CHAPTER 5

372 10 1
                                    

Mary POV

"Do you need something? Are you hungry? Do I need to cook for you?" pekeng ngiti kong tanong sa kaniya

"Tsk, you're annoying, I just to warn you that you must not get too close to me in public. If you will report something to me then just call me" he said that makes my eyes rolled

O.A naman niya masyado, as if naman na kakausapin ko siya sa public, baka kung ano pa isipin ni Lucy sa akin pag nag kataon

"Excuse me, ikaw ang nakikipag usap sa akin sa public. Just like now, pinuntahan mo ako sa CR, what if may makakita? nandyan lang yung kaibigan ko sa labas tapos bigla ka papasok dito? Kaya kapag nahuli tayo, its not my fault" inis kong saad sa kaniya sabay irap ng mata ko

"Do you want to die?" he asked

"Sino bang tao ang gustong mamatay? syempre hindi, tanga ka ba?" saad ko at akmang may kukunin siya sa black coat niya at mabilis ko hinawakan ang kamay niya

"Syempre joke lang, kapag nahuli tayo, its my fault not yours, hindi kasi ako nag iingat kaya may nakakita. Don't worry kapag may nakakita sa atin na nag uusap, ako na ang papatay" kinakabahan kong sabi sa kaniya and then he just look at me and he left me

Pinag sisisihan ko na talaga na nag kakilala kaming dalawa.

"Bes ayos ka lang? kanina ka pa dito sa CR" biglang sulpot ni Lucy kaya napahawak ako sa aking dibdib. Jusko! nagulat ako sa kaniya

"Bes, nakakita ka ng multo dito sa CR, no?" sabi nito at sasagot na sana ako nang mag salita ulit siya

"Tama pala yung kwento nina Jessa sa akin kanina, meron daw na nag paparamdam na multo dito. 15 years ago daw kasi ay nag karoon ng holdapan dito sa cruise ship tapos marami daw namatay kaya ayun maraming namatay na tao ang nag paparamdam dito sa CR tapos sa mga kwarto din" lintanya niya at mabilis ko ito sinang-ayunan

"Tama ka Lucy, may nakita akong multo na may hawak na baril kanina. Mukhang siya yung isa sa mga holdaper sa kwento mo. Kala ko nga mamamatay na ako, buti dumating ka" saad ko sa kaniya at bigla niya akong niyakap na ikinataka ko

Ano na naman ang naisip niya?

"Don't worry, Mary, nandito lang ako, hindi ka makukuha sa akin ng multo at isa pa Mary ang pangalan mo, proprotektahan ka ng diyos laban sa mga nakakatakot na multo" sabi nito sa akin sabay himas sa likod ko

Ano tingin nito? umiiyak ako? hayst bahala na nga basta ang mahalaga makalusot ako dito

FAST FORWARD

Nakabalik na ako sa bahay ni Dwayne at dali dali akong pumunta sa kwarto ko para mag impake dahil bukas ng gabi ang start ng On Job Training ko at pag alis ng barko mula Pilipinas papuntang Saudi Arabia kaya marami rami ang bansang pupuntahan namin. Hindi ko nga alam kung kakasya ang tatlong buwan dun pero sabi nila kung hindi daw kakayanin ang tatlong buwan, maaaring tumagal pa kami hang anim na buwan o higit pa.

Mukhang mararanasan ko na ang paninirahan sa dagat kung halos anim na buwan kami mag lalakbay pero sure naman ako na mag eenjoy ako dahil matagal ko na yun pangarap pero.... mag eenjoy ba talaga ako? hayst, yung utos kasi ng Dwayne na yun, gusto pa niya na may patayin ako if ever na part nga yung Gabriel ng isang assassination group. Tsk, bahala siya dyan, wala akong papatayin, ilalapit ko na lang ng sapilitan yung Gabriel na yun sa kaniya para siya na gumawa total siya naman may gusto nun hindi ako

Ang tanong.... paano ko yun mapapaamin? I don't know how to do it. Buti sana kung may plano yang lalaking yan pero mukhang wala naman at sa akin pa talaga iaasa na dapat siya ang gagawa.

Ano ba pumasok sa utak nun para idamay ako sa kaguluhan niya?

Nang matapos ako mag impake ay agad ako pumunta sa garden dahil hindi pa dun umaalis ang dalawa kong pusa na sina Riri at Vivi. Ewan ko ba sa mga 'to, close agad dun sa tiger yan tuloy pati ako naiinggit na. Gusto ko na din hawakan yung tiger kaso baka kagatin ako edi mamamatay pa ako dahil dyan sayang pa ganda ko

Trapped By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon