CHAPTER 3

446 11 0
                                    

Mary POV

Ring.. Ring..Ring..

Biglang tunog ng cellphone ko kaya bigla ako napabangon sa pag kakahiga ko at dali daling kinuha ang cellphone ko.

Nang makita ko yung caller ID ay agad ko ito sinagot dahil panigurado kapag hindi ko agad ito nasagot ay manganganib ang magiging trabaho ko

"Good Morning Chief Bolton" masaya kong bati sa tumawag sa akin

"Mary, mamayang gabi, ipinapatawag ang lahat na mag O-OJT sa Oceanseal. Mag kakaroon ng tour sa loob ng barko para maging familiar na sa inyo ang buong ship at matandaan niyo ang bawat daan daw sa loob" saad ni Chief Bolton

"Talaga po? Sige sige, ihahanda ko na ang aking sarili para mamaya" natutuwa kong sabi sa kaniya at dali dali umalis sa aking kama

"Walang malalate, 5 pm ang start ng tour, dapat 4 pm pa lang ay nandito na kayo sa barko. Isesend ko na lang sayo ang location ng barko at yung mga bansa na pupuntahan natin habang nasa barko kayo" sabi nito na mas ikinalawak ng ngiti ko

"Sige po, 3pm pa lang panigurado, nandun na ako" natatawa kong saad

"Sige paalam na, marami pa akong inaasikaso" sabi nito

"Salamat po Chief Bolton" sabi ko naman at kasabay nun ang pagbaba ko ng tawag namin

Agad ako napatingin sa orasan sa may dingding at nakita kong 11 am na. Mukhang napasarap ang tulog ko ah. Ang tagal ko bago magising.

Umalis na ako sa kwarto at nadatnan ko si Manang Lita na nag wawalis malapit sa pintuan ko

"Manang Lita, nasaan po si Dwayne?" Tanong ko at bigla siya tumakbo papalapit sa akin

"Wag yung mismong pangalan ni Master ang itawag mo. Dapat ay Master Dwayne dahil kapag narinig ka niya na sinabi mo yan, manganganib ang buhay mo" kinakabahan nitong tugon na ikinataas ko ng kilay

"Master? Ano siya? Sinuswerte? No way, hindi ko yan tatawagin na Master. Never! Never! Never! In his fucking dreams" saad ko sabay irap habang si Manang Lita ay bakas sa kaniyang mukha ang takot

"Wag kang matakot dun sa Dwayne na yun. Hindi siya diyos para katakutan mo. Tao lang yun" sabi ko pa sa kaniya at umiiling ito na para bang may masamang mangyayari sa akin

"Manang Lita, trust me, wag ka matakot sa demonyong tao na y-----"

"Manang leave us alone"

Someone said that makes my heartbeat skip.

N-Narinig ba niya yun?

"Come to my bedroom. I need to talk to you" sabi nito at bigla ako nilayasan

Tsk, utos ng utos sa akin, hindi naman niya ako maid. Naku, kung hindi mo lang hawak buhay ko, baka nataekwondo na kita.

Ay, oo nga pala, hindi tumatalab sa kaniya ang taekwondo ko. Hmm, mag karate na lang kaya ako? Baka sakaling tumalab sa kaniya

"I said come with me" saad muli nito kaya nabalik ako sa wisyo at dali daling sinundan siya. Baka kasi kainin na ako nito ng buhay pag di pa ako sumunod sa kaniya

Nang makapasok na kami sa kwarto niya ay sinarado niya ito sabay upo sa sofa.

"M-May request sana ako sayo" paninimula ko habang kagat ko labi ko

"Pwede ka ba humanap ng karate instructor?" Tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay

"For self defense purpose lang. Marami na kasing masasamang tao katulad mo este mga taong may masasamang balak sa mga babae" pekeng ngiti kong saad sa kaniya

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon