CHAPTER 70

246 10 4
                                    

Mary POV

Oh gosh, nagawa ko talaga yun kagabi? Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko kung bakit ko pinahirapan ng ganon si Celestine, I mean yung peke. Basta simula nung sinabi kong mag hihiganti ako sa babaeng yun, parang nag karoon ako ng alter ego. Umiba ang ugali ko dahil meron lang akong isang bagay na gustong magawa at matupad. Pag kagising ko ngayong umaga, unti unti na bumabalik sa utak ko ang mga pinag-gagawa ko kagabi at nakakaramdam na rin ako ng pagsisisi sa ginawa ko. 

Hindi ko dapat ginawa yun kasi alam kong wala namang kasalanan yung anak niya pero hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili ko. Yung kagustuhan ko na makapag higante sa babaeng yun at saktuhan lang talaga na nung pinainom namin siya ng DMT ay tunay ngang buntis siya kaya nag pahanda agad ako sa mga tauhan ni Dwayne ng abortion pill.

Ngayon, bumalik na ako sa wisyo, halos gusto ko na saktan ang sarili ko dahil sa mga ginawa kong masama sa pekeng babaeng yun. Pero, wala na akong magagawa dahil nangyari na. Namatay na panigurado ang anak niya at kasalanan ko yun. Pero kung tutuusin ay quits na kami kaso buhay pa rin ang pinag uusapan dito. Kahit papaano ay naaawa ako sa batang nawala sa tyan ng babaeng yun.

"Mary, may pagkain akong iniwan sa lamesa, kainin mo na lang" sambit ni Lucy na kalalabas lang sa banyo kaya naman napahinga ako ng malalim bago nagsalita

"Are you free this day?" tanong ko sa kaniya sabay tingin nito sa akin

"Day off ko ngayon sa trabaho kaya free ako" gulat na sagot nito sa akin na tila'y hindi siya makapaniwala sa inasta ko sa kanya ngayon

"Can we talk privately?" tanong ko sa kaniya at isang malawak na ngiti ang natanggap ko sa kaniya

"Sure, wait I'll buy some snacks" excited nitong saad at agad umalis ng dorm namin kaya napahinga ako ng maluwag

I'm so thankful to her, kahit iba ang pakikitungo ko sa kaniya noon ay hindi siya nag sawa na manatili sa tabi ko at hindi ako iniwan kahit pinag tatabuyan ko na siya. I'm so luck to have her as my bestfriend, I think she deserves to know all the things the I hide from her from the very start until this day. Hindi ko alam kung paano o saan ko sisimulan ang pag papaliwanag sa kaniya pero sana kapag natapos ko ang pag kwekwento sa kaniya, hindi pa rin mag bago ang pakikitungo niya sa akin at hindi ako iwan lalo na sa kasalanan na ginawa ko kagabi.

Nang makabalik na siya sa dorm namin ay sobrang daming pagkain ang binili niya, kasama na dun yung mga paborito kong snacks lalo na yung vanilla ice cream.

"Are you now willing to open up on me?" tanong nito sa akin at ngumiti na lang ako sa kaniya

Nag simula ako mag kwento sa kaniya mula nung bago ko makilala si Dwayne, kung paano ako naging involve sa pagkamatay nung pinapapatay sa akin nito na si Gabriel, kung paano nakuha ni Dwayne ang virginity ko, kung paano ako naging involve sa pag papasabog nung barko, kung paano ako naging involve sa pamilya ni Dwayne lalo na kay Luke, Dun sa pag bubuntis ko at kung paano namatay ang anak ko hanggang sa pag hihiganti ko sa pekeng Celestine at pag patay ko dun sa anak niya bilang ganti sa pagkawala ng anak ko.

Habang nag kwekwento ako ay nakikinig lang sa akin si Lucy habang pinaprocess ang lahat ng mga impormasyon na sinabi ko sa kaniya. Nababasa ko sa kaniyang mukha ang iba't ibang ekspresyon nito sa bawat pangyayari na sinabi ko sa kaniya. 

"So, yun ang buong kwento ko sa mga sikretong hindi ko sinabi sayo dahil natatakot ako na mahusgahan mo ako" huling saad ko sa kaniya habang siya ay tulala pa rin sa mga sinabi ko at halos hindi na siya makakain ng matino dahil sa mga nalaman niya

"I'm speechless, Mary. Lahat ng yan ay nangyari sayo nang hindi ko man lang nalalaman o nahahalata? I don't know what to say to you anymore" sabi nito sa akin na ikinatawa ko

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon