CHAPTER 4

379 11 1
                                    

Mary POV

"MARY!!" Sigaw ng maingay kong kaibigan pagkababa ko pa lang ng sasakyan

"LUCY!!" sigaw ko pabalik at nakipag yakapan sa kaniya

"Namiss kita" saad ko habang niyayakap siya ng mahigpit

"Hay nako, kahapon pinuntahan kita sa apartment mo tapos wala ka, sabi sa akin nung may ari ng apartment lumipat ka na daw. Sinubukan kita tawagan kaso wala pa ako load. Pero.. nasabi sa akin nung may ari na may kasama ka daw pogi na driver, sino yun?" Mahabang lintanya niya sa akin at nag kibit balikat ako

"Si Jacob" sagot ko

"Bes ang pogi nung Jacob, pareto naman oh" saad nito na ikinatawa ko

"Payag ka na nun? Driver yung mapapangasawa mo tapos seawoman ka?" Patawang saad ko sa kaniya at lumakad papaalis sa pwesto namin at sinundan naman ako ni Lucy

She is Lucy Makerine Wales, best friend ko since high school. Makulit siyang babae pero kapag sa lalaki nakaharap nagiging hunter siya lalo na kung pogi.

Dati naman mahiyain siya pero simula nung mag college kami, tsaka siya naging ganyan tapos nag karoon pa ng ex boyfriend. Isang buwan lang tinagal nila and until now hindi ko pa rin alam ang reason

"Bes, may mga pogi tayong kasama sa barko" kinikilig nitong sabi sa akin sabay turo dun sa tatlong lalaki na may kanya kanyang porma sa pananamit.

"Ma OJT rin ba sila?" Tanong ko at tumango siya habang tinititigan yung mga lalaki at di na rin ako nag taka nung tumingin din sila sa direksyon namin

"Bes papalapit na sila sa atin oh" kinikilig nitong sabi kaya pati ako kinakabahan na rin.

"Hello b---" hindi na natapos ni Lucy ang pag sasalita nang nilagpasan kami nung tatlong lalaki at nakita kong nakipag kamustahan sila sa ibang lalaki sa likuran namin kaya ako ay natawa sa reaksyon ni Lucy

Halatang halata sa kaniya na napahiya siya dahil sa nangyari ngayon.

"Shet! Nakakahiya sa kanila" saad nito habang tinatakpan ang kaniyang mukha habang ako naman ay tinatawanan siya.

Grabe nag mukha siyang feelingera sa lagay na yan

"Mamamatay na yata ako sa kahihiyan Mary Viatrixe Xylline Monteverde" saad nito na mas lalo kong ikinatawa

"Kung nahihiya ka, hindi na kailangan banggitin pa ang full name ko, Lucy Makerine Wales" natatawa kong saad sa kaniya

"Ms. Monteverde and Ms. Wales, stop talking, mag sisimula na ang tour" biglang sulpot na saad ni Chief Bolton kaya napatahimik kaming dalawa.

Grabe, kami lang talaga yung napansin niyang maingay, eh ang dami kong naririnig na usapan sa kaliwa't kanan namin tapos kami lang yung napansin.

Chineck ko ang relo ko at 5:02 pm na pala. Kaya napaayos ako ng tayo at naging seryoso na para naman mag mukha akong presentable habang nag totour kami

"Good evening students of CamHigh University And Xyford University, we will now start the tour in this magnificent cruise ship" saad ni Chief Bolton sa mic na hawak niya

So, mga taga Xyford pala sila lalo na yung tatlong lalaki na nakita namin ni Lucy. Kaya pala hindi sila familiar sa akin dahil taga ibang school.

Nag simula na mag lakad si Chief Bolton papunta sa isang napaka laking cruise ship na nakapag pamangha sa akin.

Oh my god, dreams come true na 'to. First time ko lang makakasakay sa isang cruise ship at talagang mukhang maeenjoy ko ang 3 months kong stay sa cruise ship na ito.

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon