CHAPTER 16

370 15 0
                                    

Mary's POV

Napatingin ako sa relo ko at dun ko nakita na malapit na mag 6 pm at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tapos mag linis

"Dustin at Elara, pwede ba na kayo na muna ang mag linis? Nahihilo kasi ako ngayon" pag dadahilan ko sabay kapit sa ulo ko

"Sure, pahinga ka muna kung di mo na kaya" sabi ni Elara kaya napangiti ako sa harap niya

"Sige na umalis ka na, istorbo ka sa quality time namin ni Elara" sabi ni Dustin at tinaasan ko siya ng kilay at hinampas naman siya ni Elara

"Quality time? Quality time na ba yung pag lilinis?" Saad ko at napatawa na lang si Elara

"Sorry, Mary, wag mo na lang pansinin itong lalaking 'to. Sige na umalis ka na" saad ni Elara at napatango na lang ako at agad sila nilisan.

Dali dali akong pumunta sa dorm namin at bigla ko napansin na merong malaking box na nakalagay sa kama ko at nakita kong sa akin yun nakapangalan.

Mabilis ako pumunta sa CR para mag hilamos ng mukha at labar na din ng katawan. Pag katapos ko ay agad ako lumabas habang suot ang tuwalya at agad binuksan yung box.

Nakita ko agad yung black tube fitted dress at sinuot ko na agad ito sa katawan ko. Kinuha ko na din yung isang pares ng black high heels at sinuot. Napatingin ako sa salamin sa gilid at dun ko nakita ang magandang hubog ng katawan at kaputian ko sa suot kong dress.

Muli ako napatingin sa orasan at 6:30 na agad kaya naman dali dali na akong kumuha ng makeup kit ko at nag lagay ng light make up sa mukha ko. After nito ay sinuot ko na agad ang masquerade mask na kasama dun sa box.

I think ready na ako kaya naman agad na ako umalis papunta sa bar. Pag pasok ko pa lang dun ay puro alak na naaamoy ko at mga sigarilyo na din.

Hinanap ko agad sa gilid yung room 13 at sa pag pasok ko ay may nakita akong limang lalaki at may apat na babae na nasa gitna at may suot ding maskara kaya napalunok ako.

Those girls are looks like hostess of this bar at sa suot ko ngayon, mag mumukha akong kasama nila sa trabaho.

Nang makalapit na ako sa kanila ay doon ko namukhaan yung mga lalaking nakaupo.

Sa gilid, naroon yung Alex at may katabi siyang dalawang lalaki na hindi ko kilala pero sa tingin ko ay businessman din sila. Sa tabi naman ay nandun si.... Elias.

At mas lalong kumabog ang puso ko na makita ko na naroon si Dwayne.

Ow shet! Hindi naman nila ako nakikilala diba?

"The five hostess are now all here" sabi ni Alex na mas lalo kong ikinakaba

"This is my girl" sabi ni Alex sabay hila sa akin papaupo sa lap niya.

"Then she's mine"

"Ok fine, this girl is mine"

"This cute girl is mine" rinig kong sabi ni Elias

"Then I'll be your partner, Master Dwayne" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Sa tingin ko ay siya yung Mandy kanina na may masamang balak kay Dwayne.

"Be a good girl, babe" bulong sa akin ni Alex at napakagat ako ng labi ko

"Let's take a toast for this wonderful meet up with beautiful women" sabi nung lalaki na sa tingin ko ay mga nasa 30+ na.

Meron siyang alak na binigay sa apat na lalaki na nasa loob ng kwarto at parehas nila ito ininom.

"Oras na para makilala natin ang mga babaeng nasa harapan natin" sabi nung isa pang lalaki kaya mas lalo ako napalunok.

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon