CHAPTER 23

368 10 0
                                    

Lucy's POV

Sobrang lakas ng alon nung makalabas na kami ng cruise ship. Yung hampas ng alon ay halos nakakarating na sa taas ng ship at sobrang basang basa na kami dahil sa tubig ulan at sa alon na tumatama sa amin. Feeling ko mag kakasakit na ako dito pero nilalakasan ko lang ang loob ko.

Marami na akong nakikitang employees at intern na nag bubuwis ng kanilang buhay para mag dive sa karagatan. Most of them are professional swimmers kaya sa tingin ko makakasurvive sila hanggang sa makapunta sa submarine. Samantalang ako, heto lang simple lang. Takot talaga ako sa dagat, takot ako na malunod pero marunong naman talaga ako lumangoy. Sadyang pinangungunahan lang ako ng takot na baka malunod pero kung kasama ko si Mary at Elias, siguro naman ay kaya ko.

Speaking of Mary, nasaan na yung babaeng yun? Hindi ko pa siya nakikita simula kanina. Hindi ba niya natanggap yung message? Bakit wala pa siya dito?

"Elias, nasaan na si Mary? Nakita mo siya" Kinakabahang tanong ko sa kaniya nung makarating na kaming dalawa sa labas ng ship

"Don't mind her, for sure, she is safe" saad ni Elias pero hindi pa rin ako napapakali sa maaaring mangyari.

"Elias, babalikan ko siya, mauna ka na tumalon dyan" sabi ko at tatakbo sana ako upang pumasok at hanapin si Mary pero hinikit ni Elias ang braso ko

"No, you can't. Its dangerous" sabi nito ngunit hindi ako nag patinag

"Kapag wala pa dito si Mary, hindi ako tatalon dyan" makulit kong sabi sa kaniya at tatakbuhan ko sana siya ngunit laking gulat ako nang bigla niya akong binuhat ng bridal style at akmang tatalon na kami pero nag pumiglas lang ako sa kaniya.

"Ano ba! Let me go!" Inis kong sabi habang pinapalo ang dibdib niya.

"Okay, fine" he said at talaga namang binitawan niya ako pero..... ang bagsak ko ay sa dagat na

"PUNYETA KA, ELIAS!" sigaw ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na ako nahulog sa karagatan.

Nang dumampi ang katawan ko sa tubig ay grabe na ang panginginig ng katawan ko. Its so cold! Fuck!

Napansin ko rin na tumalon na si Elias papunta sa akin at hinawakan ang balikat ko

"Ayos ka lang ba?" Hingal nitong tanong

"Mukha bang ayos lang ako?" Inis kong taong sa kaniya at bigla kong naramdaman na inaanod na ang katawan ko papunta sa direksyon kung saan naroon yung dalawang sea tornado at katabi nito ang isang malaking whirlpool

Shit! Di ko makontrol ang katawan ko at halos anudin na ako ng tubig buti na lang nahawakan agad ako ni Elias sa kamay at inilapit sa kaniya

"Wala na tayong oras, huminga ka na ng malalim, mag didive na tayo" sabi nito sa akin at umiling lang ako

"Si Mary, wala pa dito" pag pupumilit ko

"I promise, she is safe. She's with Dwayne, Don't worry, " he said kaya huminga ako ng malalim sabay tingin sa mata niya

"Keep that promise, I dont want her to die especially there's a bomb inside the cruise ship" saad ko sa kaniya at sabay kaming huminga ng malalim sabay sisid sa ilalim ng dagat habang mag kahawak kami ng kamay.

Ilang minuto na kami sumisisid pero wala akong makitang submarine. Ang alam ko may ilaw yung submarine para mabilis namin makita pero wala akong makita as in. Sobrang dilim at konti na lang mawawalan na ako ng hininga.

Bigla ako hinila ni Elias papunta sa isang direksyon at napansin ko na parang merong sasakyan akong nakikita doon at may konting ilaw akong naaaninag. Sa sobrang excitement ko na makita yung submarine ay bigla ko nabitawan ang hinga ko kaya naman napapansin ko na unti unti ako nawawalan ng malay

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon