CHAPTER 75

219 12 10
                                    

Mary POV

Mag kasama kami ngayon ni Lucy sa isang sobrang laking kwarto. Hindi ko kayang matulog sa ganitong kalaking kwarto kaya nakiusap ako sa kapatid ko kung pwede na isama ko si Lucy sa kwarto total naman sobrang laki nito para lang sa akin.

"Oo nga pala, dumating na yung ball gown na susuotin natin para sa succession ceremony ni Kaiden next week" sabi nito sa akin habang kumakain siya ng popcorn at nanonood sa sobrang laking tv

"Maka-Kaiden ka ay parang close kayo ng kapatid ko ah" natatawang saad ko sa kaniya

"Ano ka ba, ayos lang yan. Tayo lang naman ang makakarinig unless mag sumbong ka" sagot sa akin nito at muling ibinaling ang atensyon sa horror movie na pinapanood namin

"Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na yung buhay ko. Sa isang iglap lang ay parang hindi ko na kailangan mag trabaho kasi buhay prinsesa na ako dito" natatawa kong sambit sabay higop sa grape juice na nasa harapan ko

"Mas hindi ako makapaniwala na si Elias ay pinsan mo. Grabe! Napakaliit na mundo natin" tugon nito sa akin at kahit ako hindi rin ako makapaniwala dahil ang buong akala ko lang ay talagang business man lang siya tapos yun pala parte rin siya ng isang royal family

Nung nag karoon kami ng mini welcome party noong nakaraang araw, nasabi sa akin ni Kuya Kaiden na pinsan ko daw si Elias at halos masamid ako sa sinabi niya. Grabe makipag flirt sa akin noon yung lalaking yun tapos bigla ko na lang malalaman na pinsan ko pala.

"But set aside that, hindi ka na ba mag tatrabaho sa Oceanseal?" tanong nito sa akin kaya mabilis ko siyang sinagot

"Yan ang pinag iisipan ko pa. Parang gusto ko mag focus sa pag papatayo ng business at kapang boring na boring ako sa buhay ko, babalik ako sa Oceanseal and after that mafocus ulit ako sa business vice versa" sagot ko sa kaniya  at napanguso siya sa sinabi ko

"Anong business naman ang ipapatayo? Wala ka namang alam sa mga business na yan eh. Hindi ka naman nag kuha ng course ng Business Administration. Alangan naman mag-aral ka ulit" nakanguso muli nitong sabi at halatang ayaw nito mapahiwalay sa akin kaya hinila ko siya at pinaharap sa akin

"Magkikita pa rin naman tayo kahit mag karoon ako ng sariling business. Wag kang O.A" I seriously said to her and she suddenly hit me on my head 

"So, ano ngang business yan? Baka kailangan mo ng tulong mula sa magandang best friend mo" nakangiti nitong sabi sa akin at napatawa na lang ako sa inasta niya

"Maybe Cosmetics and Restaurants. I already mentioned this to my brother and he said that he will handle it and after that he will let me manage it as long as I give my ideas for my future business" sabi ko sa kaniya at napatango siya sa sinabi ko

"Then, what about the fake one? Kalat na Kalat na sa social media na peke yung kinikilalang Celestine at syempre hindi rin nawala sa balita yung tungkol sa pag dating mo bilang tunay na Celestine. For sure, hindi ito palalampasin ng kung sino mang kakuntsaba ng babaeng yun" lintanya nitong sabi sa akin

"Well, they already predicted this that's why they already made a plan. They said that someone might kidnap me because the fake escaped from their hands" sabi ko sa kaniya at halos mapanganga si Lucy sa sinabi ko

"What? Escaped? Since when?" gulat na tanong nito

"Yesterday. Actually, We planned to let her escape so that when she informed the mastermind of our problem, we would be alarmed"  sagot ko sa kaniya at napahinga siya ng maluwag

"Akala ko pa naman bad news yung pag takas niya yun pala ay planado" sambit nito sa akin 

"Well, I'm the one who suggested this to Dwayne. At first, he didn't want to get her loose but I argued with him and finally, he agreed with me" sabi ko sa kaniya at napatango na lamang ito

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon