CHAPTER 14

348 11 0
                                    

Mary's POV

"Lumayo ka muna sa akin, panonoorin na lang kita na may konting distansya" saad ko at tuloy tuloy pa rin ito sa pag giling sa harapan ko

Hindi niya ba ako naiintindihan? Nakapag tagalog naman ito kanina ah

"Lucy, ano lahi ba nito?" Pasigaw kong tanong

"Hmm.. ahmm.. Italian ahh.." she said at gusto ko na talaga umalis dito pero ayaw ko iwan si Lucy

Ayos na siguro ang laplapan wag lang may tuluyang may mangyari sa kanilang dalawa.

Ay wait, teka.. Italian? Uy Jackpot!

"puoi allontanarti da me? Ti guarderò e basta. non avvicinarti più a me" sabi ko dito at tumango siya sabay tingin sa akin ng malagkit.

(Pwedeng dumistansya ka sa akin? Papanoorin na lang kita. Wag ka na lumapit pa sa akin.)

Wala naman siguro masama na mag enjoy ako dito habang nag babantay diba? Hayst bahala na basta hindi ako aalis hanggat hindi sila natatapos sa laplapan nila

"non vuoi toccarmi gli addominali?" Tanong nito at umiling ako. Ayaw ko humawak ng abs, bahala siya dyan

(Ayaw mo bang hawakan ang abs ko?)

Laking gulat ko na mag tanggal siya ng pantalon niya sa harapan ko at bigla na naman ako napalunok dahil kitang kita ko ang pag kamestizo niya lalo na yung bumabakat sa suot niyang boxer.

"Lucy, hindi ko na kaya 'to, umalis na tayo dito" saad ko sabay harap sa kanila ni Elias at nagulat ako sa nakita ko.

Bra at panty na lang suot ni Lucy habang pinipisil ni Elias ang likod nito kaya naman agad ako pumunta sa pwesto nila at malakas kong tinapik ang kamay ni Elias na sobrang likot

"Hoy, baka nakakalimutan niyong nasa bar pa kayo" inis kong saad at napatigil bigla si Lucy

Hay sa wakas natauhan na si Luc----

"Can we continue this on your room?" Tanong ni Lucy na halos ikinalaglag ng panga ko

"Lucy ano ba, wala ka na bang respeto sa sarili m---"

"Sure" Elias said at binuhat niya si Lucy habang ako naiwang nakatulala

Bwisit naman oh! Lucy! Bakit ba handang handa ka na itapon ang sarili mo sa lalaking yan?

Agad ako kumuha ng pera sa bag ko at binigay dun sa dancer na kanina pa sumasayaw sa harap ko. Halos 5 thousand yung binigay ko sa kaniya kaya siguro naman sapat na yun.

Dali dali akong tumakbo para sundan yung dalawa kaso nawala na sila sa paningin ko.

Nasaan na yun?

Agad ako pumunta sa counter kung saan doon nag bobook ng rooms sa loob ng barko

"Do you know what room number does Elias Guevarra booked?" Tanong ko sa babaeng nakabantay doon

"Do you have any reasons? Is it important?" Tanong nito

"He kidnapped my best friend" mabilis kong saad

"Kidnapped? But when I saw Mr. Elias earlier, he is kissing someone around your age" sagot nito sa akin

"Yes, that girl is my best friend" agad kong saad

"Respect their privacy miss, don't interrupt them" sabi pa nito kaya padabog akong umalis doon

Tsk, pati ba naman yung babaeng yun hindi ako tutulungan.

Bahala sila dyan, kahit isa isahin ko pa ang mga kwarto dito, hahanapin ko pa rin sila.

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon