CHAPTER 58

318 13 5
                                    

Lucy POV

7 am na ng umaga kaya napabangon na ako mula sa pagkakahiga. Inaantok pa ako pero kailangan ko mag luto ng makakain ko o hindi kaya ay bumili. Ayaw ko naman maging palamunin sa bahay na 'to.

Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ay agad ako bumaba para pumunta sa kusina ngunit malayo pa lang ay may naaamoy na akong mabango kaya sinundan ko lamang ito.

Pag punta ko sa kusina ay nakita ko si Mary na nag luluto ng fried rice, meron din akong nakitang hotdog, itlog at ham na nakalagay sa lamesa kaya naman napalapit ako sa kaniya.

"Good mood ka ngayon ah, anong nangyari sayo?" Tanong ko at ngumiti lamang siya sa akin habang hinahalo yung fried rice na niluluto niya

"Wala naman, parang gusto ko ng ganitong pagkain eh, cravings kumbaga" sabi nito sa akin na ikinataka ko

Cravings? This is another clue to know if she's pregnant

Nang matapos siyang mag luto ay agad niya inihain ang pagkain sa lamesa at naupo sa upuan.

"Ano pa hinihintay mo dyan? Pasko?" Tanong nito at napatawa na lang ako ng mahina

"Oo na, kakain na ako" saad ko at lumapit sa kaniya

Habang nagkakain kaming dalawa ay napapansin ko sa mukha niya na hindi ko maipinta ang nangyayari sa kaniya. Mag sasalita sana ako para mag tanong kung ayos lang ba siya kaso bigla itong dali daling tumakbo papaalis ng mesa kaya agad ko siyang sinundan sa banyo.

Nakita ko siyang sumusuka kaya agad akong napalapit sa kaniya at hinimas himas ang kaniyang likod

"Ayos ka lang ba? May nakain ka yatang hindi maganda ngayong araw" sabi ko sa kaniya at patuloy pa rin siya sa pagsuka kaya hinayaaan ko na lamang muna siya hanggang sa nahimasmasan na siya

"Ang sama ng pakiramdam ko, Lucy." sambit niya sa akin

"Gusto mo pumunta tayo ng hospital? Baka may nakain kang panis o di kaya ay may sakit ka na dyan" sabi ko sa kaniya at umiling lamang siya

"Hindi na kailangan, itutulog ko muna ito" sabi nito sa akin at umiling ako

"Baka mapano ka pa dyan, punta na tayo sa hospital para kung may sakit ka man, maagapan pa" saad ko sa kaniya at mahina siyang napatawa

"Ano ka ba, masyado kang nago-overthink. Matutulog lang ako mamaya tapos ayos na rin panigurado ang pakiramdam ko" sagot nito ngunit hinawakan ko ang kamay niya sabay abot ng pregnancy test and she look at me so confused

"What's the meaning of this? You want me to use this pregnancy test? I told you, Lucy I'm not pregnant. Sumuka lang ako tapos buntis agad? Bawal bang masama lang talaga ang pakiramdam?" Saad nito sa akin at halatang halata sa mukha niya ang paninindigan sa sinabi niya

"Tsk fine, iiwan ko ito sayo. Bahala ka na kung itatapon mo pero I just to warn you, if you're pregnant, don't abort it," huli kong saad at agad akong lumabas ng banyo

Mary is a person who will do everthing for her sake and safety. If she is pregnant, I know she will try to abort it at yan ang ayaw kong gawin niya.

Third Persons POV

Nang maiwan mag-isa si Mary sa banyo ay napatingin siya sa pregnancy test na hawak niya at napaisip ng malalim. Idinadalangin niya na sana ay hindi siya buntis. Hinding hindi siya mag papabuntis lalo na kung si Dwayne ang magiging ama. Takot siya sa responsibilidad bilang ina pero mas takot siya na kung buntis nga siya, iiwan siya ni Dwayne o hindi kaya ay kukunin ang anak niya mula sa kaniya.

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon