CHAPTER 1

629 15 0
                                    

Mary POV

Kanina pa ako nakatunganga at nakatingin sa kawalan.

Paano na 'to? Hindi ako makaalis dito. Ang tagal dumating nung bwisit na lalaking yun. May On the Job Training pa ako sa isang sikat na Cruise Line Company dito sa pilipinas.

Kung tama ang pagkakatanda ko ay Oceanseal Cruise Line yung napag applayan ko at isa ito sa pinapangarap kong matrabahunan na kompanya.

Bata pa lang ako ay pinapangarap ko na maging Seawoman at makapasok sa mga malalaking cruise ship kaya pinasok ko ang ganitong trabaho. At isa pa lumaki ako sa bahay ampunan kaya kahit papaano, kapag nag katrabaho na ako, gusto ko mag donate ng pera para sa mga bata.

"Hayst, I need to get out of here. Kung hindi ako makakaalis dito, sayang ang opportunity ko sa Oceanseal Cruise Line" mahina kong salita at napabuntong hininga

Scholar lang ako kaya nakapag OJT ako  sa Oceanseal at buti na lang nakapasa ako kaya naman hindi ko palalampasin ang pag kakataon kong ito.

Lumakas ang buntong hininga ko at kasabay nito ang pag pasok ng isang lalaki sa kwarto kaya naman bigla ako napatayo mula sa pagkakaupo sa sahig at laking gulat ko na si err.. sino nga ulit siya?

Dan? Den? Denver? Dw-- yun Dwayne

"Please let me out, may OJT ako next week sa Oceanseal Cruise Line. Ngayon lang ito mangyayari sa akin at isa pa, Scholar lang ako. Lahat ay libre kaya makakapag OJT ako. Please let me out" mabilis kong saad sabay luhod sa harap niya

Kahit mataas ang pride ko ay ibababa ko ito basta matuloy lang OJT ko.

"Tsk be thankful because my work next week will be in that ship, if not, I will not allow you" he said na nakapag paliwanag ng mukha ko

Pero teka, ano sabi niya? Kung hindi sa Oceanseal ang OJT ko edi hindi niya ako papayagan? Ano ko ba siya? Bakit siya pa nag dedesisyon sa buhay ko?

"May I go out? May dalawang pusa pa na nag hihintay sa akin sa apartment ko. Hindi ko pwede yun pabayaan" saad ko sa kaniya

Hayst, bakit ba ako nag papaalam sa kaniya? Buhay ko naman 'to kaya buhay ko, desisyon ko.

"Pack your things when you go home, you will stay here in this mansion with your little pets" he said that makes my eyes wide open

"Ha? I will stay here? No need, may sarili akong apartment. Sapat na yun sa akin. Hindi ko kailangan ng bahay mo" saad ko sabay irap

"You're going to an OJT next week, what about your pets, how will you take care them?" Tanong nito na ikinataas ng kilay ko

"Wala ka ng pakialam dun. Teka nga, bakit ka ba nangingialam ng buhay ng buhay ng iba?" Naiinis kong saad

"Ronald give you to me, I own your life starting today and you can't escape me" he said that makes me more irritate

"Ang kapal naman ng mukha mo, hindi ako bagay para pag pasapasahan lang. You can't own my life just because you want it you jerk" iritable kong sabi

"At isa pa, hindi ko nga kakilala yang Ronald na yan. Wala siyang karapatan na ibigay ako sayo. Ilang beses ko na ba yan inuulit sayo!" Pasigaw kong saad sa kaniya

"You will pack your things or I will burn your house with your stupid cats" saad nito at bigla nag bago ang pananalita ko sabay takbo papunta sa pintuan

"Sabi ko nga, mag iimpake na ako. May mag hahatid ba sa akin papunta sa apartment ko? Tyaka may cage ka? Doon ko ilalagay yung dalawa kong alaga" pilit kong ngiti sa kaniya sabay kagat ng labi

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon