PROLOGUE

1.7K 29 0
                                    

"Get her, bring her to our hidden basement" he said while looking at me with deadly look

Lord! Alam kong pilosopo akong tao pero bakit naman kailangan mapunta ako sa ganitong sitwasyon?

I'm Mary Viatrixe Xylline Monteverde, isang pilosopo at loko-lokong babae pero hindi ko alam sa lalaki na ito lang pala ako titiklop.

"Hindi ko nga kilala yang matandang lalaking yan, kulit niyo!" Singhal ko sa kanila at laking gulat ko na may isang lalaking humawak sa braso ko kaya naman binugtian ko ito sa pag mumukha niya sabay sipa sa itlog niya

Agad ito umungol sa sakit at napaupo sa sahig

"Tanga, babae lang yan hindi mo pa mahawakan ng mahigpit" sigaw nitong lalaki kaya tinignan ko siya ng masama

"I am not his daughter. Hindi ko nga kilala yan eh, bobo ka ba?" Pasigaw kong sagot sa kaniya at nakaramdam ako ng malamig na awra mula sa kaniya at biglang nag senyas.

Laking gulat ko na tatlong mga machong lalaki ang humawak sa akin. Pinipilit ko na makawala ako sa kamay nila ngunit sobrang lakas nila kaya hindi ako makapag pumiglas.

Sobrang malalaki ang muscle nila at ang hirap makipagtigasan ng ulo sa kanila lalo na't tatlo sila na pumipigil sa akin.

"Boss, wag mo idamay ang anak ko, please lang. Alam ko na mali ako" biglang sabi ng isang lalaki na nasa gilid ko at hawak din ng mga lalaki

Anong anak pinag sasabi niya? Nakasalubungan ko nga lang yan habang tumatakbo siya papalapit sa akin tapos bigla niya sasabihin na anak niya ako? Ako ba ay ginagago nito?

"Die" saad nitong napakalamig na lalaki at bigla itong nag kasa ng baril at itinutok ito sa noo nung lalaki

"D-Derick, ito na anak ko, kunin mo na siya kapalit ko. Kaya niya pag silbihan si Master. Pwede yan gawing maid, slave or di kaya pampainit sa kama" saad ng lalaking ito na ikinalaki ng mata ko

A-Ano daw? K-Kama?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na't bumabakat sa mukha ng boss na ito ang ngisi.

"Hoy! Hindi nga kita kilala tapos bigla bigla mo ako ibibigay sa gagong lalaking 'to? Nahihibang ka ba? Tyaka anong sa kama? Desente akong babae fuck you!" Pagalit kong sigaw dito at kasabay nito ang pag putok ng baril na tumama sa noo ng matandang lalaki

Biglang napatahimik ako at napakagat ng labi habang nararamdaman ko ang nginig ng aking katawan. First time ko makakita ng isang taong pinatay sa harapan ko at alam kong trauma ang abot ko dito.

"Go follow my instruction" utos ng demonyong lalaking 'to at hinila ako ng mga lalaking nakahawak sa braso ko

Kahit nanginginig ako sa nasaksihan ko ay nagawa ko pa rin mag lakad at makasakay pa ng kotse.

Kahit naman nadamay ako sa problemang ito dahil sa kagaguhan niya ay may konting awa pa rin akong nararamdaman dun sa kaniya. Yes, konti lang naman mga 1%.

Lumipas ang isang oras ay tumigil ang sasakyan na sinasakyan ko at hinila nila ako papaalis dito

"Ano ba, dahan dahan lang oh. Napaka fragile kong babae tapos kung makahila kayo sa akin parang may malaking baka kayong hinihila ah" sigaw ko ulit sa kanila

"Fragile? Eh mukha ka ngang amazona" sabi nung lalaki na ikinakulo ng dugo ko habang hinihila nila ako. Tsk, pasalamat ka bihag niyo ako kung hindi kanina ko pa winasak ang bungo niyan.

Ngayon ko lang napansin na sa isang malaking mansiyon ako napadpad.

Ito na ba ang basement? Sobrang laki at gara na nito kung tatawaging basement.

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon