na natiis ni Jiho na magtanong.

Napahinto si Jiwon sa pagsasabon sa pinggan. "Sinabi ang?" balik niyang tanong. Feigning ignorance. Ngunit ganoon pa rin ang mga mata niya, nakatitig sa lababo, hindi kay Jiho.

"Alam mo kung anong tinutukoy ko." Bahagyang lumapit si Jiho. He was cornering her-not physically, but with the weight of his question. "Bakit mo sinabi sa team na may relasyon tayo? Inamin na lang sana natin sa kanila ang totoo. Na nandito ka lang dahil sa nangyari sa lake house mo. Hindi ba't mas madali 'yon? Walang rumors, walang misunderstandings."

Matalas na buntong hininga ang kumawala sa bibig ng dalaga. Halata ang pagtigas ng mga balikat niya nang ipinagpatuloy ang pagsasabon sa plato. "It's easier for me this way," sabi niya nang may kabilisan. "If they think we're together, no one will question why I'm here. Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa sa kanila."

Ngunit hindi kumbinsido ang binata. Alam niyang may iba pang dahilan. Kita niya sa kilos at ekspresyon sa mukha nito. "Talaga ba?"

Sa wakas ay nagawa nang tingnan ni Jiwon ang nagdududang binata. Sharp glance. Ngunit agad rin niyang ibinalik ang tingin sa ginagawa. Nakita niya kasi ang mga follow-up questions na animo'y nakasulat sa mukha nito. Alam na niya kung saan patungo ang usapan na iyon kung hindi pa niya iibahin ang topic. "Why does a penthouse this big have only one bathroom?"

Napakiling ang ulo ni Jiho. Napansin niya ang abrupt shift ng subject. Alam niyang paraan iyon ng dalaga upang makaiwas sa mga susunod pa niyang katanungan, ngunit pinagbigyan niya ito at sinagot na lang ang random na tanong. "It doesn't. May bathroom sa kwarto." Then his gaze sharpened. "Bakit nga pala dito ka sa common bathroom nag-shower?"

Natigilan dahil doon si Jiwon. Embarrassed. Bakit nga ba? Pasimple niyang nakagat ang ibabang labi habang naka-focus sa soap suds sa lababong kaharap. "...I didn't realize there was one in the bedroom."

Jiho chuckled softly, the corner of his mouth quirked in amusement. "Kakaiba ka talaga." Lumapit siya at pinatay ang gripo. "Ako na d'yan."

"No, it's okay. I'm fine," pilit ni Jiwon kasabay nang pagpapatuloy niya sa pagsasabon sa plato.

Napabuntong hininga si Jiho ngunit hindi na siya nakipagtalo pa. Alam na alam niya ang ugali nitong ayaw magpatalo. At kung magmamatigas rin siya katulad ng dalaga ay baka tapos na ang gabi ay hindi pa nahuhugasan ang lahat. Sa halip ay kumuha na lang siya ng pares ng malinis na rubber gloves. "At least wear these. Masisira ang kamay mo."

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon