CHAPTER 24

330 11 0
                                    

Mary's POV

Kararating lang namin sa Grand Cayman Island, agad akong umalis ng submarine dahil nauurat na ako sa loob. Ang sikip dun masyado, ang hirap gumalaw.

Pag labas namin ng submarine halos  magulat ako sa nadatnan ko sa isla. Ang daming mga military forces ang nag kakalat at sinasalubong si Dwayne pati na rin ng mga reporters. Siguro nakarating na din sa media ang nangyaring pag sabog ng isang cruise ship dahil sa bomba.

Nasabi rin sa akin ni Elias kanina na lumubog daw ang barko kasama ang mga assassins. Some of them survive the incident but most of assassins died because of the bombs. Tsk, bakit hindi pa silang lahat namatay. Paano nakasurvive yung iba dun? Akala ko ba lahat ng mga bagay na pwedeng sakyan nila ay sinira nila? Paano nakasurvive yung iba dun?

"Mary, dun na daw tayo airplane papuntang Mexico" biglang sulpot ni Lucy mula sa likuran ko

"Saan yung airplane?" Tanong ko

"Follow me ladies" sabi ni Elias mula sa gilid namin at nauna na sa amin nag lakad kaya sinundan na namin siya papaalis

"Teka, si Dwayne? Hindi ba siya susunod?" Tanong ko habang nag lalakad kami

"Kinakausap siya ng media, siya na ang bahala sa pag lilinaw ng mga nangyari sa loob ng barko" sagot sa akin ni Elias kaya napatango na lang ako

Oh well, panigurado puro kasinungalingan lang naman ang sasabihin niya sa media.

Nang makarating na kami sa isang malaking airplane ay agad kami pumasok dun at naupo sa isang tabi. Si Elias ay pumunta yata sa first class seat kaya naiwan lang kami ni Lucy dito sa pang normal na upuan.

Mula sa loob ng airplane ay kitang kita namin ang ganda ng Grand Cayman Island, sayang hindi ko pa masisilayan ang ibang parte ng isla. Panigurado magaganda ang tanawin dito. Hayst, kung makakapag stay lang sana pa ako dito ng matagal at makabili ng souvenier para sa orphana----oh god! I almost forgot, wala pala akong pera. Lahat ng pocket money ko ay naiwan ko sa barko p-pati y-yung....... oh fuck! Pati yung ATM at cellphone ko ay naiwan din sa barko.

Oh god! Walang wala na ako ngayon! Kahit konting centimo ay wala ako. Paano na ako nito ngayon? Yung sa ATM, mapapalitan ko pa yun sa bangko ganun din sa cellphone pero yung pocket money ko, hindi! Wala akong pera, paano ako makaka-withdraw nito. Pupunta pa kami sa Mexico. Oh God, Lord! Patayin niyo na lang ako! Ang hirap ko ngayon.

"Bes, Mary, bakit ka balisa dyan?" Tanong ni Lucy sa akin

"Wala na ako pera" sabi ko sa kaniya at kumunot ang noo niya at mukhang nag tataka siya sa sinabi ko

"Huh? Walang pera? Bakit?" Takang tanong niya

"Naiwan ko yung ATM ko sa barko" tanging saad ko at nanlaki ang mata niya bigla sa sinabi ko

"Wait! Same tayo! Wala akong dalang pera ngayon! Wala akong pera, cellphone, damit lalo na yung ATM" gulat niyang saad kaya napahinga ako ng maluwag

"Bakit ganyan reaction mo? Pati nga ako nawalan na rin oh" saad nito sa akin

"Eh kasi naman, at least alam ko na hindi lang ako ang nag iisa" patawang saad ko sa kaniya pero deep inside, nag luluksa na talaga ako sa pag kawala ng pera ko.

"Paano na tayo nyan?" Sabay namin na tanong sa isa't isa at parehas kami nag katitigan

"Umutang na lang tayo sa mga kasama natin sa eroplano" saad nito sa akin kaya tinawanan ko siya

"Sa tingin mo ba, may pera sila? Eh mukhang naiwan din nilang lahat ang mga pera nila sa barko eh" natatawa kong saad kaya mas lalong naging katawa-tawa ang mukha ni Lucy

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon