CHAPTER 18

483 15 2
                                    

Mary's POV

Argh! Ang sakit na naman ng katawan ko.

Agad ako napabangon mula sa pag kakahiga at inunat ang kamay. Naramdaman ko na wala akong saplot na damit kaya biglang bumalik sa utak ko ang nangyari kagabi at hindi ko maiwasan na  ikahiya ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Dwayne.

Napalingon ako sa paligid ng kwarto at napansin ko na familiar yung kwarto. Kung tama ang pag kakatanda ko ay dito ako nagising last time at masakit rin ang katawan ko nun.

Hindi kaya......... argh ayaw ko na alalahanin ang gabing yun. Wala talaga ako matandaan pero alam kong itong kwarto na ito ang nadatnan ko pag gising.

Tinignan ko ang kama at wala doon si Dwayne. Tinignan ko na rin ang buong paligid ngunit wala siya.

Iniwan niya ba ako habang nakahubad ako? Paano kapag may pumasok na room service? Edi makikita pa nila akong walang damit at nakahiga sa kwarto ni Dwayne edi mas lalaki ang gulo namin nito.

Tatayo sana ako mula sa pag kakaupo pero bigla ako napaupo ulit. Ang sakit talaga ng katawan ko at parang lalagnatin pa ako. Napansin ko rin sa salamin na punong puno ako ng mga pulang dots, mula leeg hanggang paa kaya napahinga ako ng malalim. Last time, ito rin nadatnan ko nung galing ako sa kwartong ito.

Kung tama ang pag kakaalala ko ay iniwan ito na marka ni Dwayne sa katawan ko kaya masasabi kong hickeys ang tawag dito. Wait...  kung hickeys ito, edi nung nakaraan ay hickeys din yun at hindi kagat ng insekto? Ibig sabihin may nangyari din sa amin noon ni Dwayne at hindi ko lang natandaan? This is Dwayne's room at noon hubad din ako at walang saplot, masakit din ang buo kong katawan kaya masasabi kong may nangyari nga.

ARGH! Bakit ganito ka na Mary! Bakit mo inalay ang sarili mo sa lalaking yan?

Kahit masakit ang katawan ko ay pilit ko itinayo ang katawan ko at isinuot ang bra at panty ko kaso wala akong damit. Punit na yung damit ko kagabi at ayaw ko naman tawagan si Lucy para dalhan ako ng damit dahil panigurado malalaman niya ang pinag gagawa ko kagabi. Pero paano ako aalis dito? Wala akong damit.

Bigla ako napatingin sa closet ni Dwayne kaya dahan dahan ako nag lakad papunta sa closet at binuksan ito. Bumungad naman sa akin ang puro panlalaking damit at ni isa sa mga ito ay walang kakasya sa akin dahil sobrang laki nila para sa akin.

Hayst... bahala na nga.

Kinuha ko yung jogging pants at isang white tshirt at isinuot ko ito sa katawan ko.

Paalis na sana ako kaso biglang bumukas ang kwarto at balak ko sana mag tago kaso huli na ang lahat.

"Ano ginagawa mo dito, Mary?" Sabi ng isang pamilyar na tinig at alam ko na kung sino 'to

"Nag gegeneral cleaning ako" saad ko sabay harap kay Lucy

"Diba sa Front Desk ka ngayon?" Takang tanong niya at napalunok ako

"Tyaka, sayong damit ba yang suot mo? Ngayon ko lang yan nakita" sabi pa nito

"Oh sorry, I forgot. Ikaw bakit ka nandito?" Pag babago ko sa topic namin

"Naka assign ako dito para mag linis tapos biglang aagawan mo pa ako dito" sabi pa nito kaya pekeng tumawa ako

"Actually, nag bibiro lang ako. May nakita kasi akong pusa na pumunta dito kaya sinundan ko lang para ibalik sa amo, pinapahanap kasi siya sabi nung isa kong kasama sa front desk" pag sisinungaling kong sabi sa kaniya at pumasok na siya sa kwarto at luminga-linga

"Bakit may punit na damit dito?" Tanong nito kaya bigla akong kinabahan

Hindi naman siguro niya mahahalata na sa akin yan 'no?

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon