CHAPTER 42

326 9 0
                                    

Mary POV

"Oh right! Lets do another makeover!" Sigaw ni Lucy habang tinititigan ang halos 20 sets ng bikini at 20 na cardigan.

"Ma-attend pa ba tayo? Tinatamad ako" nakanguso kong saad sa kaniya and she look at me while holding my shoulders tightly.

"This is once in a lifetime opportunity, Mary. Hindi ko ito palalampasin kahit anong mangyari. Minsan lang ako makakapunta sa gantong okasyon kaya pupunta tayo" seryosong saad nito at binitawan na niya ako at tumingin muli sa mga bikinis.

Actually, galing kay Luke lahat ng mga bikini na ito kasama na rin yung mga cardigan. Sabi ko sa kaniya, bibili na lang kami sa mall kaso ayaw niya pumayag. Nag tawag pa talaga siya ng mga fashion designers para lang makahanap kami ng nababagay na bikini sa amin.

"The black one suits you better. Bagay na bagay sa maputi mong balat" suggestions ko sa kaniya sabay turo dun sa bikini na sa tingin ko ay nababagay sa kaniya.

"Okay, I'll take your suggestion" sabi nito at pumasok ng banyo para isukat ang bikini habang ako naman ay kinuha ang isang red bikini na pinatungan ng red cardigan. 

Hindi ko na hinintay si Lucy na matapos mag bihis dahil konting minuto na lang ay aalis na kami. Masyado kaming natagalan sa pag pili kaya hindi na rin namin namalayan ang oras. Buti na lang talaga ay nakapag lagay na kami ng light makeup kaya di na kami matatagalan pa.

Pag katapos ko mag bihis ay tumingin na agad ako sa jewelry sets na nakalagay sa center table. Kumuha ako ng white gold jewelries at agad ito isinuot. Kinuha ko na rin ang silver heels na nakalagay sa ilalim ng center table at mabilis itong isinuot.

Maya-maya lang ay lumabas na rin si Lucy sa C.R at abot langit ang ngiti nito na ikinataka ko. Bakit ganun ang ngiti niya? parang may ibang ginawa sa banyo kaya ang tagal niya lumabas

"Anong nangyari sayo? para kang baliw diyan na pangiti-ngiti" saad ko habang nag susuot na siya ng mga alahas

"Ka videocall ko kasi si Elias, sabi niya bagay daw sa akin yung outfit ko hihi" kinikilig nitong sabi sa akin

"Videocall? ang lapit lapit niyo sa isa't isa kailangan pa talaga mag videocall? nasa kabilang kwarto lang siya, remember?" inis kong sabi sa kaniya

"Inggit ka lang kaya ka ganyan" sabi nito at halata sa boses niya na mas lalo niya akong pinapainis

"Sabihin mo nga sa akin, nakipag videocall ka ba kanina habang nag bibihis ka?" tanong ko and she look at me with her naughty smile. Ibig sabihin tama nga ako sa hula ko. Hayst, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa babaeng 'to. 

Simula nung makilala niya yang lalaking yan, handa na niyang ibenta ang sarili sa lalaking yun. Argh! mas lalo akong naiistress sa babaeng 'to

"Let's go na, sabi ni Elias kanina pa daw nila tayo hinihintay sa parking lot" sabi nito sabay bukas ng pinto ng kwarto kaya sinundan ko na lang siya hanggang makarating sa parking lot

Pag dating namin dun ay agad kong nakita si Charlotte na may suot na golden bikini at kahit nasa malayo, kitang kita ang kakinangan nito. 

"Where's the guys?" takang tanong ko

"I don't know, they just left me here and they said they will get something" sagot nito sabay bukas ng black limousine

"Come on, get in" nakangiti nitong saad kaya naman agad kami pumasok doon at sa pag upo ko pa lamang sa malambot nitong upuan, nakakarelax na agad.

Grabe ito pala ang feeling na makasakay sa isang limousine na nakikita ko lamang sa internet. Feeling ko tuloy ang yaman ko na sa lagay na 'to.

"Finally nandito ka na rin" biglang saad ni Lucy sabay salubong ng yakap kay Elias na kapapasok lang sa loob ng sasakyan

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon