CHAPTER 11

387 13 1
                                    

Mary POV

"Lucy!" Sigaw ko sa kaniya habang hinahabol ko siya pero di niya ako pinapansin

"Lucy, let me explain" saad ko sa kaniyang habang hinahabol siya na sa tingin ko ay papunta siyang CR

"Lucy, come on. Walang nangyari sa amin ng Prince Charming mong si Elias. Promise" saad ko pa sabay higit sa braso niya

"Why I feel like, inagaw mo siya sa akin" she said na mas ikinagulat ko

"Lucy, wala akong feelings sa lalaking yun. Walang nangyari sa amin. Kaya mamatay pa yun, walang nangyari sa amin" pag eexplain ko pa

"Eh ano pala yung sinabi niya nangyari sa inyo kagabi?" Inis nitong saad sa akin

"I'll explain pero wag dito. Masyadong maraming tao" sabi ko at hinila siya papunta sa Ladies CR.

"Kagabi kasi habang nag babantay ako sa casino, mukha siyang pervert kaya nung hinawakan niya ako, nasampal ko siya. Tapos alam mo naman na reflex ko yun kapag may taong humahawak sa akin ng hindi ko kakilala. Natakot ako na baka mag sumbong siya kay Chief Bolton kaya sabi ko gagawin ko ipapagawa niya wag lang isumbong ako tapos pinag laro niya ako sa casino kaso naipatalo ko ang pera niya kaya sabi niya babayaran ko yun sa pamamagitan ng pag mamassage. Tapos ang usapan" mahaba kong sabi sa kaniya at halata sa mukha niya na naguguluhan pa rin siya

"Hay nako basta yun ang totoo" saad ko pa

"Totoo ba yan?" Tanong nito at tumango ako

"Kailan pa ako nag sinungaling sayo?" Tanong ko sa kaniya kaya napahing siya ng maluwag

"Bes, ilapit mo naman ako sa kaniya. I think siya na talaga para sa akin" pag hihingi nito ng pabor at halos manlaki ang mata at bibig ko sa sinabi niya

"Bes, Lucy, hindi mo gugustuhin ang ugali ni Elias. Napaka bastos ng bunganga" pag pipigil ko sa kaniya

"Yan gusto ko. Bad Boy" nakangiti nitong saad na ikinairap ko

"Bad Boy ba kamo? O sige, bibigyan kita ng bad boy. Yung nananakit ng babae tapos hindi ka nirerespeto. Yan ba gusto mo? Marami akong kilala nyan" sabi ko at ngumuso siya sa harapan ko at nag pacute pa sa akin

"Bes, hindi nakakatuwa yang joke mo.  Please! I want Elias" pag papacute nito sa akin at maihahalintulad ang mukha niya ngayon sa isang bata na nag mamakaawa sa ina na bilhan siya ng paboritong laruan

"Hindi, Never." Pag mamatigas ko at bigla niya ako tinalikuran

"Wala na akong kaibigan na nag ngangalang Mary. Friend ship over na tayo" sabi nito at lalayasan niya sana ako pero agad ko siya hinila

"Fine, Oo na. Susubukan ko" sabi ko at humarap siya sa akin na may malapad na ngiti

"Pero hindi ko maipapangakong mag kakatuluyan kayong dalawa. Basta after ko kayo i-set up, ikaw na bahala sa inyong dalawa, labas na ako dyan. Kung ano ang result, positive man or negative, tanggapin mo" saad ko pa at mabilis siyang tumango at napahinga ako ng malalim bago ako umalis kasama siya pabalik sa labas ng barko.

Pag balik namin dun, nakita agad namin si Elias na may mga babaeng kausap at may ilang lalaki na kasama at hindi sila pamilyar sa akin

"Busy siya ngayon, wag muna. Mamaya na" sabi ko sa kaniya

"Okay, focus muna tayo sa trabaho" sabi niya sa akin at pumunta na siya sa pwesto niya at habang ako ay palakad lakad sa gilid ng barko.

Baka kasi may mga nasira sa barko at kapag may nasira, dapat agad namin ito ayusin.

"Miss" pag tatawag sa akin ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay 8 years old na sobrang cute

"Why, little cutie boy?" Tanong ko

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon