CHAPTER 73

249 11 12
                                    

Mary POV

"Huy, Mary gumising ka na" sabi ng isang napakaingay na boses habang nararamdaman ko na may yumuyugyog sa akin

"Ano ba. Natutulog pa ako" sambit ko at kinapa ang likuran ko upang kunin ang isang unan at niyakap ito upang muling matulog

"Baka nakakalimutan mo yatang nandito ka sa kwarto ni Master Dwayne" rinig kong sambit nito at para akong nabuhusan ng malamig na tubig at napabangon sabay mulat ng aking mata. 

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto at buti na lang wala na si Dwayne dahil panigurado makikita niya ang mukha kong tulog mantika.

"Sa wakas at gumising ka na aalis pa tayo oh" sabi ni Lucy sa akin na ikinagulo ng utak ko

Kagigising ko lang tapos kung ano ano pa ang ibubungad niya sa akin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang humahakay dahil sa antok na nararamdaman ko

"Wag ka na mag tanong pa. Basta maligo ka na at ako na ang bahala sayo" mabilis nitong sambit at hinila ako papaalis ng kama at tinulak papunta sa banyo sabay sarado ng pinto.

Ano na naman ba ang pakulo nito? Kung mag madali siya ay parang may importante kaming pupuntahan eh sa pag kakaalala ko ay may trabaho kami nga---- Oh shoot! Babalik na nga pala ako sa pag tatrabaho ngayon kaya siguro niya ako pinag mamadaling maligo

Dali-dali akong naligo at ginawa ang dapat kong gawin sa banyo. Itinapis ko sa katawan ko yung tuwalya na nakasabit lang sa likod ng pinto ng banyo. Pag labas ko ng banyo ay hinila naman ako ni Lucy paupo sa sofa at kumuha ng tatlong pares ng floral dress.

"Pili ka dito sa tatlo" nakangiti nitong sabi sa akin na mas lalo ko ikinagulo

"Teka bakit ako pipili ng damit? Ano bang meron at parang meron tayong party na pupuntahan?" naguguluhan kong tanong sa kaniya

"Wag ka na masyadong maraming dada pa dyan, pumili ka na lang----"

"Ayaw ko. Mag explain ka sa akin kung bakit mo ako pinapapili ng damit eh ang alam ko lang naman ay babalik na ako sa trabaho k---"

"Ipapaliwanag ko sayo mamaya basta pumili ka na lang" sabi naman nito kaya wala na akong nagawa kundi ang pumili

"I like the red one" sagot ko sa kaniya

"Okay, isuot mo na ito ngayon, as in now na" utos nito sa akin kaya wala talaga akong nagawa kundi ang sundin siya

Pinapili niya rin ako ng heels at jewelries na hindi ko naman alam kung saan niya nakuha. Pati nga yung style ng makeup ay pinapili niya na rin ako kaya heto ako nagiging sunod-sunuran sa sinasabi niya sa akin

Pag katapos niya akong ayusan ay agad niya ako hinila papalabas ng kwarto ni Dwayne at dinala sa labas ng barko. Umakyat kami sa isang hagdan papunta sa pinaka tuktok ng barko pero habang paakyat kami ay nakikita ko mula sa kinakatayuan ko na merong malaking helicopter na nakaabang dito. Mas lalo akong nagulat nang makita ko doon si Elias at Dwayne na nakaabang sa aming dalawa ni Lucy.

"I need explanation, Lucy. Anong nangyayari na ngayon? Bakit may helicopter" pag tataka kong tanong kay Lucy at ngumiti lang siya sa akin

"Secret" she said while giggling to me and I really can't understand a single here

"Ang tagal niyo namang dalawa" bungad na sabi ni Elias sa aming dalawa

"Pag pasensyahan mo na babe, ang tagal kasi magising ng babaeng 'to tapos ang tagal niya rin lumabas ng banyo" paninisi nito sa akin 

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon