CHAPTER 12

391 10 1
                                    

Lucy POV

O to the M to the G!

May dinner date na ako with crushie... shocks!

"Lucy, tama na yang pag ngiti mo ng malapad, nag mumukha kang baliw sa lagay na yan" sabi naman ng best friend ko sabay upo sa isang korean restaurant dito sa ship

Dito kasi kami inaya ni crushie na mag dinner at saktong gusto ko ng maanghang ngayon edi syempre pumayag agad ako.

"Ano ka ba, first time ko siya makasama sa isang dinner, sino ba naman ang hindi kikiligin, diba?" Saad ko sa kaniya at muling kumuha ng suklay at sinuklay ko ang aking buhok sabay lagay ng pabango sa buo kong katawan

"Ang bilis niyo naman" sabi ng isang poging boses kaya bigla ko nakagat ang labi ko

"Good evening sir Elias" saad ko sabay harap sa kaniya na may ngiti sa labi

"Just call me by my name. You don't have to be formal, Lucy" ngiting saad nito at nafeel ko na gumaganda sa pandinig ko ang pangalan ko dahil tinawag niya ito

Nang makaupo siya ay biglang dumating yung kapatid niya na nalunod kanina na may kasamang panibagong batang lalaki at parehas naupo sa harapan namin

"Ikaw yung kanina diba?" Tanong ni Mary sabay turo dun sa isang batang lalaki na hindi ko kilala.

"Opo, ako nga po pala si Chester Austin Luxen Montreux" magalang na saad nito na ikinangiti ko

" Ang cute mo naman, Chester" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin

Hayst, siguro kung kasing age ko siya, crush ko na siya. For sure, pogi yan kapag lumaki na

"Jordan" biglang tawag ni crushie

"Ahh.. ahm.. I'm Jordan Kendrik Mykel Guevarra" sabi ni Jordan kaya naman nginitian ko siya ng sobrang tamis

"Ako si Ate Lucy Makerine Wales, just call me Ate Lucy" pag papakilala ko sa mga bata

"At ako naman si Ate Mary Viatrixe Xylline Monteverde" pag papakilala ni Mary

"Tara, order na tayo" pag aaya ko sa kanila

"Wait, may isa pa tayong kasama" sabi pa nito na ikinataka ko

"Bakit? Sino pa ba hinihintay?" Tanong ni Mary at biglang lumapit sa amin si.... Master Dwayne at umupo sa tabi ni Crushie.. teka ano ginagawa nito dito? The famous Master Dwayne is right here in front of me.

Am I dreaming?

"Good evening Master Dwayne" magalang kong saad at siniko ko si Mary dahil hindi niya man lang binati si Master Dwayne

"Huy, bumati ka sa kaniya. Its an honor to have dinner with him" sabi ko sa kaniya at kumunot ang noo niya kaya kinurot ko braso niya

"Ah sorry, Good evening M-M-Master D-Dwayne" saad nito na ikinagulo ng utak ko hayst bahala na, baka guni guni ko lang

"Go on, order na kayo. Ako na ang bahala sa bill natin" sabi naman ni crushie

"Nakakahiya naman kung ililibre kami, kaya naman namin mag bayad" saad ko

"Oo tama si Lucy, may pera kami pang bayad. No need na sa libre" sabi naman ni Mary

"No its okay, ako na mag babayad, wag na makulit" sabi nito at napatahimik ako

Ano ba yan, kala ko dinner date na namin tapos ang dami namin kasama sa table.

May waiter na lumapit sa amin sabay bigay ng menu kaya naman kinuha ko ito at nag hanap ng pagkain na gusto ko.

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon