CHAPTER 8

466 16 1
                                    

Mary POV

Argh! Ang sakit ng katawan at ulo ko. Ano ba nangyari kagabi?

Bigla ako napabangon mula sa pag kakahiga at dun ko naramdaman lalo ang sakit ng katawan ko.

Napatingin ako sa paligid ko at sa tingin ko, kung tama ang pagkakaalala ko ay ito yung Master VIP Room.

Hala! Nag katulog ako dito! Shet!

Wala naman siguro nakakita na pumasok ako dito 'no?

Sa sobrang sakit ng ulo ko ay wala na ako matandaan kagabi. Basta ang alam ko after ko basagan ng vase si Gabriel ay nakatakas na ako sa kaniya pero dahil hilong hilo ako ay pumasok ako sa isang kwarto at dun natulog.

Tatayo sana ako kaso bumalagta ang katawan kong walang saplot na mas ikinagulat ko. Natulog ba ako ng hubad? Sabagay, naiinitan ako kagabi dahil sa nainom ko kaya siguro nag hubad na ako dito.

Kahit litong lito na ako ay nag bihis na lang ako sabay tingin sa orasan na nakalagay sa dingding.

Shet 9:00 am na, late na ako!

Mukhang wala namang nakaassign na tao sa kwartong 'to dahil sobrang linis at para bang walang tao na nag book sa kwartong ito kaya sa tingin ko ay safe naman ako na makaalis dito.

Mabagal kong binuksan ang pinto ng kwarto at pansin ko namang walang tao kaya naman dali dali akong umalis kwarto na yun at tumakbo papunta sa dorm namin.

Pag pasok ko dun ay wala na sina Lucy kaya nakahinga ako ng maluwag. Buti wala si Lucy lalo na yung ibang karoom mate namin dahil panigurado hindi ko alam kung paano ako mag eexplain sa kanila kung bakit ganito kaikli ang suot ko.

Agad ako naligo sa loob ng CR at habang naliligo ako ay napansin kong ang daming red spots sa leeg at dibdib ko.

Nakagat ba ako ng insekto? Or langgam? Hayst, mukhang mag lalagay ako ng makeup sa red spots na 'to. Sayang ang kutis ko at nakakahiya kapag nakita ito ng ibang tao.

After ng morning routine ko ay nag bihis na agad ako sabay alis ng dorm. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa pwesto ko sa barko ay nakasalubungan ko si Lucy na may lungkot sa mukha

"Lucy, what happ---"

"Saan ka galing kagabi? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Nag aalalang tanong nito kaya napakunot ang noo ko

Ano pinag sasabi nito? Nababaliw na ba siya?

"Nag katulog lang ako sa labas ng barko, tapos pag balik ko para kang balisa" pag sisinungaling ko sa kaniya

"Namatay daw kasi si Mr Gabriel dahil sa putok ng baril. Maraming staffs ang kinakabahan dahil hindi ito pwede malaman ng ibang bisita" bulong nito sa akin na ikinagulat ko

Putok ng baril? Sure ba siya?

"Akala ko dahil sa vase siya namatay" pag tataka ko dahil yun talaga ang ginamit ko kay Gabriel at kahit ako kinakabahan na baka malaman nila na ako ang gumawa

"May vase na basag dun pero naconfirm ng staff na may gun shot ito sa noo niya" saad pa nito na mas lalo kong ikinakaba

What if mag inve---

"Iniimbestigahan na ito ng mga pulis na nag papanggap na bisita dito sa loob ng barko" dagdag pa nito na mas lalo kong ikinakaba

What if malaman nila na ako? Should I seek help to Dwayne? Total siya naman nag utos sa akin nun. Pero what if ireveal ko na inutusan lang ako ni Dwayne? Kaso kapag sinabi ko yan parehas lang kami makukulong

Oh my god, ngayon lang nag sink in sa utak ko ang ginawa kong krimen kagabi

"Mary, we need you" biglang sabi ni Chief Bolton mula sa likod ko at kumabog ng mabilis ang puso ko

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon